Ako si Kei.
Ako lang naman ang pinakagwapo, pinakasikat at pinakahot na celebrity ngayon. Halos lahat ng babae magpapakamatay makita lang ako. Lahat sila nagkakandarapa sa akin. Lahat gagawin nila basta iutos ko lang. Ganoon naman ang mga babae, lahat sila uto-uto.
Pero hindi ko talaga inaasahan ang nangyari kahapon. Isang babae ang sumampal sa akin. Isang mababang uri ng nilalang, sinampal ako? Dahil sa tatanga-tangang babae ng yun, nasira ang mamahalin kong jacket, muntikan pang masira ang mukha ko. I'll make her pay for it! Humanda siya!
At kahapon din, sinabi ng daddy kong magaasawa na siya ( malas na araw talaga). Dahil nga dun, napilitan akong sumama para makita yung papakasalan niyang babae. Sinabi niya din na doon muna kami titira tutal naman ay magpapakasal na sila. Nakakadiri talaga ang pagkacheesy ng huklubang iyon. Well, wala naman talaga akong balak tumira doon dadil may condo ako kaso when I saw the picture of my future stepsister nagbago ang isip ko. Huwag niyong isiping type ko siya. No way! Mas magugustuhan ko pa ang kalabaw kaysa sa bwisit na babaeng yon. Ang tinutukoy ko lang naman ay ang babaeng sumampal sa akin kahapon. Siya ang magiging stepsister ko. At ngayon nga nakatayo siya sa harap ng pinto ng kwarto niya at parang tangang nakatulala.
"Hey, nice to meet you, stepsister.." bati ko sa tangang babae. Nanlaki ang mga mata niya gaya ng tarsier pero di siya nagsalita.
"Bakit ka nakatulala? Well, I know I have the face of an angel pero di ka dapat ganyan sa kapatid mo, ate..." pangaasar ko.
"WHAT!!?????" sigaw niya "WHAT ARE YOU DOING HERE!!!?????"
"Unang kilala ko pa lang sa iyo, alam ko ng tanga ka. Pero, matagal ba talagang magprocess ang utak mo? Di ba sabi ko ako ang iyong stepbrother, ate?" pangaasar ko ulit sa kanya. I'll make her life a living hell. Humanda talaga ang babaeng ito sa akin.
"Anong ate? Hoy, mas matanda ka sa akin!! At anung stepbrother? Anong ibig mong sabihin?"
"Grabe, ang bopols mo talaga. Ako ang anak ni Mr. Richard Grayson, ang lalaking pakakasalan ng mommy mo. In short, ako ang iyong bagong kapatid. So, I'll hope we'll take care of each other stepsister...HAHAHAHAHHAHAHAHAHA" Sinamahan ko na ng malakas na tawa para maganda ang effect ng dialogue ko. Kumbaga sa sine, ako yung kontrabidang kinatatakutan. Pero syempre dito baliktad, ako yung bidang dudurog sa babaeng ito. This girl hit me in the face, I'll make her suffer for what she did.
Effective ata ang pananakot ko, dali-dali niyang binuksan yung pinto ng kwarto niya at pumasok. Bwahaha, buti nga.
"Oh, bakit ka pumasok sa loob? Won't you give your little brother a hug? Hahahaha, tandaan mo ito, di ko pa nakakalimutan ang ginawa mo. I'll make you pay for it. And by the way, based from what your mom said, mas matanda ka sa akin ng isang buwan, kaya ate talaga kita. So long ate...." Pagbabanta ko sa kanya. Pagkatapos, bumaba na ko para makipagkwentuhan at plastikan sa mommy ng tangang babaeng ito.
NARINIG ko ang mga hakbang niya paalis. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Wait, ano daw sabi niya? Stepbrother? Sinampal-sampal ko ang sarili ko para malamang di panaginip ang lahat. Pero dudugo na ata yung pisngi ko kasasampal di pa din ako nagigising. So, totoo nga, pakakasalan ni mommy ang daddy ni Kei? Which will make him my stepbrother? Oh no...Magkakaroon lang ako ng pekeng kapatid, yun pang ubod ng sama ang ugali. Lord, ano bang ginawa ko at pinaparusahan mo ako ng ganito?
Dahil wala akong makausap ng matino sa bahay, tinawagan ko si Yui.
"Hello..?" sagot ni Yui sa kabilang linya.
"Yui......" tapos nun ay humahagulgol kong ikwinento sa kanya ang nangyari.
"So anong plano mo?" tanong sa akin ni Yui pagkatapos kong ikwento ang lahat ng happenings.

BINABASA MO ANG
The 22nd Bastard (ONGOING)
Подростковая литератураShe is hopelessly romantic He is a bastard who does not know love Are these two incompatible individuals meant to fall in love? I can't answer that Just read to find out