Chapter 2

112 4 0
                                    

Late ng 1 hour ang flight ko at hindi rin kami naka-landing agad dahil malakas ang ulan. Hinanap ko agad si ate Lyda nang nasa airport na'ko. Siya kasi ang susundo sa'kin ngayon. Akmang kukunin ko ang phone ko para i-text sana siya nang bumangga ako sa isang lalake. Natapon ang hawak niyang coffee sa polo niya at tumilapon naman ang cellphone ko.

Napatingin ako sa mukha nito at namangha ako sa kagwapohang taglay niya. Shet, blue eyes! Bumagay ang kilay nito na medyo makapal. Pati ang square jaw nito ay mas nakadagdag sa appeal niya. Parang ang sarap halikan ng panga nito. At ang lips niya, parang mas mapula pa yata sa lips ko.

"Shit, my shirt."

Bigla naman akong bumalik sa huwisyo. Nakakahiya, kulang nalang tumulo ang laway ko. Behave ka, Marti. For sure, playboy 'yan.

"Aren't you going to say sorry?", masungit na sabi nito habang magkasalubong ang mga kilay.

Di pa rin ako makahagilap ng ibang sasabihin. Nakaka-speechless siya. First time mangyari sa'kin 'to. May mga nakita naman na akong mga gwapong foreigner na nagbabakasyon sa Surigao pero iba talaga ang dating ng lalaking 'to.

"Miss, I know I look good but don't you think staring is rude?"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Aba! Feeler din pala 'to eh. GGSS!

"Alam mo mister, magso-sorry na sana ako eh kaso ang yabang mo. Grabe. GGSS lang?"

"What do you mean? You're not making any sense, Miss. But next time, be sure not to text while walking", masungit parin nitong sabi at pagkatapos ay tumalikod na at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong sinalubong siya ng isang magandang babae. Mahigpit na nagyakap ang dalawa. Hmp! Gwapo nga, mayabang naman.

Bigla kong naalala ang phone ko. Nakita ko ito sa ilalim ng upuan dun. Nung tignan ko, gumagana pa naman pero kumukurap kurap ang ilaw mula dito. Haixt. Wag ka munang sumuko cellphone, wala pa'kong pampalit sa'yo.

"Marti!"

Napatingin ako sa tumawag sa'kin.

"Ate L!"

"Waaaahhh, bunso!", sigaw ni ate na tumatakbo palapit sa'kin. Nagyakap kami tapos ay magkahawak kamay na tumatalon talon. Haha. Parang mga bata.

"Gosh, ate ang ganda mo sa pictures sa FB pero mas maganda ka sa personal. Saka yung hair mo di pa ganyan nung nag-usap tayo sa skype nung isang araw, ah."

"I know, I know. There's no need to announce it, baka ma-discover ako dito di pa'ko matuloy sa Canada", tumatawang sabi nito. Minsan talaga may pagka-feeler rin tong ate ko eh. Well, totoo naman kasi na maganda talaga ito, sabi nga ni mama, it runs in the blood. Bwahahaha!

"Ikaw din bunso. Dalaga ka na talaga."

"Malamang. Magtaka ka kung binata na'ko. Wahahaha!" Bigla akong kinurot ni ate. Asar talo! Ngumuso ako sa ginawa niya. Mashakit teh! Ngumiti siya at ikinawit ang braso sa braso ko.

"Halika na, may inarkila akong taxi. Akin na yang maleta mo".

Tinulungan kami ni manong driver na ipasok sa loob ng taxi ang maleta ko. Nagkwentuhan kami ni ate habang nasa biyahe. Halos umabot ng tatlong oras ang biyahe namin dahil sobrang traffic. Ganito pala dito. Akala ko exaggerated lang ang sinasabi ng mga kakilala kong galing Manila. Kung ganito lage baka sa byahe pa lang stressed nako, ano pa kaya pag nagtrabaho na'ko? Baka di ko kayanin. I need to find a job near ate Lyda's apartment para di ako mahirapan sa biyahe.

Pagdating namin sa apartment ni ate, kumain lang kami then natulog na. Napagod talaga ako sa byahe. Bukas ko na aayusin ang mga gamit ko.

***********************************
9:00 AM na'ko nagising kinabukasan. Saktong kakatapos lang magluto ni ate.

Seducing The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon