I. Ways Para GUMANDA

54.9K 333 159
                                    

Dedicated sa kakambal ko kasi parehas talaga kaming dyosa! Hahahaha ^__^

 

I. Ways Para GUMANDA:

            Para sa akin ito ang pinakaimportante sa lahat. Everything starts in here. Dahil unang-una sa lahat, hindi ka maglalakas-loob magpapansin sa crush mo kung feeling mo ang chaka-chaka mo. Kahit medyo hard, the truth hurts ika nga. Pero ang payo ko, just believe in yourself. Sa totoo lang napakaraming ways para gumanda ka girl! Don’t lose hope! Ang tanging problema lang ng mga babaeng dying hard magpaganda para sa future nilang dalawa ng crush nila ay yung mga taong parang wala ng bukas kung makapanlait. Face the truth. Dahil ikaw na nagbabasa nito, kahit sabihin mo pa sa aking hindi mo pa nagawa iyon. Sasabihin ko sa iyong napakasinungaling mo! Hihihi. Kahit hindi mo pa nasasabi sa taong iyon ng harap-harapan na may mali sa mukha niya, alam ko naman na sa isip niyo pa lang nilalait niyo na siya ng bonggang-bongga! :D

            Pero tandaan lang natin na hindi lang sa mukha nakikita ang ganda, kaya nga may tinatawag na kagandahang-loob di ba?

            Pero above all, kung gusto mo talagang maging maganda at kaakit-akit sa iba at sa napaka mong crush try mong sundin ang mga tips na ito.

No. 1 Personal Hygiene

 

 

            Okay, this is it girl! Napakaimportante ng bagay na ito. Walang sinuman ang gugustuhing makipaglapit sa iyo kung napakabusabos naman ng hitsura mo. Hehehe. Dapat palaging malinis ang katawan mo. Ngayong summer alam kong marami sa atin ang kinakatamaran ang pagligo. But taking a bath is BIG MUST! Kung pwede nga lang tatlong beses sa isang araw ka maligo para iwas talaga sa amoy mabantot eh.Like duh?!? Super init kaya! Ayon sa aking source, total turn-off daw sa isang lalaki ang babaeng mabaho. Oo nga naman, just imagine na yayakapin ka ni crush eh ang kaso disgusting pa sa amoy ng aso niya ang amoy mo, nunca talaga na gugustuhin ka pa niya. Kaya naman after mong maligo, make sure na magdeodorant ka. Kung kapos naman sa budget magtawas ka na lang. Mura lang iyon at least iwas putok pa!

 

Tip no. 1

Kung nasa school ka at sobrang init kaya pinagpawisan ka, please lang sa ngalan ni Sailor Moon wag kang gumamit ng perfume para bumango ka. Pinapalala mo lang ang body odor mo. Like duh?!? Yung pawis natin tsaka yung perfume= EPIC! Malala ang magiging chemical reaction nun. I advise, gumamit ka na lang muna ng baby cologne. At least masarap amuyin kasi amoy baby. ^____^

 

 

Tip no. 2

Hindi maiiwasan sa ating mga girls ang tubuan ng buhok sa ating underarms. Kaya if we want to get rid with those, wag naman sanang gumamit ng clippers. (hindi ko kasi alam ang tagalog term for that :D) Pati kasi yung ugat nung buhok nahihila kaya ang ending umiitim yun after ng ilang days and trust me mahirap ng ibalik sa dati ang hitsura nun. Better if we shave it and mas maganda din kung gumamit tayo ng shaving cream. Hindi niyo naman siguro gugustuhing umitim ang kilikili natin, right? :D

TIPS PARA GUMANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon