Chapter 12: Ms. Decisive

248 4 0
                                    

Gaby's POV

"Gabrieeeeeelllllaaaaa!!!"

Ano ba namang ingay yun!!!

"Gabrieeeeeelllllaaaaa!!! Hoy gumising ka na ...... di ba may exam ka pa!!"

Niloloko ba ko nito?

Anong Exam?

EXAM????!!!   O_O

Bigla akong napabalikwas sa tawag ni Sabrina sa akin.. lalo na ng banggitin nya ang salitang exam. Shet! Prelims na nga pala namin! 7:00 am nga pala ang first exam ko at Algebra yun.

Dali-dali kong kinuha ang towel ko sa likod ng pinto at nagmadaling pumasok sa banyo.

"Ano ka ngayon edi, para kang ninja ngayon! Bigay todo ka dyang magreview tapos ano ka ngayon" Paninisi pa nito sa akin kahit nasa loob na ako ng banyo at parang ninja na madaling madali sa paliligo.

"Gaby, magsasabon ka ah!"

"OO ADIK KA!!! Hahaha!"

"Bilisan mo ah, intayin  kita sa labas bibili lang ako ng sosyal na kape naten ah." 

"SIGE, SIGE THANKS SAB!"

Agad-agad akong nagtuyo, kumuha ng damit at nagbihis. Inayos ko ang mga gamit at sinure ko na naroon ang Permit ko, kasi lalo akong hindi makakakuha ng exam kung wala yun. Kinuha ko na sa kama ang pinakamamahal kong red jansport bag at lumabas na ng kwarto.

This is GABRIELLE, push lang. Nag-aral naman ako eh.

Paglabas ko kababalik lang ni Sab, iniabot ang binili nyang Caffè Latte

"Thanks." sabi ko kay Sab

Nagderetso na kami sa campus. At dai dali na rin syang pumunta sa building ng HRM ako na man sa Engineering Department. May 5 minutes na lang na natitira sa akin at late na ako. Hindi maaari yun. 

Pagdating ko, buti magbibigay pa lang ng exam kaya dalidali na akong umupo para magready. "GO GABY, Para sa pangarap!", bulong ko sa sarili ko. Maya-maya binigyan na rin ako ng papel. Eto na ang simula. . . . . 

1. Complete the square in the quadratic function f given by : f(x) = 2x2 - 6x + 4.

:) Sisiw!

ANS: 

f(x) = 2(x2 - 3x) + 4 

= 2(x2 - 3x + (-3/2)2 - (-3/2)2) + 4 

= 2(x - 3/2)2 + 17/2 

Nasundan pa yun ng mga nagbabagang katanungan na parang hindi ka pauuwiin ng buhay. Pero syempre hindi ko dapat indahin yun. 

Sa mga sumunod na mga araw pa nagtuloy pa ang pakikibaka ko kasama ang iba pang mga estudyante sa mga exams. Iba dito sa Candida kung magbigay ng exam, kasi pinanghahawakan nila yung mataas nilang standards kaya they are always pushing their students to study hard...... HARDER than the HARDEST.

Kaya gabi-gabi sa dorm talgang halos hindi na kami magpansinan ni Sabrina, ultimo pagkain tutok pa rin sa pagrereview.

Pagdating ng pangatlong araw ayun na din pinakalast day ng examination..... Ang ang araw din ng Psych exam ko kung saan kaklase ko si Yuchengco. Simula ng ibalita nyang nakasali sya sa varsity team hindi na sya nakapasok ng Psychology class kasi lagi daw excuse para sa practice. Kaya matagal tagal ko na din syang hindi nakikita. Pero, okay lang naman. At dapat ko lang hindi na sya makita para maging maayos na ang lahat.

Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon