Episode 3

37 6 0
                                        

"Huhuhu, ipis, ang dami-daming ipis...," humahagulgol kong paliwanag sa nurse. Nasa clinic kami noon ni Yui. Hinimatay kasi ako pagkatapos makita ang isang plastic ng ipis sa bag ko.

"Yeah, I know, we already removed the cockroaches from your bag. Here, drink this, pampakalma yan, " sabi niya habang binibigay sa akin ang isang tablet ng gamot.

"Thanks," sabi ko sabay inom ng gamot. Nandun na din si Yui at hinahagod-hagod niya ang likod ko habang humahagulgol ako. Ang may kasalanan nito ay walang iba kundi ang bwisit na lalaking Kei na iyon. Gago siya para lagyan ng ipis ang bag ko. Gaganti ako. Humanda siya sa akin.

"Hey, Jenny, how are you? Everything okay?" Si Alex yun. Pawis na pawis siya, halatang tumakbo pa siya papuntang clinic.

"Yeah, I'm okay Lex. Pero may isang taong di magiging okay kapag ginantihan ko na siya. Humanda sa akin ang lecheng lalaking iyon," sabi ko. Lagot talaga ang Kei na iyon sa akin. Lintik lang ang walang ganti.

"Should we just report it to the Dean? I mean di porket artista siya, makakalusot na siya. You should take the right actions to make him pay for what he did," sabi ni Yui.

"I can't do that, that will only make me look weak. Saka hindi naman siya student dito. Even the dean can't do anything about it." sabi ko

"Wait, can I interrupt? Sino ba ang pinag-uusapan niyong dalawa? The person who hurt you? Sino siya?" tanong ni Alex.

Ikwinento ko kay Alex ang nangyari at tulad ko galit na galit din siya. Parehas kami ni Alex na hotblood. Hindi kami pwedeng magsama dahil malamang magstart kami ng World War 3.

"Anong gusto mo? Ipabugbog ko na ba sa mga barkada ko ang gagong yon?" tanong sa akin ni Lex and I know he is serious.

"Hindi. I can handle this. I'll make him pay for this. An eye for an eye, a tooth for a tooth. Di ako duwag kaya ipapamukha ko sa lalaking iyon na di niya ako dapat minamaliit. Humanda siya sa akin," I am definitely determined.

"Well, that's my girl. Just tell me if you need me. Ako na magtatapon ng katawan niya sa ilog," nakangiting sabi ni Alex.

"Huwag, ibaon na lang natin para walang ebidensya,"

"Haha, pwede din," tapos nun ay sabay kaming nagtawanan.

"SShhhh, puro kayo kalokohan. What if somebody hears you two? Tsktsk," saway sa amin ni Yui.

Dahil doon tumahimik kami pero pag hindi nakatingin si Yui, pinagbubulungan namin ang mga plot na pwede naming gawin para mapatay ang halimaw (which of course di naman namin gagawin dahil ni ipis nga di ko mapatay, tao pa? Well, masarap lang talagang mag-imagine.)

Pag-uwi ko ng bahay, swerte wala pa dun yung siraulong lalaki. Ang nandoon lang ay ang tatay niya dahil wala daw pasok sa office nila ngayong araw.

Sabi nga nila, 'Keep your friends close, but your enemies closer.' Well, I can't keep him close so I'll go to his dad ( Dahil wala naman talaga akong kilalang friend niya na makakausap ko. May friend ba ang halimaw na yun? I think wala)

"Hey, your early. I thought you'll go home around 7PM, that is what your mom told me," sabi sa akin ni Mr. Grayson (di ko alam ang dapat kong itawag sa kanya)

"Ano po kasi Mr Grayson, dapat po talaga hanggang 7PM ako kaso the nurse told me to go home," paliwanag ko.

"Why? What happened?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Ahm, nothing really big. Medyo nahilo lang po ako sa dami ng ginagawa kaya bumaba yung dugo ko. Then they decided to send me home. (Ang totoo talaga hinimatay ako sa dami ng ipis na inilgay ng anak mo sa bag ko.)"

The 22nd Bastard (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon