Chapter 7

65 4 0
                                    

Monday came and here I am feeling so nervous about my first day at work. Daig pa nito ang kaba ng unang araw mo sa kinder garten o sa grade 1. At least sa school maaaring may kakilala ka na. Pero dito wala. At nakadagdag pa sa kaba ko ay ang kaalamang hindi naman ako ordinaryong empleyado. Spy ako.

Aminado akong hindi ako magaling umarte kaya nga hanggang sa pagsusulat lang ako. Dati nung high school pa lang ako, laging ako ang script writer sa mga plays namin. Never akong nag-volunteer na maging isa sa mga karakter sa play because I suck at it. Pero ganito pala ang magiging trabaho ko.

Papasok na'ko sa Dela Costa building ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa entrance at dumiretso sa reception.

"Good morning, ma'am. Are you an applicat?", tanong agad sa'kin ng receptionist pagkalapit ko.

"Hindi po. First day ko po ngayon sa trabaho."

"Ah. You still need to log your name in the log book and wear a visitor's ID."

Nag-log ako sa log book at pagkatapos ay ay inabot ang bigay niyang ID. Matapos nun ay nag-abang na'ko sa elevator. Dun ako sa kung saan may maraming naghihintay. Napasulyap ako dun sa elevator sa kanan. Ngayon ko lang napansin ang nakapaskil sa gilid nito na For Executive Only. Kung nabasa ko ito noon pa lang ay sana hindi ko naipahiya ang sarili ko. Pero nagdulot din naman ng maganda yun. Kahit na nagkabangayan kami ni sungit noon, at least natanggap pa rin naman ako sa trabaho. Yun nga lang ay bilang spy niya.

Nagsipasok na kaming lahat sa elevator. Sa 20th floor muna ako ngayon para sa orientation. Pagkarating ko sa Training Room 2 ay mayroon ng mangilan-ngilang empleyado ang nandoon.

"Marti!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Melody! Umupo agad ako sa katabi niyang upuan. Thank, God may kakilala pala ako dito. Hindi na'ko masyadong maninibago.

"Hi. Kanina pa kita inaabangan. Hindi kasi ako sigurado kung natanggap ka kasi hindi na kita nakita after ng final interview", salubong nito sa'kin.

"Oo nga, eh. Mabuti nalang andito ka rin. Saang department ka nga pala?"

"Sa Accounting ako. Ikaw?"

"Ah. Sa Internal Audit ako."

"'Pag ikaw mag-o-audit sa'kin, alam ko na ha", pagbibiro nito.

"Naku. Di pwede ang ganyan. Sa audit, walang kai-kaibigan", pagbibiro ko ring sabi sa kanya at sabay kaming nagtawanan.

Nakapagkwentuhan pa kami bagi nagsimula ang orientation. Nalaman kong naghahanap pala siya ng mauupahan malapit dito. I-o-offer ko na sana na sumama na lang siya sa apartment ko kaso naalala kong spy nga pala ako. Baka mabuko niya ako kapag magkasama kami sa iisang bahay. Sinabi ko nalang sa kanya na tutulungan ko siyang maghanap total wala naman akong gagawin sa Linggo.

Nagsimula ang orientation sa pagpapakilala namin sa isa't-isa. May isa na tulad ko ring sa Internal Audit maa-assign. Pinagtabi kami base sa kung sino ang magkaka-department.

"Hi. Sa Internal Audit ka din pala. Ako nga pala si JP", pagpapakilala nito.

"I'm Martina", pagpapakilala ko rin sabay tanggap ng nakalahad niyang kamay.

"Nice name. Anyway, sino ang backermo dito?"

"Ha? Wala naman. Bakit?". Shit, alam niya kayang may koneksyon ako kay sungit?

"Wala lang. Sabi kasi nila mahirap makapasok dito kapag wala kang backer. Mabuti nalang matagal na dito ang uncle ko kaya nakapasok ako ng walang kahirap hirap", pagmamayabang pa nito.

"Ah. Ano ba dito ang uncle mo?"

"Manager siya sa sales."

"Ah."

Seducing The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon