Chapter 19: Hints

183 3 0
                                    

Gaby's POV:

"Here's to the kids who have some emotional baggage"

When I thought of everything will be okay, it never happen. Sana hindi na lang ako nag-iisip, sana nabubuhay na lang ako na walang pakiramdam, sana hindi na lang ako nagmamahal. PAGOD na ako.

-Gaby

After that scene with Josh, parang ayoko ng pumasok at makita pa sya. I lost all my pride pero mukhang sumuko na talaga sya. Kapag gusto mo na uli, ayaw na nya. Ang daya-daya naman talaga.

“I’m sorry for being so stubborn this past few months Josh...I  miss you..... I miss us.”

“Gaby, Please.”

He said please. AYAW NA NYA TALAGA. Ano pa nga bang magagawa ko. Why is it boys never realize how much one little thing can hurt a girl?

Inayos ko na ang sarli ko at nagbihis, may gig ako ngayon sa isang bar sa bayan. Ayokong malate para maklaro pa namin ang mga pyesa. There's no way out I know, aside from singing my problems out. Kung sakali mang hanggang dito na lang ang lahat-lahat saming dalawa ni Yuchengco, kailangan ko na talagang sumuko. I want to refresh my mind, clear all my problems and just have fun with life.

Pagdating ko sa bar, naguumpisa na rin silang mag-ayos ng lahat. Nagpractice muna kami habang naghihintay ng aming turn. Maganda ang naging dala ng "Maria" simula ng makasali ako, dagdag income na rin sa akin at tulong na rin kay Mama.

"Gaby, kasado ka na ba talaga sa kakantahin mo?", Tanong sa akin ni Kuya Aldo

"Oo kuya."

"Alam mo ba kung bakit patok palagi ang banda natin kahit noon pa? Kumakanta daw ang banda ng galing dito." Sabay turo sa kanyang dibdib.

"Talaga? Ayos ah."

"Sa mga pinipili mong kanta, parang may iba gusto ka ipahiwatig ata ah."

"Wala ah. Ibinabagay ko lang sa atmosphere, hehe."

"Okay sige sabi mo yan. Minsan kasi ang tao sa kanta inilalabas ang sama ng loob, sa kanta inilalabas ang mga patama at sa kanta rin sila kumukuha ng luwag."

"Ahh, yung dati pong vocalist nyo, ganun din ba sya?"

"Well, sa pagkakaalam ko. Bawat kanta nya may gusto talaga syang ipahiwatig. Outlet nya yun."

"Sayang hindi ko sya nakilala."

"Oo nga eh, magaling talaga kumanta yun, napakalalim na tao, kaso ganun nga nangyari....... nagkawasak-wasak na ang banda after ng......"

"GUYS TARA NA!! TAYO NA ANG SUSUNOD!" sigaw ni Kuya Jay sa labas

"Oh tara na Gaby, tsaka na tayo magkwentuhan. Pagtanggal kaba lang naman yung usap natin..... Goodluck! Galingan mo."

"Okay Kuya."

Agad naman kaming tumayo na at kinuha ko na ang gitara ko. I'm aiming for another best night. 

Josh's POV

"Hey... Wake up!...... JOSH....... JOSHUA ano ba!" naramdaman kongmay gumigising sa akin. 

Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon