Alas diyes na ng gabi at di pa din ako makatulog. Hindi pa din bumabalik si Kei at hindi ko naman alam kung saan siya pumunta. Nasa isip ko pa din yung isinulat niya sa papel kanina. Nagsorry siya sa akin? Totoo ba yun? o nananaginip lang ako? Sinampal ko na yung sarili ko kanina pero napatunayan ko lang lalo na gising ako. In fairness, may konsensya din pala ang lalaking iyon kahit konti. Dahil ba sa akin kaya hanggang ngayon di pa din siya bumabalik sa room? Hay, di ko mapigilan ang maguilty din. Pero, kasalanan niya naman. Kung di niya ako niloko di ako tatakbo sa labas at di ako magagalit sa kanya.
"AAAAHhhhHHHHHhhh!!!! Bwisit!!!" sigaw ko sabay tayo sa kama. Di din ako makakatulog ng ganito, ang mabuti pa hanapin ko na lang si Kei.Nagdala na din ako ng jacket dahil malamig sa labas at dinalan ko na din ng jacket si Kei dahil baka nilalamig na siya. Ang problema nga lang saan ko ba siya hahanapin?
Nagsimula akong maghanap sa mga malapit na kainan sa labas ng hotel. Kaso, nasuyod ko na lahat ng food stalls, di ko pa din siya makita. Saan ba nagsuot ang lalaking iyon? Baka nakidnap na ng fan niya yun ah. Uso pa naman ang obsessed fan nowadays. Gosh, wag naman sana dahil tiyak maguiguilty ako forever kung may nangyaring masama sa kanya. Dahil sa wala naman akong napala sa paghahanap sa kanya sa may mga stalls, nagdecide akong hanapin siya sa may shore. Madami din kasing tao ang nakatambay dun habang nakatingin sa dagat. Malay ko ba kung isa siya sa mga senti na nakatulala dun. Kaya naman dun ko naman siya hinanap. At di nga ako nagkamali, nakita ko siyang nakaupo sa may buhangin at nakatingin sa dagat. Nandun siya sa madilim na part kaya naman walang nakakapansin sa kanya (well, maliban sa akin, nakita ko kasi na suot niya pa din yung t-shirt niya kanina) Nagsesenti ata ang lolo mo. Nakaisip ako ng kalokohan kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Gugulatin ko siya para naman makaganti ako ng konti lang sa ginawa niya sa akin kanina. Pero hindi pa ko nakakalapit ng sobra, biglaan siyang lumingon sa direkyon ko. Ang lakas pala ng pakiramdam ng lalaking ito.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin. Feeling ko alam niyang may gagawin akong masama sa kanya. Ang lakas ng pakiramdam ng lalaking ito.
"Ha? Ah, wala, wala..." pagsisinungaling ko.
"Anong wala, eh dahan-dahan ka pang lumalapit sa akin. Subukan mo kong gulatin, tatamaan ka sa akin," pagbabanta niya. Kanina naguiguilty ako, ngayon naman bumabalik ang galit ko sa pagiging walang galang at sa yabang ng lalaking ito.
"Baka, ikaw tamaan sa akin. Dinalhan lang kita ng jacket kasi malamig na dito, baka sipunin ka at ako pa sisihin mo! Saka bakit ba hindi ka pa umaakyat sa kwarto? Mamaya, hanapin ka nina mommy at tito, hindi ko alam kung nasaan ka tapos ako pa masisisi sa katangahan mo kung makidnap ka dito. Grabe, ang sakit mo sa ulo."
"Pinaglihi ka ba sa parrot?" biglaan niyang tanong sa akin.
"At bakit???"
"Ang ingay at ang daldal mo kasi. Di mo ba nakikitang tahimik ako dito kanina bago ka dumating. Di ko alam kung babae ka ba talaga, wala ka man lang hinhin sa katawan.." mapang-asar niyang sabi sa akin. Pigilan niyo ko, dadagukan ko na talaga siya. Isa na lang, kaso kailangan ko ding magpigil dahil madami ding tao sa paligid. Baka isipin pa nila basagulera ako.
"O ayan!!!!" sigaw ko sabay bato sa kanya ng jacket. "Sipunin ka nga sana at wala akong care kung dito ka matulog o makidnap ka, bahala ka na sa buhay mo! Yabang!" dagdag ko pa sabay naglakad palayo. Kahit gustuhin mo mang maging mabait sa kanya, di mo talaga magagawa sa sama ng ugali niya.
Mabilis akong naglakad papasok ng hotel. Makatulog na nga bago pa sumama ng tuluyan ang araw na ito. Ang plano ko sana, dumiretso na sa room ko (ko lang, ayokong iconsider na kasama ko sa room si Kei) at matulog na ng mahimbing. Kaso, pagpasok na pagpasok ko pa lang ng hotel, bumungad na sa akin ang mommy ko at ang tatay ni Kei.

BINABASA MO ANG
The 22nd Bastard (ONGOING)
Teen FictionShe is hopelessly romantic He is a bastard who does not know love Are these two incompatible individuals meant to fall in love? I can't answer that Just read to find out