Chapter 9

82 4 0
                                    

Nagising ako na wala si Brix. I feel disappointed and sad. He left. Hindi niya tinupad ang pangako niya. Sabagay, sino ba naman ako para pagtiisan niyang bantayan habang natutulog? Dapat nga maging thankful ako dahil niligtas niya 'ko. Naninindig ang mga balahibo ko maisip ko lang kung ano ang maaaring nangyari kung hindi siya dumating. Baka isa na akong malaking headline sa balita ngayon.

Kailangan ko nga palang tawagan sila mama. Kaso wala na yung cellphone ko pati laptop kong regalo lang ni ate L. Pa'no ko na sila makokontak ngayon?

"Gising ka na pala."

Napalingon ako sa pintuan. Nandoon si Brix. Hindi na siya naka-pajama. Siguro umuwi siya para magpalit ng damit.

"I just went downstairs to buy some clothes. Dyan lang sa tapat ng hospital ang botique. Binilhan na din kita para may maisuot ka mamaya pag-uwi natin."

Pag-uwi natin...

Parang sa iisang bubong kami nakatira sa pagkakasabi niya. Yung tipong matagal na kaming nagsasama. Enebe, Marti kakagaling mo lang sa trahedya pero kalandian na naman ang nasa utak mo.

Iniabot niya sa'kin ang isang paper bag. Sinilip ko ang laman nito. Isang pantalon, tshirt, at undies.

Pa'no niya kaya nalaman ang size ko? Nakakahiya namang siya pa talaga ang namili nito.

"Sabi ng doktor pwede na daw tayong umuwi."

"Siya nga pala, pwede ko bang mahiram ang cellphone mo? Kailangan ko lang makausap ang pamilya ko. Baka nag-aalala na sila sa'kin."

"About that, nakausap ko na ang mama mo. Nasabi ko na sa kanila ang nangyari. Pero tulog ka pa ng makausap ko sila. Tatawagan nalang ulit natin sila once nakalabas ka na dito."

Nagtataka akong napatingin sa kanya. Nakontak niya sila mama? How? Paano niya nakuha ang number nila? Ako nga hindi kabisado ang number nila, eh.

"Kinuha ko ang contact information mo sa company records. Ang nakalagay na contact person dun in case of emergency is your sister, Nam, right?", mahaba niyang paliwanag na tila ba nabasa niya ang mga tanong sa utak ko sa isang tingin lang sa'kin. Am I that transparent? Ano kaya ang naging reaksyon nila ng tumawag si Brix?

"Your sister was shocked. Nasungitan pa nga ako, eh. She thought I was bluffing. She's crazy like you."

He's smiling and chuckling while telling me those. Pero teka, crazy daw ako? Aba, kung lahat ng baliw singganda ko, baka artista na lahat ng baliw. Wahahaha.

"Pwede ko ba silang makausap ngayon na?"

"Okay. Kausapin mo nalang sila while I process the bills."

"Saka nga pala. Babayaran kita kapag nagkasahod na'ko. Pasensya na ha. Wala pa akong pera ngayon."

"No. You don't have to worry about it. Let me take care of the bills. And you don't have to pay me."

"No. Nakakahiya naman. Malaki na nga ang tulong mo sa'kin. Sa pagligtas mo pa lang sa'kin, malaking utang na loob na yun."

"No. I insist. Don't pay me. It's just a little money, anyway."

Magkasalubong na naman ang mga kilay niya. Hala. Nagsusungit na naman po siya. Lumalabas pala ang pagiging masungit niya kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Hayz. Fine. Siya na nga ang magbayad. Total mayaman naman siya.

Tinawagan ko sila mama pagkatapos kong kumain. Wala si Brix ngayon, busy siya sa pagproseso ng paglabas ko dito.

"Ma, wag ka ng umiyak. Okay lang po ako. Mamaya lang makakalabas na'ko dito", pag-aalo ko kay mama. Umiiyak na siya nun pa lang nag-hello ako sa kanya. At hindi na siya tumigil. Narinig ko si papa na pinapatahan si mama. Pinasa nalang nila ang cellphone kay ate Nam kasi hindi ko din naman makausap pa ng maayos si mama.

Seducing The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon