First kiss.
Ang first kiss ay ibinibigay mo lang sa taong mahal mo at mahal ka rin. Marami akong pinangarap na scenario para sa first kiss ko. Kasama ang first boyfriend ko. I regarded my first kiss as a sacred thing. Pero bakit hinahalikan ako ngayon ng isang halimaw? Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon?
Rewind. Kanina lang nilagyan ng halimaw kong stepbrother ng ipis ang bag ko. Oo, isang bag ng nakakadiring patay na ipis. Dahil doon, naisipan kong gumanti sa kanya kaya nilagyan ko ang kwarto niya ng mga daga. Nalaman ko kasing takot siya sa daga. Ang akala ko sasaktan niya ko sa galit kaso ang nangyari bigla niya akong hinatak at hinalikan.
I tried to resist pero hindi din effective dahil lalaki siya at mas malakas siya sa akin. Then, I felt his lips touched mine. Because of that, may naramdaman akong ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Huwag kayong magilusyon, di 'love' ang tinutukoy ko. Ngayon, ang nararamdaman ko lang ay matinding galit para sa halimaw na ito at umiisip na din ako ng plano kung paano ko ihuhulog ang katawan niya sa Pasig River.
Tumagal lang ng ilang segundo ang pagdadampi ng lips namin. Pinakawalan niya ako and for some reason gulong-gulo ang expression niya sa mukha. Well, this is my chance. "KABOOOOOOGG!!! PAK! PAK! PAK!" Sinapak ko siya sa mukha at sinampal ng tatlong beses. Sayang wala akong baseball bat dahil ang sarap hatawin sa ulo ng lalaking ito. Oo, morbid ako pero siya ang nag-umpisa nito!
Naghihintay ako na may sabihin siya o gumanti man lang sa ginawa ko pero sa halip na umimik bigla siyang tumakbo palabas ng kwarto ko na parang may multo.
"Huwag na huwag ka ng lalapit sa akin dahil sa susunod mas malala pa dyan ang gagawin ko tapos ihahagis ko ang katawan mo sa Pasig River!" sigaw ko sa kanya na alam kong narinig niya.
Pagkalabas ng halimaw, mabilis akong nagpunta sa banyo para magtoothbrush. Sinigurado kong natanggal lahat ng germs na kumapit sa labi ko dahil sa kiss ng lalaking iyon. Kahit na dumugo pa ang gilagid ko, ang mahalaga mawala ang virus, germs o kung ano pang masamang elemento ang kumapit sa akin.
Kung kaninang umaga nakaset ang plano ko para lang asarin si Kei, ngayon, assassination plot na ang binabalak ko. Ang leche, hambog, maangas at manyak na lalaking iyon. He had stolen my first kiss, I will surely make that bastard pay!
Humihingal akong bumalik sa kwarto ko. Bakit ko iyon ginawa? Bakit ko hinalikan ang nakakairitang babae na iyon? Minsan talaga hindi ako nag-iisip. Paano na lang kung isipin niyang may gusto ako sa kanya? Tapos, magdemand siyang pakasalan ko siya? Ang mga ganoong babae pa naman, desperada. Baka pwersahin niya akong pakasalan siya. No way! Never! Nakakairita, ninakaw ng babaeng iyon ang first kiss ko. Kung hindi naman niya kasi ako prinovoke di hindi ko iyon ginawa. Kasalanan ito ng bwisit at malas na babaeng iyon.
Humanda siya. I promise to make her pay for stealing my first kiss. Well, kung titingnan mo ako naman talaga ang naunang humalik sa kanya. Pero kahit na, gagantihan ko siya. Iisip pa sana ako ng plano kung paano ko siya gantihan kaso gabi na at inaantok na ko kaya bukas na lang. Inalis ko muna sa isip ko ang nakakairita kong stepsister at natulog sa malambot kong kama.
Nagising ako ng maramdaman kong tumatama na sa kin yung sinag ng araw sa labas. Hay, leche, naoverslept ata ko kasi ang sakit ng ulo ko. Buti na lang wala akong taping ngayon. Anong oras na ba? 9 o'clock na. Naalala kong pupunta pala ko sa school ni Uncle Shin ngayon para magobserve. May upcoming movie kasi ako na tungkol sa isang batang professor sa college kaya naman nagoobserve ako kay Uncle Shin para mainternalize ko yung role. Bumaba ako para magalmusal. Wala ng tao sa dining table pagbaba ko. Good. Di ko kailangan magpanggap sa harapan nila at di ko kailangang makita ang bwisit na babaeng yon.

BINABASA MO ANG
The 22nd Bastard (ONGOING)
Genç KurguShe is hopelessly romantic He is a bastard who does not know love Are these two incompatible individuals meant to fall in love? I can't answer that Just read to find out