Chapter 10

169 7 6
                                    

Hindi ako makahinga. Masyadong mausok at ang init. Pumasok ako sa kwarto ko. Doon sana ako dadaan sa attick. Pero pagpasok ko doon ay sinalubong agad ako ng makapal na usok. Masyado ng malaki ang apoy na pati kisame ay nilalamon na nito. Lumabas ulit ako. Pumunta naman ako sa kusina pero papasok pa lang ako doon ng may makita akong taong nakatayo sa may pintuan. Nakabukas ang pintuan! Pero nandoon ang lalake. May dala siyang kutsilyo. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam kong nakangisi siya. Nakakakilabot. Umatras ako ng humakbang siya patungo sa'kin. Tumakbo ako pabalik ng sala pero nahawakan niya ang buhok ko.

"Tulong! Tulong!"

"Tulong-", napabalikwas ako ng bangon. Hinihingal pa ako. Parang galing ako sa mahabang pagtakbo. Panaginip lang pala. Bumangon ako at pumuntang kusina para uminom ng tubig. Hindi parin mawala-wala ang kaba ko.

"'Morning!"

Sa gulat ko ay bigla kong binunot ang kutsilyo sa knife holder at itunutok ito sa kung sino man ang nagsalita.

"Woah, woah. Chill. I forgot masama ka nga palang gulatin."

Si Brix lang pala. Nakataas ang mga kamay niya. Shaks.  Nakakahiya!

Nahihiyang itinabi ko ang kutsilyong hawak ko.

"Sorry. Nagulat lang talaga ako."

Hindi ako makatingin sa kanya. Pa'no ba naman. Naka-pajama lang siya. Kumakaway pa sa'kin ang oh-so-yummy abs niya habang siya ay kampanting humuhigop ng kape.

"Are you alright? You look so pale."

"O-okay lang ako."

Imbes na tignan siya ay dumeretso ako sa ref at kumuha ng maiinom na tubig. Lalo akong nauhaw. Ano ka ba, Marti? Get a grip of yourself!

"You sure?"

"Oo, I'm-"

Biglang naudlot ang sana'y sasabihin ko ng pagharap ko ay muntik na akong nabunggo sa malapad niyang dibdib. Oh lala, Mama mia! Macho gwapito, delicios-

"Hey. Eyes up here, Martina."

He lifted my chin up using his injured hand. Pasimple naman akong lumayo sa kanya. Kunwari kukuha ng baso.

"Ahm. Okay lang ako. Nanaginip lang ako ng hindi maganda kanina", paliwanag ko habang nagsalin ng tubig sa baso.

"Tungkol ba sa nangyaring sunog?"

Lumingon ako sa kanya at tumango. I saw his eyes soften.

"Pwede ka namang hindi muna pumasok ngayon if you want to rest first."

"Hindi na. Lalo ko lang maaalala ang nangyari kung wala akong pagkakaabalahan."

"Okay. If you say so. But aren't you going to call your sister?"

Oo nga pala. Kailangan ko pa palang kausapin si ate L. Hindi ko kasi siya makontak kahapon.

"Wait. I have something for you."

Sandali itong pumasok sa kwarto nito at maya-maya'y lumabas itong may dala dalang cellphone.

"Here. It's my extra phone. Hindi ko naman na siya nagagamit. So you can use it."

Inaabot niya sakin ang isang iphone 6. My gads! It's my dream phone pero nakakahiya naman kung tatanggapin ko ito.

"Ahm. Sige lang. Bibili nalang ako ng bagong phone", nahihiya kong tanggi.

"Why? Don't you like it? Hindi ko pa 'to masyadong nagagamit." Magkasalubong na naman ang mga kilay nito. Naku po.

"No. It's not what I meant. Nakakahiya lang kasi marami ka nang naitulong sa'kin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon