Dahil sobrang happy ko at hindi ko akalain na aabot ng 1k reads ang book na ito, naisipan kong magupdate. Spread the happiness! Hahahahaha
DON'T DO THE FOLLOWING TO YOUR BOY CRUSH: (*ahem girls! Pag sinabi kong don't ibig sabihin wag na wag niyong gagawin. Please lang! Hahaha)
1. Wag kang PAPANSIN
Jusko naman girl! Wag kang gumawa ng mga bagay na beyond necessary. Ang mga papansin hindi nakakatuwa ang mga iyan, truth it nakakainis lang sila. Just for an example, dahil gusto mong mapansin ka ng crush mo bigla ka na lang tatawa sa harap mismo niya. Yung tipong kita na pati ngala-ngala mo. O kaya naman bigla ka na lang mag-iinarte. Gosh! Kung ako yung crush mo baka sinapak na kita. Hehehe. I must say bawas-bawasan mo yung pagpapapansin sa kanya. Hindi naman siguro natin gugustuhing mapansin niya tayo in a negative way di ba? Kasi nakakainis ang kilos ng mga taong over acting. Hindi naman yun magugustuhan ng crush mo kahit pa sabihin nating hindi naman niya alam na crush mo siya.
2. Wag kang PLASTIC
Hayy naku. Yung mga plastic ngayon pakalat-kalat na lang sa daan. Hahahaha! Kung nakakainis ang mga taong papansin pwes I'm telling you this, mas nakakainis ang mga taong plastic. Kung gusto mong magustuhan ka talaga ng crush mo be true to yourself. Kung ano yung ugaling pinapakita mo sa iba iyon din iyong ipakita mo sa crush mo. Dapat ipakita mo iyong totoong pagkatao mo. Doon mo malalaman kung handa ka bang magustuhan ng crush mo despite of your weaknesses. Hindi naman pwedeng ang magustuhan niya iyong pagkatao mong hindi naman talaga ikaw. The best thing you can be is to be you. Kung hindi ka man niya magugustuhan dahil lang sa pinakit mo yung totoong ikaw, then I challenge you girl to move on. Gago ang lalaking iyon! Hindi siya karapat-dapat sa iyo. It's his loss by the way, and not yours.
3. Don't say BAD WORDS.
Punyeta ka! Gago! Putangina! Shit! Damn you! Fuck you! Grabeng buhay naman ito kung naturingan ka pa namang babae tapos yung mga ganyang salita yung maririnig sa bibig mo. Kasindumi at kasimbaho ng imburnal ang pananalita mo. Palagay mo sinong matinong lalaki ang nasa matinong pag-iisip ang papatol sa iyo kung ganyan ang pananalita mo. Go to hell girl! Gumising ka sa katotohanan na ipinanganak kang tao at hindi mo kailangan sabihin ang mga unwanted words na iyan.
4. Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo
Mind you girl, ipinanganak kang tao at hindi ka binuhay ni God para maging isang linta. Huwag kang dikit ng dikit sa kanya. Alam ko naman na kapag gusto mo talaga ang isang guy eh gagawin mo na ang lahat para mapansin ka niya pero naman, please lang naman, huwag mo namang ipagsiksikan ang sarili mo lalo na kung ayaw naman niya talaga sa iyo. Instead ang gawin mo kung ayaw niya sa yo, lubayan mo na siya. Humanap ng panibagong tatargetin na mas gwapo, mas mabait, mas matangkad, mas matalino, mas mabango, mas maputi sakanya. Hahahahaha! Feeling naman niya sobrang gwapo na niya! :3
5. Wag kang masyadong pakampante
Hindi porket mabait sa yo ang crush mo eh crush ka na din niya. Huwag ka rin namang masyadong umasang liligawan ka niya in the near future. Ghaaad! Ang futuristic mo naman masyado. Hahaha! Though, posible namang ligawan ka din niya pero ang sinasabi ko lang naman wag masyadong pakampante and most importantly wag kang masyadong umasa. Hindi ko masyadong gamay ang likaw ng bituka ng mga lalaki. Hindi natin alam kung ano ang nasa isip niyan. Though Psychology student ako, we're not mind readers. We just base our observations on the way they behave. The bottomline is, I'm not being pessimistic. I'm just being realistic.
Okay, girls. Lagi nating tandaan na ang crush ang ugat ng pagmamahalan. Kahit simpleng crush lang iyan for now pero diyan umuusbong ang love. Pero tulad nga ng sinabi ko noong una don't be mistaken between love and crush. Crush is simply admiration. PAGHANGA sa tagalog. Ang love ay ang mas malalalim na level ng crush. Noong bata tayo nagkakaroon tayo ng crush kasi gwapo yung boy. O kaya maputi, minsan crush natin dahil cute. Pero ang love hindi yan tumitingin sa mukha. Walang wala ang physical apperance ng isang tao kapag umibig iyan. Yung kasabihan nga eh, yung puso yung tumitibok. I mean yung hypothalamus pala at hindi ang mukha. So kapag dumating na sa point na nagustuhan mo ang isang guy at hindi dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan doon natin masasabing tunay na pagmamahal na nga iyan.
Thank you for reading guys! Sobrang saya ko lang. Hahahahaha
Spread love and stay in love! <3 <3 <3
Lovelots,
MissForeverYours
BINABASA MO ANG
TIPS PARA GUMANDA
De TodoKung ikaw ay nalulungkot, kung ikaw ay down na down, kung feeling mo pangit ka at kung ikaw naman ay nagmamaganda. Try mong basahin ito para makarelate ka! Hahahaha! (*wink!) ^____^