"I'm sorry" ONE
"I'm in love with someone else." TWO
"Parang kapatid lang ang tingin ko sa iyo." THREE
"Wait, ano nga ulit name mo? Sorry di ko maalala." FOUR
"Pwedeng friends na lang tayo?" FIVE
Yan at madami pa kong narinig na rejection phrases. Trust me. Madami na. At ngayon, nagdecide akong magtapat ng feelings ko para kay Joseph. Yung ace player ng basketball team sa school namin. Pagkatapos kong ibigay yung cake at magtapat ng in love ako sa kanya, eto yung eksaktong sinabi niya: "I'm really sorry, you're not my type at may girlfriend na ko ngayon" SIXTH. Yun na yung sixth sample ng rejection phrase for today. Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na siya dala yung cake na binigay ko. Grabe, ang kapal, ayaw niya sa kin pero kinuha niya yung regalo ko!
Actually sanay na kong mareject. Si Joseph na ata yung pang twenty or twenty one na lalaking nambasted sa kin. Pero hindi pa din ako sumusuko. Hopeless romatic akong tao kaya naniniwala akong darating din yung taong para sa akin. Kaso sadyang mainipin ako kaya ako na mismo yung lumalapit sa mga taong gusto ko. Ang akala ko kasi pag nagpakilala ako at nagtapat ng love para sa kanila ay magugustuhan nila ako ( turns out hindi pala). Parang unti-unti na kong nawawalan ng 'hope' sa love.
++++++++++++++++++++++
"Siguro sadyang panget lang ako kaya di nila ako magustuhan" sabi ko. Kausap ko yung bestfriend kong si Yui at nandito kami sa cafeteria sa school.
"Sino namang may sabi sa iyo niyan? Hindi ka panget. Matangos naman yung ilong mo, tapos maputi ka pa. Mukha lang bruha yung buhok mo dahil di ka nagsusuklay pero in total di ka panget. Sino bang nagsabi nyan sa iyo? Si Joseph ba?" tanong ni Yui.
"Hindi, walang nagsabi sa akin. Eh kasi naman, sa dinami dami ng nagustuhan kong guy, ni isa walang nagkagusto sa akin. So kung di ako panget, ano ako? Normally pag maganda yung girl, tiyak baka sila pa yung naghabol," paliwanag ko kay Yui habang iniinom yung iced coffee na inorder ko.
"You know wht's the problem Bessie? Yung mga lalaki kasing nagugustuhan mo, mga jerk. Tingnan mo si Logan, yung soccer player, di ba napakababaero nun? Ginawa ka pa nga niyang katulong sa pagbubuhat ng soccer balls para sa team niya. Lagi mo din siyang pinagluluto ng lunch. It turns out na may girlfriend naman pala siya. Remember si Bernie, yung sabi mong di pa nagkakagf at campus hottie dun sa high school natin dati, it turns out bading pala kaya walang girlfriend. Tapos ngayon si Joseph, yung saksakan ng yabang na lalaking yun. The list can go on and on para sa mga lalaking kinabaliwan mo dati. As I see it, there is nothing wrong with you, ang mali ay yung mga choices mo." sermon sa akin ng bestfriend ko.
"I know, kaso kasalanan ko ba, eh sa naiinlove ako sa kanila eh. I can't control my heart," naiiyak na nga ko yung Bessie ko ang sakit pa magsalita. Well, most of what she said is true, but truth hurts sometimes.
"Ang sa akin lang naman, ayoko kasing nakikita kang depressed. Alam mo Bessie, it's not your lost if they don't like you. It's theirs," sabay abot niya ng panyo sa akin.
"Alam mo Best, kaya kita love eh, ang laki ng tiwala mo sa kin," humahagulgol kong sabi habang pinupunasan ko yung mga luha ko.
"Ikaw lang eh, kung si Alex na lang sana nagustuhan mo, eh di tapos na problema mo. At least siya may gusto na sa iyo since first year tayo."
Sumimangot ako lalo. Yung Alex na tinutukoy niya, yung friend naming lalaki. Matagal na nga niyang sinasabing gusto niya ko pero parang kapatid lang talaga yung turing ko sa kanya. Sinabi ko na yun sa kanya kaya ngayon 'friends' lang talaga kami."

BINABASA MO ANG
The 22nd Bastard (ONGOING)
Teen FictionShe is hopelessly romantic He is a bastard who does not know love Are these two incompatible individuals meant to fall in love? I can't answer that Just read to find out