Chapter 8

15 0 0
                                    

"Kei! Hoy Kei!!!!" sigaw ko habang naglalakad. Ang leche ko kasing soon-to-be stepbrother, tinawag-tawag ako pero ngayon nauuna namang maglakad sa akin. Kanina niya pa ko hindi pinapansin sa di malamang dahilan. May saltik talaga ang isang ito. Sa inis ko, tumakbo ako at binigyan siya ng malakas na batok.

"Aray! Ano bang problema mo!!!??" sigaw niya sa akin. 

"Kanina pa kasi kita kinakausap pero hindi ka sumasagot. Tinatanong ko kung nasaan sina mama para pumunta na lang ako dun!"

"Yun lang pala yung tinatanong mo, bakit kailangan mo kong batukan? Eh kung batukan din kita dyan???"

"Sige, subukan mo, gagamitan kita ng uppercut," sabi ko sabay pormang Manny Pacquiao. Di ko siya uurungan.

"Uppercut mo mukha mo," sabi niya sabay tingin ng masama sa akin.

"Bwisit ka talaga."

"Di bale ng bwisit, di naman ako kasing tanga mo."

"At sinong tanga???"

"Ikaw, sino bang kausap ko?? Bukod sa pagiging mukhang raccoon, tanga ka pa. Nagpacute lang sa iyo yung lalaki, nilalandi mo na agad." 

"HA???? Kanina tanga, ngayon malandi naman? At saka sinong raccoon?? Naku, Kei, namumuro ka na talaga sa akin!!"

"Oh, anong gagawin mo ngayon? Sasapakin mo na naman ako, gaya dati? O gagamitin mo yung stungun mo? Sige lang, bring it on. I'm ready." maangas niyang sabi.

Nakakawalang gana na ding makipagtalo kaya tinitigan ko na lang siya ng masama. Ang yabang talaga niya, ang sarap niyang apakan kagaya ng ipis. Bago pa magdilim ang paningin ko, tinalikuran ko na siya at lumakad papunta sa natatandaan kong daan pabalik ng hotel. Magkaroon sana ng malaking alon para matangay ang hambog na Kei na ito.

"Di ba si Kei yun??" narinig kong sabi nung mga babaeng dumadaan habang naglalakad ako paalis.

"Oo, kahawig ni Kei..."

"Kung hindi yan si Kei, ang gwapo naman nyan. Bakit kaya siya inaway ng babae? Ang kapal naman niya para umaway ng pogi..."

Ah, ganun, porket pogi, ako na agad ang may kasalanan?? Unfair. Swerte lang talaga ang lalaking ito at binigyan siya ng 'appeal'.

"Hoy!!!Hoy!!! Saan ka pupunta????" habol sa kin ni Kei.

"Eh di babalik na ng hotel!" sigaw ko pero di ko siya nilingon. Mukhang tinatakasan niya yung mga fans niya.

"Hintayin mo ko, sasabay na ako."

Di ko siya pinansin at nagdirediretso lang ako sa paglalakad. Siya naman nasa likod ko lang at nakasunod. Di ko siya kakausapin. Naiinis pa din ako sa kanya. Nang makarating na kami sa hotel, nawala na siya sa likod ko. Di ko alam kung saan siya napunta at wala akong pakialam. Kaya naman nagdesisyon akong mag-almusal muna dahil sa di pa ko nakakapagalmusal. Nakakita naman ako ng Jollibee sa ibaba ng hotel. Dun na lang ako kakain kasi kanina pa ko nagkrecrave ng chicken joy. Pagpasok ko sa Jollibee, umorder ako kaagad para makakain na. Saktong kakagatin ko pa lang yung chicken ng biglang may maglapag ng tray niya sa table ko. Pag-angat ng ulo ko, nakita kong ang tao palang may hawak ng tray ay si Kei.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The 22nd Bastard (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon