Maaga akong pumasok kinabukasan. 7:30 pa lang nasa office na'ko. Pero mas maaga pa rin ang supervisor namin na si Ms. Yena. Nagkakilala na kami kahapon.
"Good morning po, Ms. Yena."
"Good morning din. Ang aga mo, ah. 8:30 pa lang ang pasok mo, di ba?"
"Opo."
"Maganda yan. Ipagpatuloy mo lang yan. May premyo si sir John sa mga walang late for the month - free starbucks. Saka meron din ditong quarterly na prize from the company kapag wala kang late. Free meal naman for the month ang premyo dun. Lahat ng kakainin mo sa canteen, free na."
"Talaga po? Naku. Maganda yan. Malaking tulong kapag nagtitipid."
Maya-maya pa ay dumating na ang mga kasama namin sa department. Katabi kong table si Queency. Mukha namang magkavibes kami. Galawgaw siya at maingay. Parang si Gab.
Pagdating ng manager namin na si sir John ay sinimulan na nilang i-set up ang projector. May meeting pala kami ngayon. Shaks. Hindi ako na-informed.
Nagsimula ang meeting sa pagpapakilala ni sir John sa'kin sa lahat. Mga sampo lang naman kami. Kaya pala maliit lang ang space ng room namin. Kami lang din ang naiba sa ibang department kasi nasa closed room kami. Sabagay, kailangan yun para hindi marinig ng iba ang mga confidential na pag-uusapan namin.
Naparecite pa ako sa kalagitnaan ng meeting. Nagtanong kasi si sir John tungkol sa Risk-based audit. Walang gustong sumagot tapos bigla nalang akong tinuro ni JP. Ang hinayupak na yun. Haixt. Pero mabuti nalang nasagot ko ng maayos. Pumalakpak silang lahat.
Na-annnounce din sa meeting kung sinu-sino ang mga walang late for the month. Lage pa lang nasa listahan si Queency.
Sinabi na din ang bagong hatian ng teams. Bagong promote lang pala si Ms. Bobby. Siya ang isa pang supervisor namin. Hindi talaga yun ang pangalan niya kaso lage siyan naka-bob cut kaya tinagurian siya ni Azon na Bobby. Sa kanya ako na-assign kasama si Queency at Azon. Puro kami babae sa team. Samantalang si JP ay mapupunta sa team ni Ms. Yena kasama sina Net, Zef at Macel. Si Jake naman ay solo. Sa special audit siya.
Nakapila na kami sa canteen para sa tanghalian. Namimili pa lang ako ng ulam ng nilagyan na ni kuya Berto ng saging ang tray ko. Napansin kong wala ng saging sa may counter. Mukhang ubos na at nireserba talaga ni kuya 'tong isa para sa'kin. Nginitian ko nalang siya bilang pasasalamat.
Nagtext ako kay sungit habang kumakain.
Me: Thanks for the banana. XD
Hindi siya nagreply sa text ko. Busy siguro.
Magmemeryenda na ng nagtext siya sa'kin.
Sungit: You're welcome. How's your first day?
Me: Fine so far.
Itatabi ko na sana ang cellphone ko ng magtext ulit siya.
Sungit: What are you doing?
Yung totoo. May trabaho ako, bakit ngayon niya gustong makipagtext?
Me: Busy po ako, sir. Wala ka bang work ngayon?
Sungit: Nope. I'm having my lunch now.
Ngayon pa lang siya nagla-lunch? Anong oras na. Tsk. Workaholic much.
Me: Kumain nalang po kayo, sir. Sige po.
Sungit: Bakit ang galang mo ngayon? I like you calling me sir but not with "po" in it.
Me: Okay po.
BINABASA MO ANG
Seducing The Promdi
RomanceMartina Maharlika. Simpleng probinsyana na nakipagsapalaran sa Manila. As it is her first time to be in a big city, she can't help but be scared. Unang beses na malalayo sya sa pamilya at bestfriend niya. Mabuti nalang at nakilala niya si Brixtone n...