Chapter 5
"Party hard. Make mistakes. Laugh endlessly. Do things you're afraid to. After all, you're only young once."
-unknown-
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
*toktoktok*
Huh? Himala. May kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
Paglabas ko, si Jessie with her outfit ready to party.
“Jes! Parang may lakad ah? Party?”
“Yes! Yes! Yes! So what are you waiting for! Magbihis ka na!”
Hala. Ang sweet girl na Jessie na nakilala ko biglang naging kiti-kiti. “Ah, Jess…party? Eh, diba bawal makalabas ng school?”
“Yeah, pero hindi naman tayo lalabas eh. Dito lang tayo sa loob ng school sa may pool area.”
Biglang nagliwanang ang paligid ko. Party! May party! Para akong nabuhayan ng dugo! Kaya lang may bigla akong naalala. “Teka, aatend din si Rush diba?”
“Ah…ano, ahm…oo eh. Pero hindi naman sya ang host ng party at saka kasama mo naman ako.”
Not an assurance. Kung pupunta ako para narin akong nag-volunteer na itapon ang sarili ko sa apoy. Aish! Bakit pa kasi sya nag-eexist! Kainis!
“Kung hindi ka pupunta para mo na ring sinabi na takot ka sa kanya. Para mo na ring sinabi na hindi pa nga nagsisimula sumusuko ka na at panalo na sya. Blessie, ang gusto ni Rush ay ang katakutan mo sya, but you are not, aren’t you?”
“Of course! Sino ba sya para katakutan ko?! Tsk!”
“O edi, let’s get pretty na?”
<3<3<3<3<3<3<3<3<3
Dressed in my corset, skin tight jeans, high heels, right amount of amount of make-up and curly wavy hair; I am now set to join a party! Hah! Ang layo ng itsura ko ngayon sa normal get-up ko. I mean, with my usual look na pa-innocent effect na kahit sinong lalaki mag-aalinlangang lumapit…now I look like I am dressed to kill.
“Wow! Blessie! Who would thought you are that hot?!!”
“So you mean without wearing this kind of dress I will not look hot?”
“Hindi noh! Ang ganda mo lang kasi girl! Nakow! Luluwa ang eyeballs ni Rush kapag nakita ka nya,” biro ni Jess saka tumawa.
Pero agad akong nawalan ng gana. Ewan ko ba, mabanggit lang ang pangalan ng manyak na yun parang bad news agad. -__-
“Oh tumahimik ka dyan? Wag kang magkakamaling mag walk-out ha, wala na ‘tong atrasan!”
Yeah right.
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
The party is fine and it’s not too crazy. Unlike sa nakasanayan ko na kung magparty parang sasabog na ang bahay sa gulo, a lot are drunk, some are high with drugs with couples having sex in front everybody…dito, may alak naman pero pigil ang mga estudyante. Ikaw ba naman kasi ang magparty sa loob ng school, diba?
Naka-ilang shots na rin ako. But I’m not yet drunk okay, alam ko pa rin naman ang ginagawa ko.
“Ah Blessie, tumatawag ang mommy ko eh. Labas muna ako ha?” pagpapaalam ni Jess.
“Okay,” sagot ko kaya naiwan akong mag-isa sa table.
“Hey babe. Wow. You look hot. Wanna hit it with me? I promise I’ll make you feel hotter.” Sabi ng unggoy na umupo sa harapan ko.
Seriously, hindi nya ako kilala? “Hit? You wanna hit it with me?” tumango sya with his epic million-dollar smile. “Eh kung sipain kita, gusto mo?!”
“Oh my god,” he gasped.
“O naka-realize ka rin. Ano, you still wanna hit it with me or I’ll hit you na lang para naman sumaya ang gabi ko.”
“Babygirl, dapat ganyan ang suot mo araw-araw sa school!”
“Nah, this look is for party only,” sabi ko sa kanya. Seriously, bakit ba ako nakikipag-usap sa ugok na ‘to?!
Tsk…ewan. Bahala na.
“Edi, magpaparty ako araw-araw! Haha! Problema ba yun? Babygirl ah, punta ka ah?”
He’s drunk. “Lightweight ka naman pala eh, after one hour lasing ka na? haha! Mas matibay naman pala ako sayo!”
“Hmph! Eh kung ito kayang inumin mo? Tingnan natin!” nilagyan nya ng alak galing sa boteng hawak-hawak nya ang baso ko.
I emptied the glass in one slurp. “Juice ba ‘to. Wala man lang akong naramdaman! Ano ba yan!”
“Edi dagdagan natin! Problema ba yun! Ikaw babygirl ah, lasengga ka!”
And I drank.
Drank.
Drank.
Drank.
Until I’m drunk.
Sh*t.
BINABASA MO ANG
Marrying the Bully
RomanceHe is sexy, gorgeously handsome and rich. He is a pervert, bad-ass and a jerk. He is Phillip Rush. He is a bully. And he is my HUSBAND. <3<3<3<3<3 She is plain, sincere, and sweet. She is a sadist, selfish and a bitch. She is Blessie Lagdameo. She...