Chapter 1: All torn up

568 11 1
                                    

Isang Mumunting Paalala:

Ang mga pangalan, lugar at pangyayaring nabanggit o nakapaloob sa aking kwentong inyong mababasa ay pawang mga kathang-isip at binuo ng aking matalim na imahinasyon lamang. Kung magkaroon man ng mga pagkakataon ng pagkakatugma sa karanasan ng iba o sa mga unang nailathala ng ilan sa ating mga manunulat, ipagpaumanhin nyo po dahil ito ay hinding hindi ko po sinadya. Buong puso ko po kayong sinasalubong sa bawat pahinang inyong mababasa, ipagpapaumanhin nyo po ang mga kamaliang inyong makikita lalong lalo na ang mga typographical errors sa loob. Gayunpaman, nagpapasalamat na ako ng marami sa mga tumangkilik at patuloy na tatangkilik ng aking mga gawa. Kayo po ang aking inspirasyon. Bukod, pa po don ititigil ko na ang drama na ito.

Wag po kayong mahiyang Magvote, Magcomment at Ngumiti. :)

Labis na nagmamahal,

Futurstic_Lover (Ikwento mo sa magandang pagong ng Wattpad PH) 

CHAPTER 1:

Kilala ko sya, kilalang kilala. Gusto ko syang lapitan pero may mga bagay na alam nating hindi na pwedeng ipagpilitan. Isa akong kapwa nya babae, lumaban ngunit hindi na nabigyan ng pagkakataong ituloy ang aking naumpisahan, kaya isa sa mga bagay na ikinatuwa ko ay ang makilala ang babaeng ito. Ang babaeng maaaring pumuno sa mga naging pagkukulang ko. Ang babae na kahit pinagkaitan ng salitang kasiyahan ay pipilitin kong magkaroon ng magandang hantungan. I am to make her LIFE A STORY WORTH TELLING.

Si Gaby.

May simpleng buhay, simpleng pangarap, simpleng ngiti. She’s bright and talented, she’s the kind of daughter that every parent would want to have, a good friend and the girl who deserves to be loved and treasured.

Pero hindi nya alam. 

: )

One thing I love about her, is her Fearlessness. Her face like an angel, her aura like a beauty queen in just a simple shirt and jeans and her heavenly voice.

There she is again scribbling something on her journal with an aura of grey around her, I felt that terrible weight on her shoulders.

May. 28, 2013

Here's to the girl who's been hurt and continuously hurting.

Ako yung babaeng pinagtaksilan kagabi ng taong mahal na mahal ko. Isang relasyon tumagal ng halos isang taon na tinuldukan ng isang sorpresa na nagbalik sa akin sa tagpong iyon. Hindi ko inasahang maramdaman muli ang sakit ng mawalan, ang sakit ng hindi ipaglaban at hindi balikan. May mga bagay na hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyang kasagutan. Ganun na lang ba talaga ako kadaling sukuan? Paano na muli ako magsisimula? Paano na nga ba uli ako magtitiwala? Paano ako magpapatawad?

- Gaby M.

Gabrielle is a bright kid living a simple, happy life with her family. Kasama ang kanyang daddy,  mommy at  kuya. She happened to be the most wonderful gift inside their home. She's a total daddy's girl, mula paggising hanggang sa kanyang pagtulog isang tao lang ang kadalasan nyang binabanggit. Ang daddy nya na gusto nyang laging present sa lahat ng school performance nya at ang daddy nya na gusto nyang laging magsasait ng medal nya sa graduations. 

Until one day, hindi na umuwi ang pinakamamahal nyang ama. Naghintay sya ng matagal, umasang babalik sya. Pinangako pa nitong sya ang magsasabit ng medal nya sa kanyang graduation kung sya ang magiging Top 1 sa klase. And she forced to be on that spot for her daddy to came back. But on that graduation day, hindi ito dumating.

Hindi nya matanggap na hindi nagpunta ang kanyang ama sa araw na yon. Hindi nya rin pinayagang hindi makita ng kanyang ama ang kanyang pinaghirapan kaya umalis sya noong araw na yon ng walang paalam, hinanap ang lugar na pinagtatrabahuhan ng kanyang ama. 

Ngunit sa kasamaang palad, iba na ang nasaksihan nya.

Ibang-iba sa inaasahan nyang yakap at halik ng isang ama sa kanyang anak. Nakita nya kung paano sila nito pinagtataksilan, kung bakit hindi na sila nito binalikan at kung bakit wala ito sa araw na inasahan nya. 

May 28, 2008

Here's to the girl with a horrible father

My father is a liar. He doesn't deserve my  love and my family. I thought I had the perfect father, pero katulad nga ng kasabihan nobody's perfect. 

- Gaby M.

Her trust issues leaves her a painful mark. She was a product of a fractured home since twelve. And what would you expect to a girl who lacks on this aspect? Habang lumalaki syang walang ama lalo nyang gustong may mapatunayan. Hindi rin ang kawalan ng ama ang kanyang dahilan para dalhin ang sarili sa mga bagay na alam nyang ikasasama nya at ikalulungkot ng kanyang ina. Kaya naging pursigido sya sa lahat ng bagay na kanyang ginagawa. Pinilit nyang wag makaapekto ang bagay na yon sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.

Hanggang sa makakilala nya ang lalaking iyon, the guy who became a half of her existence, the one who made her feel that she's worth loving. He made her come into life again after she witnessed her happy life shattered into pieces. He is the the first sprint of love that made a mark on her heart. The first guy who made every simple gesture of sweetness counted in her life. The first guy whom she experienced to celebrate special moments of their relationship

They were the perfect couple sabi nga ng mga kakilala nila. Nagawa nyang mapagbago ang pananaw ng lalaking yon sa tamang paraan ng pagmamahal ng mga kababaihan. 

Isang syang girlfriend na marunong umintindi, handang magshare ng nalalaman, mag-alaga, handang sumuporta sa kanyang mga laban at handang ipagmalaki sa lahat na "Sya ang boyfriend ko. Ang gwapo gwapo ng Boyfriend ko!"

May 25, 2012

"Here's to the girl who's currently addicted to the word LOVE"

Ako ang babaeng ngumingiti na parang tanga sa kawalan. Masayang gumigising para makita ang lalaking nagtayo ng lugar sa puso ko. Ang lalaking nagbigay ng dahilan para ngumiti ako araw-araw at ang nagpaliwanag kung ano ang salitang "Kilig". Ang lalaking nagbago para sa akin. Here's to that guy.

Mwahhhh, I love you Baby.

- Gaby 

Ang mga bagay na akala nya ay naayos na ay unti unti nanamang nasira sa harapan nya.

I felt like being stabbed by a thousand knives whenever I caught her crying again inside that dark room. Ayokong makita syang nawawalan ng pag-asa. Ayokong masira ang mga bagay na nasimulan nya at nakakalungkot isiping makitang sumuko ang taong nagsisilbing pag-asa ko.  Kung kaya ko lang alisin ang sakit na nararamdaman nya, gagawin ko.

Kailan ko kaya uli makikita ang magandang mukha nyang nakangiti? Sana isang araw dumating na ang liwanag na iniintay nya. Yung permanenteng liwanag na nararapat sa isang taong katulad nya.

Balang araw.

Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon