Maaga akong umalis ng apartment kinabuksan kahit malapit lang naman ang office ng Dela Costa, mga 30 minutes drive lang mula sa apartment. Kaya sana matanggap talaga ako dito kasi convinient para sa'kin, hindi ako mapapagod sa biyahe kasi isang sakay lang ng van tapos di pa agawan kasi may pila.
Namangha ako pagpasok ko ng Dela Costa building. Lobby pa lang alam mo nang di basta basta ang kompanyang 'to. Kapansin-pansin ang sahig nitong gawa sa marmol di tulad ng iba na tiles. Wow! Sa right side makikita mo ang isang mahabang puting desk kung saan nandun ang receptionist at sa left side naman ang two sets of sofa.
Pinalista lang ng receptionist ang pangalan ko then binigyan ako ng visitor's ID. Habang nag-aantay ako ng elevator, napansin kong walang nakapila doon sa dulong elevator kaya pumunta ako doon. Bakit ako makikisiksik doon sa kabila eh pwede naman dito, haha. Ako lang mag-isa, wooh! Pero bago pa man magsara ang elevator ay may biglang pumasok. Napatingin ako dito at napatulala. Yung poging masungit na nakabanggaan ko sa airport! Nakaslacks siya at naka-tshirt? Pwede ba yan dito? Pero in fairness, gwapo parin si kuya.
Napansin kong napatulala din ito. Titig na titig sa mukha ko. Huh! Alam kong magandang maganda ako ngayon, ibang iba nung una naming pagkikita dahil haggard ako sa biyahe nun.
"Ahem! Mister, i know that I look good but don't you think staring is rude?", panggagaya ko sa sinabi niya noon.
Para itong natauhan sa sinabi ko. Haha. Akala mo ha, gantihan lang men! Napatikhim ito at umayos ng tayo saka pinindot ang 23rd floor.
"Pwede pakipindot din ng 20th floor?", tanong ko sa kanya at sinunod naman niya yun. Napangiti ako. Napahiya yata ang loko. Bwahaha!
"Dito ka rin pala nagtatrabaho", maya-maya'y pagbasag ko sa katahimikan.
"Yes, I work here. Why?", masungit na naman nitong sagot.
"Wala lang. Kung sakali palang matanggap ako dito edi magiging officemates tayo."
"So?"
"Wala lang. Naisip ko lang na patawarin ka na sa pagsusungit mo sa'kin dati kasi kapag naging magkatrabaho tayo, we need to have a good professional relationship at hindi makakatulong kung my grudge tayo sa isa't-isa, di ba?"
"KUNG matatanggap ka", ingos nito na para bang imposibleng matanggap ako. Aba't mayabang talaga.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang galit ko. Imbes na pagsalitaan ko siya, ipapakita ko na lang sa kanya na kaya kong ipasa ang interview ko dito. Kapag natanggap ako, ingungudngod ko talaga sa kanya ang employment contract ko. Huh! Akala mo ha.
Nang palabas na'ko ng elevator, bigla niya akong nginitian at sinabihang, "good luck for your interview." Bakit parang sarcastic yung pagkakasabi niya? Hmp. Just watch and see Mr. Sungit!
**********************************
Brixton's POVHindi ko mapigilang tumawa nang sumara ang elevator. Nakakatuwa ang babaeng 'yun. She really doesn't have any idea who I am. Well, she'll find out soon.
"Good morning, sir!", bati sa'kin ng secretary ko. Tinanguan ko lang siya. I was about to enter my office when an idea hit me. Hmm. Why not?
"Ah. Ylla, can you give me the list of female applicants today including their resume?"
"Ah. Why female only, sir?"
"Just give me what I asked, no questions!". Minsan talaga may pagkausisera 'tong secretary ko.
"Y-yes, sir!"
Dumiretso ako sa private room sa loob ng office ko. I need to change, naka-tshirt lang ako dahil sinukahan ako ng pamangkin ko. I was about to leave our house when my brother came with his 1-year old son. On the way na daw sila pabalik sa bahay nila pero he needs to pee kaya pinakarga muna sa'kin si Danny at ayun sinukahan ako.
BINABASA MO ANG
Seducing The Promdi
RomanceMartina Maharlika. Simpleng probinsyana na nakipagsapalaran sa Manila. As it is her first time to be in a big city, she can't help but be scared. Unang beses na malalayo sya sa pamilya at bestfriend niya. Mabuti nalang at nakilala niya si Brixtone n...