Chapter 22: Something New

206 9 2
                                    

'Maybe we can start for something new.', I told myself. Eh ano pa nga ba ang dapat kong gawin sa buhay kong ito di ba.

 

After that freaking week na sumampal sa akin ng mga katotohanang hindi maipaliwanag ng syensya, nagkaroon na akong sense of living my life for the better. Hindi ko alam kung bakit biglang bigla naman nangyari yun, pero alam kong iyon ang dapat. 

 

Wala na si Mariane na laging nagpapaalala sa akin ng mga bagay na masyado kong sineseryoso. Isa na nga doon ay ang issue ko kay Josh. Ang issue na hindi na matapos-tapos. Letting him go is not the main idea but of course it's not that I have to make him stay. This past few weeks, hindi ko man lang narinig ang boses nya, i don't know what happened to him. Hindi ko rin sya nakita sa Psych Class and of course, we never met the following day when he called me. Umasa nanaman ako sa wala.

 

How sad. ;(

 

Fuck this emotions, life would be so much easier with out them at times.

 

"Gabriella, Alis na ko ah. Matutulala ka na lang ba dyan habang-buhay? May balak ka bang pumasok? Kasi ako papasok na ako eh. Oh sya...." sabay tapik sa balikat na ko. "Gotta go!"

 

"Sige Sab. Ingat ka."

 

Inayos ko na din ang bag ko at sinuot na ang red kong Vans. Humarap ako sandali sa salamin para itiklop ang manggas ng Tshirt kong may nakasulat pang malaking print na HIM. Kamusta naman ang nahugot kong T-shirt pala no. 

 

Kung sino ka mang Him ka.... Wala lang.... Kailangan ko ng pumasok. Ngiti lang Gab. Kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may mga messages ako. Kaso, sa kasamaang palad wala. Kainis lang, alam nya naman yung number ko na pero hindi man lang nya ako tinetext...... Akala ko nga eh susulpot sya nung kinabukasan, kaso akala ko lang pala yun.

 

Tok Tok Tok.....

 

"Sino po yan?" sagot ko pero hindi ko pa binuksan ang pinto.

 

"GAbrielle, may naghahanap sayo sa baba." sabi naman ng care taker namin mula sa labas ng kwarto.

 

"Ahh, sino daw po manang?"

 

"Josh daw." sagot nya uli.

 

Ohhh? JOSH? Ilang Josh ba ang naninirahan sa mundo para hindi ako magkamaling si Joshua Yuchengco nga ang naghihintay sa akin sa labas.

 

Magmamadali ba ako? Wait...... hindi noh. Bahala sya maghintay. Mamaya pa naman ang klase ko eh.

 

Teka, mali.

 

Ba't ako magpapaintay ang O.a naman baka sabihin naman nya paimportante ako, eh hindi naman kami. Aahhhhh... makalabas na nga. Tutal ayos na nanaman ako eh. Kinuha ko ang bag ko at mga libro at lumabas na ng kwarto. Sabi ni Manang nasa labas daw ng Casita Ysabel si Josh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon