Chapter 1

382 7 1
                                    

"Sure na ba yan?"

"Oo. Nakausap ko na si ate Lyda. Dun ako titira sa apartment niya kasi pupunta naman na siya sa Canada." Kausap ko ngayon sa cellphone ang best friend kong si Gab. Kasalukuyan akong nag-i-empake ng mga gamit na dadalhin ko sa Manila.

"Kelan ka babalik?", tanong nito na parang maiiyak na.

"Hindi pa nga ako nakakaalis, tinatanong mo na kung kelan ako babalik", natatawa kong sagot dito.

"Eh kasi naman napakabiglaan naman 'yang desisyon mo. Akala ko ba kaylangan magtrabaho sa city hall lahat ng city scholars for 2 years bago kayo pwede lumipat sa iba?"

"Hindi naman totoo 'yun. Sabi-sabi lang. Saka pangarap ko naman talaga magtrabaho sa Manila, 'di ba."

Biglang pumasok sa kwarto si mama dala-dala ang paborito kong doll shoes kaya pansamantalang natigil ang pag-uusap namin ni Gab.

"Oh, ilagay mo na to sa maleta mo. Baka makalimutan mo pa yan."

"Ma, susuutin ko yan bukas."

"Ah. Ganun ba? Sige, ilalagay ko nalang 'to ulit sa baba", sagot nito at pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Ibinalik ko ang headset sa tenga ko para kausapin ulit si Gab.

"Sorry, Gab. Ano nga ulit sabi mo?"

"Sabi ko, why don't you try looking for a job here in Surigao? Try mo muna then 'pag ayaw mo talaga, edi saka ka pumuntang Manila", pangungumbinsi nito. Alam ko namang dati pa ay ayaw na nitong pumunta ng Manila dahil magulo daw dun kaya kinukumbisi akong 'wag na din umalis para magkakasama parin kami sa Surigao.

"I tried looking for a job here pero mababa ang mga offer, kesyo provincial rate daw. Eh kung tutuusin ang presyo ng groceries sa Manila at dito ay pareho lang. Minsan nga mas mahal pa dito. Sa pamasahe ka lang makakatipid dahil tricycle lang ang sakyan mo, keri na", katwiran ko naman.

"Sabagay, pero pa'no yan? Magkakalayo na tayo. Kelan ba ang flight mo?"

"Bukas."

"What???!!!"

Napangiwi ako dahil sa pagsigaw nito. Naku lalo akong mabibingi nito, eh. Medyo bingi kasi ang kaliwang tenga ko. Basta, long story but to make the story short, nabingi ako kakapalo ng teacher ko ng stick niya sa desk ko nung grade 1 pa 'ko. Nasa front seat kasi ako lage no'n kaya ang table ko ang lage nitong napapalo pag may maingay. Pero madalas ako talaga ang maingay. Haha.

"Bakit naman bukas agad? Atat lang makaalis dito, te?", tanong nito sa mas mababang boses.

"Eh, kasi naman. Baka magbago pa ang isip ni papa at di na'ko payagang umalis kaya gora na. At least, 'pag nagbago ang isip niya baka nasa Manila nako", natatawa kong sabi.

"Ehhhhhh. Next week pa'ko makakabalik diyan sa Surigao City, ayaw pa'kong pauwiin nina lola kaya dito muna ako sa isla. Di kita maihahatid sa airport. Di man lang tayo magkikita for the last time."

"Okay lang, I understand. Saka my skype naman kaya makikita mo pa rin ang beauty ko."

"At mami-miss ko din yang humbleness mo, bes! Super, kahit alam naman natin na mas maganda talaga ako. Haha."

"Pero seriously, mami-miss kita. Wala na'kong makakakulitan doon", seryoso kong sabi dito. Narinig kong bumuntong hininga ito.

"Yeah, ako din. Saka I'm worried about you. Pa'no nalang pag wala ako, naku ang clumsy mo pa naman saka lapitin ka ng gulo. Tsk", sagot nito na parang alalang alala talaga.

"Wow ah. Kung maka-clumsy ka naman, di naman ako masyadong ganun", pagtatanggol ko sa sarili at narinig ko itong humalakhak.

"Oo na. Sige na. Di ka na masyadong clumsy, very slight lang. Basta ingat ka dun, naku mag-ingat ka sa mga matutulis dun."

"Ha? Ano na naman yang pinagsasasabi mo?", nalilito kong tanong.

"Naku basta. 'Wag kang tumulad kay Flor, pumunta lang ng Manila, pag-uwi juntis na! Masarap daw kasi", humagikhik ito matapos sabihin yun. Ang tinutukoy nitong Flor ay ang pinsan nitong nabuntis sa Manila.

At bigla niyang na-gets ang sinasabi nitong matulis kanina. Para siyang naiiskandalong sumigaw dito.

"Hoy, Gabriela! Tumigil ka nga, sa'n mo ba natutunan yang mga ganyan?"

"Hay naku. Di mo ba yan natutunan sa campus niyo? Sa'min kasi yan lagi ang pinag-uusapan ng mga estudyante. Sabagay, baka maeskandalo ang matres ng mga sisters sa school nyo pag narinig yun", natatawa nitong sagot.

Napa-face palm nalang ako. Minsan talaga may pagkamahalay tong bestfriend ko at nung minsang tinanong ko kung virgin pa ba sya, tinawanan lang ako kaya di ko alam kung mahalay ito dahil may karanasan na o sadyang ganun lang talaga siya.

"Oh, siya. Bye na. Baka sa'n pa mapunta ang usapan natin. Baka i-discuss mo na naman sa'kin ang essence of kama sutra".

"Sige. Babush. Basta ha, ingat ka dun."

Itinabi ko na ang phone ko at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit sa maleta.

*************************************
Kinabukasan maaga akong pumunta ng bus terminal. Sa Butuan pa kasi magmumula ang flight ko. Mahal kasi 'pag dito sa Surigao City mismo. Nag-antay pa kami kasi wala pang bus na papuntang Butuan. At as usual, madami na namang bilin si mama samantalang tahimik lang si papa.

"Oh, yung Omega mo nasa maleta mo na ba? Hindi pwedeng maiwan yun, baka sumakit mamaya ang tuhod mo", sabi ni mama na para bang walang mabibiling ganun sa Manila.

"Opo, ma. Nasa maleta na po. Saka kahit naman maiwan yun pwede naman akong bumili dun. Marami naman yan sa Mercury."

"Aba, kailangan mong magtipid. Tandaan mo maghahanap ka pa ng trabaho dun."

Napakamot na lang ako. Tama din naman ito pero sana naman hinaan na lang nito ang boses. Jusko, napapalingon yung mamang pogi dun sa kabilang upuan. Panu naman kasi sa lakas ng boses ni mama eh parang inaannounce niya na my arthritis ako. Hayzzz. Oo, may arthritis ako. Mula pa nung bata pa'ko. Sabi ni papa ganun din daw siya dati pero nawala lang din nung nagkaedad na siya. Noong nagpa-check up naman ako, sabi ng doktor wala namam daw problema sa tuhod ko. Kaya hindi rin namin alam kung bakit sumasakit siya lalo na pag taglamig.

Maya-maya, dumating na ang bus papuntang Butuan. Niyakap ako ng mahigpit ni mama, alam ko umiiyak na siya. Mababaw pa naman luha nito.

"Mag-ingat ka dun. Wag ka papalipas ng gutom saka yung payong mo lage mong dalhin baka tag-ulan na dun. Madali ka pa namang magkasakit pag naulanan", bilin na naman ni mama. Tumango na lang ako kasi naiiyak na din ako. Naku. Madali talaga akong mahawa. Iyakin din eh. Nagyakap ulit kami ni mama tapos si papa naman niyakap ko.

"Tumawag ka sa'min pag nakarating ka na dun." Yun lang ang sabi ni papa. Oh, diba umiiyak na kami pero si papa poker face pa din. Pero namumula ang mga mata niya kaya alam kong pinipigilan niya lang ang emosyon niya.

"Opo. Tatandaan ko po lahat ng bilin ninyo. Sige po, baka maiwan na'ko ng bus."

Tinulungan nila akong ipasok sa bus ang maleta ko. Marami pa sanang ibibilin ulit si mama kaso pinalabas na sila ng konduktor dahil paalis na ang bus. Pagkababa nila, umiyak na'ko ng todo. Mami-miss ko sila ng sobra pati sina ate Nam at kuya Edgar. Apat kaming magkakapatid. Tatlo kaming babae at isa ang lalake. Panganay si ate Lyda, sumunod si kuya Edgar, sunod si ate Nameeta. Ako ang bunso. Hindi na nakasama sila ate at kuya sa paghatid sa'kin, na-ospital kasi ang anak ni kuya tapos pinaiwan si ate Nam para magbantay daw sa bahay na para bang my gold kaming tinatago dun, eh baka nga mahiya pa ang magnanakaw bitbitin yung ref namin na parang skeleton na ang likod. Pero ayos na din, baka lalo pa'kong maiyak pag andito si ate Nam. Kami kasi ang pinaka-close sa magkakapatid. Pero kahit masakit ang iwan sila kaylangan ko 'tong gawin. Gusto kong maging independent, mula kasi bata pa'ko binibeybi na nila akong lahat, bunso kasi. Kaya gusto ko naman ngayong graduate na'ko na tumayo sa sarili kong mga paa at abutin ang mga pangarap ko. Sabi nga ni Andre Gide, man cannot discover new oceans unless he has the courage to lose sight of the shore. So it is now the time for me to start sailing, to discover new possibilities. Alam ko marami pa'kong lalakbayin para makarating sa pangarap ko pero determinado ako. Walang pangarap na hindi maaabot ng taong determinado. Aja!

Seducing The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon