Chapter 8
"Mistakes are always forgivable, if one has the courage to admit them."
-Bruce Lee-
-----------------------------------------------------------------------------------------------
(Blessie’s POV)
“This can’t be!”
Pagkatapos akong kausapin nina daddy at mommy, kelangan kong makita si Rush. Isang malaking kabaliwan ang pinaplanong kasal ng mga magulang namin at hindi dapat yun matuloy. Sisiguraduhin ko.
At alam nyo bang hindi sya nakatira sa dorm? Kasi may sarili syang bahay sa loob ng school. Kahit sobrang lutang ng isipan ko kanina, yun ang una kong napansin. At may Lake! Nakatayo ang bahay nya sa may lake, akalain nyo yun? Parang sya ang may ari ng Rostund, feeling hari ang unggoy!
“Rush! Andyan ka ba?!” sigaw ko mula sa pintuan ng bahay nya sabay katok. “Rush!”
Walang tao o ayaw lang akong pagbuksan? Tsk! Mapasok nga.
Nakita ko syang natutulog sa couch sa sala nya. “At may gana ka pang matulog ha!” sigaw ko saka ko sinipa ang mukha nya. Tama kayo. Sinipa ko ang gwapong mukha nya.
“Aray!” napabalikwas sya ng bangon at agad nagwala. “Damn it! Who did that?!”
“Hoy, pag may nanapak sayo wag ka ng magtaka at magtanong dahil ako na yun. At saka sa laki ng problema natin, mabuti naman at nakatulog ka pa?”
Sumimangot yung mukha nya saka naupo sa couch. “Ang sama talaga ng ugali mo babae ka! Humanda ka dahil gagantihan kita!”
“I know, kaya nga inunahan na kita. Bully ka nga diba kaya kahit hindi kita gawan ng masama, guguluhin mo pa rin ako. Kaya para naman hindi ako lugi, ako na rin ang magiging bully mo. Diba ang ganda nun, pantay lang tayo. Paunahan lang,” pang-aasar ko sa kanya. “Ah, oo nga pala…anong sabi ng parents mo?”
“Diba alam mo na? They said I have to marry you!”
“At pumayag ka?”
“Aba, feeling mo naman gusto kong magpakasal sayo! Sorry babygirl ah, tinanggihan ko kasi sila.”
^___^ “So, hindi na tayo ikakasal? Ayos!”
“Ayos nga! Yun ay kung pinakinggan nila ang masidhing kagustuhan ko na huwag makasal sayo!”
-___-) “You mean, you still agreed to do it. How could you!? You’re such a jerk, alam mo ba yun?”
“Yan, sige isisi mo na naman sa akin lahat. Bakit ikaw, pinakinggan ka ba ng parents mo? Diba hindi?”
Tumango ako. “Eh, hindi rin eh.”
“See? Kung tayo lang ang tatanungin, we would not agree to it but we don’t have a choice!”
“Anong wala? Meron noh,” sabi ko saka ako tumabi sa kanya. “You know what, the reason why my parents want it is their fear that I might be pregnant and of course your parents want you to take responsibility. Don’t you get it? It all boils down to that pregnancy thing.”
Natahimik sya at nag-isip. “So ipapa-abort mo ang baby?”
-__-) Kalimutan nyo nang sinabi ko na nag-isip ‘tong taong to. Tsk! “Bobo! Anong abort? Hindi ako buntis!”
“Weh? Sigurado ka? Pano mo nalaman agad-agad? Wait; don’t tell me you’re infertile?”
“Baliw! I can’t say that I’m 100% not pregnant, pero diba…sex maniac ka, man-whore at expert ka sa mga ganyang kabastuhan at makasalanang bagay…”
BINABASA MO ANG
Marrying the Bully
Roman d'amourHe is sexy, gorgeously handsome and rich. He is a pervert, bad-ass and a jerk. He is Phillip Rush. He is a bully. And he is my HUSBAND. <3<3<3<3<3 She is plain, sincere, and sweet. She is a sadist, selfish and a bitch. She is Blessie Lagdameo. She...