Chapter 17: V-cut Show

177 2 0
                                    

Here comes Thursday, one hot sunny Thursday. Hanggang ngayon nilalasap lasap ko pa din ang sarap ng Mocha Latte na binili ko sa malapit na Starbucks sa dorm. This past few days napapansin ko sa sarili ko na napapadalas ang pagkakape ko. I’m not a coffee connoisseurs before, ngayon lang. : )

Naglalakad ako sa corridor papunta sa next class ko for the day.

Eeeew...

PDA kung PDA naman yung mga ibang estudyante dito. Why can they just get a room and fuck? Andami daming couple ngayon. Anong meron?

So nangiingit sila ganun?

Who cares if I don’t have one? Boyfriend has 9 letters but so does Starbucks. Haha, true. Tuloy pa rin ang paghigop ko sa aking Mocha Latte. Sana wag na to maubos. Parang gusto ko pa ng isa. Starbucks is like an expensive drug. You know you shouldn't, but you have to.

Pagdating ko sa room for Thermodynamics I na subject, ako na lang ata ang kulang. Tapos nagstart na rin naman.

Wala naman akong magawa sa klase kaya... Tamang journal muna.

“Here's to the girl who is addicted to coffee (Mocha Latte)”

Oh I how I love that treat. Whenever I feel its airborne caffeine-laden nose-joy, very tempting, rejuvenated and soothingly dark-roasted funkiness. Mr. Mocha-Latte, I need you. There is way too much blood in my caffeine system.

-Sincerely, Eternally grateful Gaby

Forgive me with my addiction.

Wew, this class is brain wrecking. May tutorial pa naman ako oh. Mukhang wala na akong ituturo pa kay Yuchengco. Pabayaan na nga sya, matanda na sya sa mundo!

Haaaay, nakakaupos itong engineering. Araw-araw ko na lang ba  sasagupain ang  incomprehensible lectures, endless homework, and impossible tests. Things may not always go quite the way I like, classes with abundant amounts of work and test averages in the 50s are facts of life in engineering. Eh ayokong magkaron ng ganun at patay ang scholarship ko. Ano ba yan!

After ko magmuni-muni sa room, umalis na ko para pumunta kay Sir Matz. Para matulungan nanaman si HuJosh Yuchengco.

Pagdating ko sa office ni Sir Matz.

“Hi, Sir Matz!” bati ko sa kanya

“Oh, Ms. Montero. Naku! Wala nanaman si Yuchengco!”

“Sir, wag nyo na asahan yung taong yun. Sige Sir, lagay ko muna itong mga gamit ko dun may pupuntahan lang po ako, balik na lang ulit po ako.”

“Sige Hija.”

Pumunta na ako sa dating gawi, dun sa isang maliit na cubicle na may table at dalawang upuan. Nilagay ko ang bag ko sa upuan, at nilapag ang mga books at ilang notebook ko sa lamesa. Tapos umalis na ako para ipasa ang form sa CandidArts Club.

Josh’s POV

Yes! Natapos din ang klase ko.

“Pare, alis na ko.” Sabi sa akin ni Fred.

“Sige pre.”

“Ikaw san?” Tanong nya.

“Kay Montero!”

“Langya Josh kotang kota ka na dun eh.” Sabi ni Yuan.

Inggit ka naman, mamatay ka sa inggit. Kahit pa crush mo yun, hindi ka papatusin nun.

Here's to the girl: The One Who Hurt the Most [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon