Chapter 10

39 0 0
                                    

King's Possession
Chapter 10: Back.

Khalil's PoV

Lahat sila ay may ginagawa. Busyng-busy sina yael at garen sa paglalaro habang si Darren naman ay nakakunot ang noo habang umiinom ng wine at nagtetext. Kaya tinakasan ko sila dahil kanina pa ako nababagabag sa aking narinig.

IG. Ang grupong nakikipaglaban ngayon sa arena, walang duda. Nakapagtataka na hindi sila napapansin o nakikilala ng mga manunuod. And dating mga hari at reyna.

They can fool everyone except me. I was once one of them but I decided to quit for the better good of someone.

Halatang gulat ang lahat, ang kalaban ng IG na sina Cobra at maging ang lahat ng mga manunuod. Who would've thought na ang isang baguhang grupo ay tatalunin lamang ang 5th rank na sina cobra sa isang iglap lamang.

Well, halata sa kilos at galaw ng IG na matagal silang nabakante sa pakikipaglaban dahil nakatanggap ng mumunting galos at gasgas ang mga ito ngunit hindi maikakaila ang kanilang angking husay at galing.

Ang dating mga pinakamahuhusay na gangsters na bigla na lamang naglaho at nawala, ay nagbabalik.

Tapos na ang kanilang laban at kung bubwenasin nga naman ako, ay dito pa sa kitatayuan ko dadaan ang IG. Tumungo na lamang ako at hindi gumawa ng kahit anong kakaiba upang hindi nila mapansin.

Unang dumaan si Steve na nakangisi pa habang diretsong nakatingin sa daanan. Sinundan ito ni Helen at Angel na seryoso lamang na naglalakad, sabay pa nga itong kumindat sa lalaki sa gawing kanan ko. Akala ko nga ako yung kinindatan nila eh, buti at hindi.

Inaabangan ko ang huling dadaan ngunit ilang minuto na ang lumipas at wala pa rin ito kaya't napagpasyahan ko na bumalik na lamang sa aming silid.

"What the fuck!" Gulat na bulong ko habang nakahawak sa aking dibdib. "You almost gave me a heart attack!" I exclaimed at her. Ang huling taong inaantay kong dumaan ay nasa aking likuran lamang pala.

"Wow! I didn't know na naging magugulatin ka pala brother." she is so ammused, but behind this innocent look of her is a monster you don't wanna see.

"Tss" tinawanan na lamang niya ako, she's still the same.

"Hayy! Ge bye, see you next time brotha'." she said while waving her hand. I just nod and leave as well.

Natapos ang gabi namin ng ayos naman, I know nararamdaman ni Darren na may iniisip ako o ginagawang kakaiba kaya mas marapat na ingatan ko ang aking mga galaw kahit wala naman akong ginagawang kakaiba.

Pagbukas ko ng pinto ng condo ko ay tumambad sa akin ang limang taong, matagal nawala ngunit mga nagbabalik.

Lahat ay nagkakasiyahan, malakas na tugtugin, mga pagkain na nakahain at mga inuming nakalalasing. Buti na lamang at soundproof itong unit ko.

Tila walang nakaramdam sa presensya ko kaya pinatay ko ang ilaw para malaman nila na nandito na ako.

"AAAAAAHHHHHHHHH!! MAY MULTOOOOO.." tilian ng mga babae habang tumatawa lamang sina steve at zac.

Binuksan ko na muli ang ilaw para lamang makatanggap ng masasamang tingin mula sa aking magaling na kapatid. Yepp! Kapatid.

"Hoy Kuya napaka-epal mo talaga. Is that how you welcome us? Grabe parang di mo naman kami namiss." sabi pa nito na tila may hinanakit.

Pero kung may isang bagay akong maipapayo sa inyo, wag na wag kayong maniniwala agad sa babaeng ito, yes kapatid ko sya, kaya kilala ko sya. Napakagaling nya sa panlilinlang kaya ultimo ang mga kalaban ay nauuto niya.

King's PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon