Episode 6

22 5 1
                                    

"Surprise!!!!" sigaw ng tatay ni Kei pagpasok ko sa bahay. Nakasuot pa siya ng bulaklaking blouse kaparehas ng mga suot ng tao sa Hawaii.

"Ha? Surprise? Hindi ko pa po birthday," naguguluhang sabi ko. Ano kayang mayroon bakit ang saya niya? Saka what's with the summer attire? Tapos na kaya yung summer. Ang weird.

Pagkagaling ko kasi sa school, nagmamadali akong dumiretso sa bahay to finish my assignments. Kailangan ko kasing matapos ito before magmidterms dahil aasikasuhin ko din ang paggawa ng thesis ko sa mga bakante kong araw. Ang kaso, paguwi ko, naabutan kong nakasilid na sa maleta ang iba kong mga damit. At ito na nga, bigla akong ginulat ng tatay ni Kei.

"Haha, joker ka talaga hija. Nagdecide kasi kami ng mama mo na magbakasyon at pumunta ng beach. Since wala ka namang pasok sa weekend, nagdecide na kaming isama kayo ni Kei," paliwanag niya

"Ha? Bakasyon? Hindi po ako pwede dahil may mga assignments akong kailangang tapusin," paliwanag ko. Madami pa akong dapat gawin saka ayoko ngang magbakasyon kasama yung hambog na Kei na yun. I'd rather spend my weekend alone.

“Ha? Ganoon ba? Sayang naman...” malungkot na sabi ng tatay ni Kei. Di ko namalayan na ang mommy ko na pala ang nasa likod niya.

"Jenny, sumama ka na, magagawa mo naman ang mga assignments mo habang nasa bakasyon tayo. Di dapat puro pag-aaral ang inaasikaso mo," sermon sa akin ng mommy ko.

“Pero.....” kontra ko.

"Sige na hija, makakapag-aral ka na, makakapagbakasyon ka pa. Higit sa lahat makakapagbonding pa tayong lahat. Ang purpose naman din kasi nito ay makapagbonding tayo as a family," dagdag pa ng tatay ni Kei.

“Oo nga naman, di maganda na puro na lang aral ang nasa isip mo. Minsan matuto ka ding magsaya at makisama,” sermon pa sa akin ng mommy ko. Ganito siya, laging galit kapag di mo sinunod.

"Ok, sige po mommy, tito, ihahanda ko na lang yung mga iba ko pang dadalhin.." sumusuko kong  sabi. Alam ko kasing pag ang mommy ko na ang nagsabi, wala ng babali dun. Paakyat na sana ako ng kwarto ng biglang akong makarinig ng malakas na sigaw galing sa sala.

"ARE YOU KIDDING ME???" sigaw ni Kei. Sakto palang papaakyat na ko ng  hagdan ng dumating siya. Ang bastos talaga ng lalaking ito, sukat ba namang sigawan ang tatay niya.

"What do you mean? I am doing you a favor here. Maganda nga ito ng makapagrelax ka naman, di puro trabaho na lang ang nasa isip mo. You should take a break," mahinahon na sagot ng tatay niya.

"A break? Did you understand what you said? Wala akong break, by tomorrow, I need to go to a photoshoot for Nike tapos sa Sunday kailangan kong tapusin ang mga scenes na dapat kunan for the finale of my soap, kaya wala akong panahon sa mga kalokohang ito," pabalang na sagot ni Kei. Ang yabang niya talaga, ang sarap batukan. Dahil sa commotion, nagdecide na lang akong bumaba muna para makita ko in full view ang inis na mukha ni Kei. BWAHAHAHAHAHA.

"Yeah, alam ko ang mga schedule mo, kaya naman tinawagan ko ang manager mong si Nikita to check if we can move them. Turns out, maski pala agency mo willing na magbreak ka muna kasi wala ng pahinga ang sched mo. Kaya naman, they agreed to move your schedules next week," mahinahon pa ding paliwanag ng tatay ni Kei. Ambait talaga ni tito, kung anak ko ang bastos na ito, hinambalos ko na ito ng dos por dos.

"You dare mess with my work? I can't believe it, pati ba naman yun pinakialaman niyo na!" galit na sigaw ni Kei sa tatay niya.

"Actually, Kei, ako ang nagsuggest kay Rich na tumawag sa management mo to check if you have schedules. I was the one who planned this trip as well kaya wag ka ng magalit sa daddy mo. You should blame me," sabi ni mommy. Naks, pinagtanggol niya talaga si tito sa anak nitong hambog

The 22nd Bastard (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon