Chapter 9

226 3 0
                                        

Chapter 9

"Let's escape and forget this place"

                        -unknown-

----------------------------------

<Blessies's POV>

Time check, 9:45 PM.

Oras na para tumakas.

Tama na siguro ang 15 minutes para makalabas ako ng dormitory at makapunta sa bahay ni Rush.

The moment I went out of my room, panay  agad ang tingin ko sa paligid habang mabilis na naglalakad papuntang elevator. Nasa 5th floor kasi ang room ko kaya para sa isang taong tatakas, kailangan kong gamitin ang pinakamabilis na paraan para makalabas.Kung meron lang talagang puno sa tapat ng bintana ko, malamang doon na ako dumaan.

In just a few seconds, I reached the first floor.

Dali-daling akong lumabas ng elevator papuntang main door ng building nang bigla akong mapaatras.

Oh, shit. Si Manong Guard!

Ang bobo mo Blessie!Ikaw lang yata ang tatakas na dadaan sa main door at may guard pa! Tsk! Ako na! Eh dahil sa bintana naman kasi ako dumadaan kapag tumatakas at hindi sa pinto.

 Oh well, he saw me. Kesa naman umatras at mahalata, I continued walking towards the door.

"O, anong ginagawa mo dito? Lampas na alas-9, bawal na kayong lumabas," sabi ng guard.

"Alam ko po," sagot ko. Haha. Pilosopa.

"Eh, alam mo naman pala...anong ginagawa mo dito?"

"Ano? Tinatanong mo ako kung ano? Well, manong guard...I'm gonna elope and forget this suffocating place. Kailangan kong tumakas dahil sa susunod na linggo ikakasal ako sa taong kinaiinisan ko at sumikat man ang araw sa Hilaga at lumubog sa Kanluran, hinding hindi ako magpapakasal sa kanya!"

Ooops!Did I just say that? Hindi noh, meron bang tatakas na magsasabi ng totoo?

"Ah manong, naiwan ko po kasi yung libro ko sa field eh. Kanina ko pa yun hinahanap at ngayon ko lang naalala kung saan ko naiwan," pagdadahilan ko sa kanya at sa mga sinabi ko mukhang hindi sya naniniwala.

Huh? Napaka-convincing ko kaya. "Talaga? Hindi ka makikipagkita sa boyfriend mo sa kabilang building?"

O__O

Boyfriend? Hindi ko kaya boyfriend ang manyak na yun.Eeew. "Ah, totoo po yun. Kung talagang makikipagkita po ako sa boyfriend ko eh malamang hindi na po ako dito dumaan, tumalon na po ako ng bintana. Pero kailangan ko lang talagang magpaalam ng maayos sa inyo. That is how clean my intentions are manong. Mabilis lang po talaga. max of 15 minutes."

"O sige, mabilis lang ah. Ako malalagot sayo kung anong mangyari sayo sa labas." Binuksan nya ang pinto at lumabas ako.

YES!!! "Manong, salamat po talaga!" Isinagip nyo po ang kinabukasan ko!

-----------------------------------------------------

"You're late!" sigaw nya. "Diba sabi ko 10:00?"

Tiningnan ko ang wristwatch ko. "Grabeh kung manigaw ah! Kala mo late ako ng isang oras eh 5 minutes lang naman."

"Kaya nga, 5 minutes! Kung dumating ka ng sakto sa oras, malamang ngayon nakatakas na tayo!" sigaw nya na parang walang bukas.

"O sige, sumigaw ka pa. Magsigawan na lang tayo! Ipagsigawan mo na tatakas tayo!" Nakakainis tong asungot na 'to. Tsk! "Eh kasi naman, Mr. Special-treatment hindi ako tulad mo na may sariling bahay na ikaw mismo may hawak ng susi. Nakatira ako sa dorm,na may curfew, na may guard! Baka hindi mo alam."

Marrying the BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon