"Niloloko mo ba ko?" tanong ko habang hawak-hawak ang papel na laman ng folder.
"Hindi. Mukha ba kong nagbibiro?" maangas na sagot sa akin ni Kei.
"Kung hindi ka nagbibiro, nakakatawa ang mga pinagsusulat mo dito. May pa-rules rules ka pang nalalaman diyan. Eh, lahat naman ng nakasulat dito, malaking kalokohan, gaya ng, RULE No. 1, Huwag na huwag kang maiinlove sa akin. FYI, tatalon na lang ako sa bangin kaysa mainlove sa iyo. Saka ano itong rule no 2, Huwag ipagkalat sa mga taong magkakilala tayo? Sa tingin mo, gusto kong malaman nila na magkakilala tayo? Kung wala kang magawa sa buhay mo kundi puro kalokohang rules, huwag mo na kong idamay."
"Sabi ko na nga ba, may nililihim kang pagkakagusto sa akin."
"Ano???!!!" galit at gulat kong tanong. Napakahambog talaga ng lalaking ito.
"Ayaw mong tanggapin at pirmahan ang mga rules na yan pagkakita sa rule no 1. Sabi ko na nga ba at may gusto ka sa akin." maangas niyang sabi.
Sa inis, binalibag ko sa harapan niya yung papel. "Grabe, ang kapal talaga ng mukha mo. Kung gusto mong pirmahan ko ito, fine, pero hindi lang ikaw ang gagawa ng rules dito. Bahay ko ito kaya may karapatan akong gumawa ng mga rules na dapat sundin mo din. Pahiram ng ballpen," utos ko sa kanya.
"Para saan naman?"
"You made your rules, I'll make mine. Di lang ikaw ang pwedeng malagay ng rules," sabi ko. Di na lang nagsalita si Kei at inabot niya sa akin ang ballpen niya. Sinulatan ko ang likod ng papel na binasa ko kanina para irevise ang mga imbentong rules ng stepbrother ko.
RULE 1. Huwag kang mainlove sa akin (KEI) As if naman mainlove ako sa kanya, pero inilagay ko pa din para sa ikasisiya niya.
RULE 2. Huwag kang papasok sa kwarto ko! (JENNY) Ginawa ang rule na ito para makaiwas sa manyak. Pumayag naman siya sabay sabing never niyang pinangarap na pumasok ulit sa kwarto ko. Ang kapal talaga.
RULE 3. Be civil in front of parents (BOTH) Di na kailangang malaman ng mga magulang namin ang kinikimkim naming galit sa isat-isa.
RULE 4. Huwag makialam sa buhay ng isat-isa (KEI) Yeah, right, pakels ko naman kay Kei.
RULE 5. Don't get into my nerves (JENNY) Para sa ikatatahimik ng bahay, mas mabuting huwag niya kong asarin kundi tatamaan talaga siya.
RULE 6. Huwag ipagkalat sa mga taong magkakilala tayo (KEI) I keep this rule. Ayokong malaman ng mga kakilala ko na future step bro ko ang halimaw na ito dahil malamang di na nila ako tigilan pag nangyari iyon.
RULE 7. Bawal ang manyak (JENNY)
"Sinong manyak? Ikaw? Sabi ko na nga ba pinagnanasaan mo ko," maangas na sabi ni Kei pagkasabi ko sa rule no 7.
"Ang kapal mo, syempre ikaw! Remember last night?? Baka hindi mo na yun naalala kasi as an actor sanay ka na sa kissing scenes. Pero do that again, I'll kill you!!" pagbabanta ko sa kanya.
"As if, I will. What happened was a mistake. Ierase na natin yun sa mga memory natin dahil maski ako nasusuya," sabi niya sa akin without blinking.
"Mabuti pa nga." I said firmly. Kung balewala sa kanya, balewala din sa akin. Although, sa totoo lang napanaginipan ko ang kiss na yun kagabi kaya di ako masyadong nakatulog. Well, more like bangungot nga ang nangyari. Kesa isipin pa iyon, ibinalik ko na lang ang attention ko sa rules na ginagawa namin.
RULE 8. Maging malinis sa bahay (KEI) Bakit, kailan ba naging makalat dito? Well, minsan, wala na kasi akong time maglinis. May pagkamaarte pala itong si Kei dahil may phobia siya sa dumi, in short mesophobic siya or yung taong may phobia sa germs. Nagtataka lang ako kung bakit sa sarili niya di siya takot. Para sa akin, isa siyang malaking kalat.

BINABASA MO ANG
The 22nd Bastard (ONGOING)
Fiksi RemajaShe is hopelessly romantic He is a bastard who does not know love Are these two incompatible individuals meant to fall in love? I can't answer that Just read to find out