Chapter 2: Drive away

424 15 1
                                    

Nakita ko syang nag-aayos ng sarili nakatingin sa salamin at huminga ng malalim. Natuwa ako na makitang kahit anong sakit ang nararamdaman nya, handa pa rin nyang labanan yon at itukod ang natitira nyang lakas para tumayo. Alam kong nasa isip nyang kailangan nya pa ring ikambyo ang takbo ng kanyang tadhana para sa mga bagay na gusto nyang mapatunayan.

 Kasama ang kanyang ina binabagtas ang daan papunta sa unibersidad na kanyang papasukan. Kasa-kasama ang mahiwagang pahina ng kanyang pagkatao at isinusulat ang bagay na isinisigaw ng kanyang damdamin.

June 8, 2013

Here's to the girl who wants nothing but to chase her dreams

Kahit anong hirap, sakit at pagkabigo narito ako at tatayo. Susundan ang bakas ng aking pangarap para sa minimithi kong tagumpay. I am the girl who always believe that “We must never give up our dreams. Persist. We must be like the sun: Even though the clouds tries to cover it, it never stops to shine. 

- Gaby

Kung alam lang nya kung gaano ako natutuwa sa katatagan ng puso nya sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman nya. Kung alam lang ng taong ito kung gaano ko ipinagmamalaki. 

Gaby’s POV:

 

I really got no Idea kung ano ang bagong buhay na papasukin ko, paano ako bukas at sa mga susunod na araw. Pero sa pangarap ko, kailangan kong lakasan ang loob ko.

 

Nang marating na namin ni Mama ang provincial capital, lalong kumabog ang dibdib ko.. nadagdagan ng 20% ang kaba ko.

 

“Anak, you okay?”, tanong ni mama sa kin.

 

“Yes Ma! Don’t worry.”

 

‘Anak ganyan talaga, i know you can easily catch up here.”

 

“Yeah Hopefully.”

“Of course you will.”

 

Nakatingin lang ako labas ng kotse pinapanood ko ang unti-unting paglayo ko sa dati kong buhay. I'm thinking deeply about something.....about Someone......That someone who happens to be the half of my everything. Siguro naroon na sya sa Candida ngayon, Sabi nya ibinili sya ng Condo ng parents nya somewhere  around the vicinity of the university. Kamusta kaya sya doon?

 

My mom and I decided to rent a space in a dormitory near the school. Since we can't afford a multi-million CONDO UNIT, hindi ko na rin ipinilit kay mama na magkaroon ako for bragging purposes lamang. I know I can be comfortable kahit saan ako mapunta.

Sa tuwing naaalala ko kung paano namin iplano ng lalaking yon ang mga bagay na gagawin namin kapag nadito na kami, nalulungkot ako. Masakit isipin na ang malinaw mong plano hindi na matutuloy sa isang iglap. Pero ano pa nga ba ang dapat kong asahan sa kanya, bago ko pa man sya makilala ay alam ko na kung paano sya magpaasa at saksi ako sa mga babaeng napaiyak nya noong nasa High School pa kami. Lahat ng mga kaklase ko noon ay pinapangarap na maging pagmamay-ari nya, nangangarap na sila ang nag-iisang babaeng makakapagbago kay Josh. Pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon, pinangarap ko rin ang bagay na gusto ng karaniwan. At ngayon, I am now one of those girls whom he thrown overboard.

Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon