Chapter 10: Wooing

279 4 1
                                    

Gaby's POV

Narito nanaman po ako sa pinakasusuklam kong Psychology class. Magaling si Sir Matz, given na yun. Hindi rin mahirap intindihin ang mga nilelesson dito. Sa bagay, isa lang naman talaga ang nagpapabigat, nagpapasikip at nagpapagulo ng kwarto ito eh. Si Yuchengco!

Pasimple kong tiningnan ang pwesto nya. Nadoon naman ang mga kabarkada nya, pero wala pa sya. Isa lang naman ang nasisigurado ko eh, kasama nya yung Ma'am nyang yun. Hmmmmmmmmmfff.... bwisit silang dalawa magsama sila.

Maya-maya pumasok na si Sir Matz sa loob at wala pa rin si Josh sa loob ng klase. Mukhang hindi nya na talaga papasukan ang klaseng to' para lang makipaglandian sa hibang na babaeng yon. 

Kulang na lang ay mabutas ang papel ng notebook ko sa madiin kong pagsulat. Parang gusto kong mambato ng notebook, parang gusto kong manusok ng ballpen. Bwisit! Bwisit! Bwisit! They should suffer somewhere in ........... HELL.

"Okay class...." sabi ni Sair Matz palinga-linga at mukhang may hinahanap. "WHo's seating there?" Sabay turo sa vacant seat na inuupuan ni Josh.

"Si Josh Yuchengco po sir." sabi ng isa sa mga kabarkada nya. "Baka late lang po yun. Pumasok naman po sya kanina, Matagal din po vacant namin pati sir."

Sus. Nakikipaglandian na kasi yung Josh na yun dun sa babaeng yun, imbis na itulak si Josh na mag-aral..... gusto laging kasama sya. She's Horrible.

"Alam nyo ba na ang rule ko tuwing may mga late sa klase ko?" Tumigil sa pagsasalita sandali si Sir Matz naghahanap ng sasagot sa tanong na sya lang naman ang may alam, kaya natural walang sasagot sa kanya. Ano ba! "Okay, my rule is simply like this. Kung late ka, papapasaukin kita sa isang kondisyon.... Kailangan mong kumanta sa harap ng klase ko. Am I clear?"

"YEEEEEES SIIIIIIIIIIR!" enjoy na enjoy na sagot ng mga kaklase ko. Yung mga barkada ni Josh nagtatawanan pa porket alam nilang yun ang mangyayari sa malandi nilang barkada kung sakaling dadating sya ngayon.

Yung mga iba namang halatang halata na ang mga chismisan, nguynguyan ng nguynguyan, mga kinikilig dahil si Josh ang kakanta......... KUNG DADATING BA SYA EH'

Nagstart ng magklase si Sir Matz, wala pa ring nadating ni-isang porsyento ng kaluluwa ni Josh...

"EXCUSE ME PO SIR!....... SORRY PO LATE AKO."

Si Josh!!!

Hala.....

Akala ko ba hindi na to' papasok at ano ba namang itsura nyang yan..... Bed hair, mukhang kababangon lang sa kama at nakuha pa talaga nyang hikaban si Sir Matz sa harapan. Yan ka eh, wala ng kakapal sa pagmumukha mong yan eh.

"Oh, Mr. Yuchengco, you're late."

"Obviously sir . .. . . .  nakatulog po kasi ako eh..... Sorry Po!!" tapos nagakmang pupunta sa upuan nya.

"Teka, teka teka, bumalik ka rito."

"Po? Bakit Sir, bawal na. Okay sige... Ang hard nyo naman po pala." sabi nya

Basag talaga ang tuktok ng taong to' eh. Kung makasagot kay Sir Matz mahiya mo kaedad nya.

"Hindi sa ganun Mr. Yuchengco... At unang una hindi ako HARD. ..... " sabay akbay kay Josh. "Kanina bago ka pumasok dito napag-usapan namin kung ano ang pinagagawa ko sa mga nalelate...... NA KATULAD MO."

Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon