Chapter 5

83 3 0
                                    

100...99...98...97...

Hays, ilang tupa pa ba ang kailangan kong bilangin pabalik? Anong oras na, di parin ako makatulog. Ang lamig lamig naman kasi. Kanina pa'ko hatsing ng hatsing. Ang hirap pa kasi kailangan kong hinaan dahil baka magising si sungit. Masakit na din ang ulo ko. Sisipunin pa yata ako nito.

"Awtsu!"

Waaaah. Nasaan na ba ang remote ng aircon? Kanina ko pa yun hinahanap. Saka di ko rin abot yung aircon. I'm doomed! Sana lang di ako matulad kay Jack sa Titanic.

Dahil di ko naman mahanap ang remote, bumalik nalang ako sa paghiga. Todo talukbong ako sa kumot. Buti nalang may extrang kumot sa cabinet dito.

Habang nanginginig sa lamig, di ko mapigilang maisip yung Titanic.

"Jack, Jack!", panggagaya ko sa boses ni Rose na parang napapaos at nilalamig. Napahagikhik ako sa ginagawa ko.

"Jack! Wake up, Jack! Jack!", panggagaya ko ulit sabay hagikhik. Nababaliw na talaga ako!

"Are you having bad dreams?"

"Ay, kigwa!". Muntik na'kong mahulog sa sofa sa gulat ko. Magkasalubong ang kilay ni sungit habang nakatingin sa'kin.

"I heard you calling someone. Were you dreaming? Who's Jack? Is he your boyfriend?", sunod-sunod na tanong nito.

"Ha? Yes, and I am Rose", sagot ko sabay hagikhik ulit. Ewan ko ba, trip ko humagikhik ngayon.

"What?"

"Joke lang. Ito naman masyadong seryoso", sabi ko ng makitang magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. "Ginagaya ko lang si Rose. Nilalamig na kasi ako". Napapakamot ako sa ulo habang di makatingin sa kanya. Bigla akong tinablan ng hiya.

"Why didn't you wake me up? Kanina ka pa pala nilalamig dyan", masungit pa rin nitong tanong sabay talikod para abutin ang button sa aircon.

Wow. Ang tangkad niya, abot niya yung aircon eh.

"Okay na ba sa'yo 'to?", tanong nito ng nasa 20 degress na ang nakaset sa aircon.

"Okay na. Thanks."

"Dito ka na sa kama."

"Okay na po ako dito.  Saka nakakahiya naman kung dito kayo sa sofa".

"Who told you I'm gonna sleep there?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Ibig niya bang sabihin na magtatabi kami sa kama? No way! Ito ngang pagsama ko sa kanya dito ay isa nang malaking bagay para sa'kin, ang tumabi pa kaya sa kanya? Naku, pag nalaman 'to nila mama panigurado higit pa sa kurot sa singit ang aabutin ko. Speaking of kurot, di ko pa pala na-message si ate. Lagot na, baka nag-aalala na yun.

"Ayaw mo?", untag nito ng di pa rin ako umaalis sa pagkakaupo sa sofa. "Sige. If you insist in sleeping there, fine", sabi nito sabay talikod at bumalik na sa kama.

Wow. What a gentleman. Di man lang ako pinilit or di kaya i-suggest na sya nalang sa sofa. Hays. Chivalry is really dead. Pero sabi nga nila, being a gentleman is a choice.

Inirapan ko siya bago pumunta sa may gilid ng kama dahil nandoon nakacharge ang cellphone ko. Pag-open ko, madami agad text na dumating. Meron din messages sa messenger.

Ate L: Bunso, nakarating ka na ba sa apartment?

Ate L: Wala pa daw tao dun sa apartment sabi ni ate Ruth.

Ate L: Asan ka na ba?

Nagreply agad ako kay ate.

Me: Okay lang po ako. Nandito ako sa hotel. May natumba daw pong puno sa may Daang Hari kaya dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi. Bukas nako makakauwi.

Seducing The PromdiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon