Chapter 8

47 0 0
                                    

King's Possession
Chapter 8:
12-07-16

Garry's PoV

Natatawa ako habang pinagmamasdan ang dalawang tukmol na ito. Isang mukhang panda, dahil may black eye ang dalawang mata nito, at ang isa naman ay aakalain mong clown, dahil sa putok putok nitong labi, na nagpapula rito.

Sino may gawa niyan? Edi yung dalawang sadista. Akalain mong sinakyan pa ni Darren yung trip ni Lux na yun. Kawawa naman tong dalawang tukmol na ito, hehe.

"Brad, ano ba ang nangyare at bigla na lang magkasundong magkasundo yung dalawang iyon?" tanong ni Zach kay Yael habang ginagamot ang labi niyang putok. Mukhang hindi alam ni Yael ang isasagot kaya tumingin siya sa akin para akong sumagot.

"Wala din kong alam diyan.Hayy. Bilisan niyo na nga lang diyan may klase pa tayo oh! Nga pala Yael, sabi sa akin ni Darren na lilipat daw kami sa klase niyo." sabi ko rito.

"What? Why?" biglang sigaw ni Yael habang nanlalaki ang dalawa niyang nangingitim na mga mata.

"When? Where?" dugtong ni Zach kaya binatukan ni Yael. "Ano ka ba naman babe, tayo na nga lang magkakampe eh, nang-aaway ka  dyan." nakangusong sambit nito.

"Pakyu ka! Pero seryoso Garry, bakit niyo naisipang lumipat?" may kaseryosohang tanong ni Yael sa akin ngunit.

"Si Darren na lang tanungin mo ewan ko din eh, pero teka ayaw mo ba kaming maging kaklase?" I said that caught him off guard.

Tsk. Wag mo sabihing may gusto rin siya dun, eh alam naman niyang may gusto na si Darren dun eh. Hayys.

Ang gulo-gulo nila. Buti na lang ako, paeasy-easy lang.

Kat's PoV

"What?" I asked Darren. Yepp, siya ang kasama ko ngayon dito sa Canteen. You know what, ever since that day, that day that I woke up from coma,I changed a lot.

I am the type of girl who hates attention, but now I think I am getting used to it.

Sa dalas ko ba namang kasama ang apat na hari eh, pag hindi nila ako pansinin ng pansinin, ewan ko na lang.

"Yes K. I already told the principal about this, 'ya know, we're holding 35% share sa school na ito." sabi nito habang kumikindat-kindat pa. May sakit na ata ito sa mata.

"Nagulat lang naman ako, biglaan kasi." I said ng mahinahon, nagulat lang kasi talaga ako ng malala nung ibinalita niya sa akin iyon.

"Ayaw mo ba?" biglaang tanong nito kaya hindi ko alam ang isasagot. I was caught off guard.

"No! I mean Yes-No.." hala ano daw? Hindi ko na po naiintindihan yung sarili ko, basta ewan.

"Ano?" tanong nito na naguguluhan habang pinapanuod akong magsubo ng spaghetti ng sunod-sunod na hindi pala maganda kasi.

"T-tu. bigg.." nabilaukan ako.

Nataranta naman ito at inabutan kaagad ako ng maiinom. "Heto oh." hayyyyy..

"Salamat." ani ko rito.

"Ano nga pala ang naisipan mo at lumipat ka ng section." medyo may pagka-chismosa pala ako, ngayon ko lang nalaman.

"Ikaw." Ikaw.

Ikaw?

Ikaw? Bakit naman ako? Hindi ko naman sya pinilit ah. Tsk. Tsk.

"Anong ako? Hindi naman kita pinilit ah, ni hindi nga sumagi sa isip ko na palipatin ka eh." biglang lumungkot ang kanyang ekspresyon ng sambitin ko iyon. Parang nalungkot din tuloy ako dahil lumungkot siya.

King's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon