HABANG nagkukulitan ang tatlo kong kasama ay tahimik naman akong nakatayo at naglalakad-lakad. Dahan-dahan na rin akong napaupo sa kamang
inuokupahan ni Dada. Mabilis na naagaw ang pansin ko sa mga nagkalat na damit ni Tosh, na agad naman niyang nilalagay sa kaniyang maleta. Dahil doon ay naisipan kong magtanong.
"Bakit, Tosh, saan ka pupunta niyan? Napakarami naman yata ng mga gamit na babaunin mo? Parang wala ka nang balak bumalik, ah?" masusi kong tanong habang patuloy pa rin sa paglalagay ng gamit si Toshiro.
"Hindi pa ba sinasabi ni Mama sa inyo na pupunta tayong Samar?"
Dahil sa narinig kong iyon ay bigla akong napatahimik. Tila nakaramdam ako ng kakaibang kaba na hindi ko mawari.NAKATATLO akong katok bago ko ipinihit ang seradura ng pintuan ng silid ni Toshiro. Mabini kong ipininid ang naturang pintuan at dahan-dahan akong pumasok at nilapitan ang apat kong mga anak. Umupo ako sa isang upuan sa sa silid ni Tosh. Isa-isa ko silang tinitigan, tila hinihintay nila ang aking sasabihin.
"Mga anak, siguro naman nasabi na ni Toshiro na babyahe tayo papuntang Samar bago magbukang liwayway?"
"Oo nga, Mama, bakit pala tayo pupunta roon? Dadalaw ba tayo kina Lola at Lolo?" excited na panimulang tanong ng bunso kong si Jeyda.
Napangiti ako sa sinabing iyon ng dalaga ko. "O-oo, kaya dapat ihanda nyo na rin ang mga dadalhin ninyong kagamitan," masaya kong sabi kahit kalakip niyon ang kakaibang kaba na umuusbong sa aking kaloob-looban.
Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang nagsalita ang panganay kong anak, si Dexter.
"May problema ka ba, Mama? Parang may gumugulo sa isip mo." Matiim akong tinitigan ni Dexter, bakas ang pag-aalala sa ekspresyon niya. Tila naman nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabing iyon ng panganay ko. Halos mawalan nga ng kulay ang mukha ko.
"Ah, wa-wala naman, anak. Pagod lang ang mama sa maghapong pagbabantay at paggawa ng tinapay sa Bakery," agad kong saad.
"Oo nga, Mama, kung ganiyang hindi okay ang pakiramdam nyo, saka na tayo bumyahe, "sabat ni Toshiro sa nag-aalalang tinig.
"Oo nga, 'Ma, saka sa isang araw na ang pasukan. Sayang naman kung hindi kami makakapasok," singit ni Dexter na tila nag-iisip.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam ang sasabihin sa mga anak ko. Ayokong humaba pa ang usapan namin dahil magdidilim na, magsasara pa ako ng Bakery. May Bakery kami sa harap ng bahay. May kaya ang pamilya ko, nagmamay-ari ang mga magulang ko ng daan-daang ektarya ng sakahan sa Samar. May-ari din ang pamilya namin ng mga paupahang mga bangka ng mangingisda at may isang mamahaling Hotel and Restaurant ang ngayon ay pinapatayo nila."Huwag nang maraming tanong mga anak. M-may kailangan kasing asikasuhin si Mama sa mga business ng mga Lolo at Lola ninyo. Actually, noong isang buwan pa itinawag ng Lola ninyo ito. Wala kasing maiiwan sa inyo rito," paliwanag ko.
Isa-isa namang napatango ang mga masunurin kong anak hanggang sa sabay-sabay kaming nagsitayuan.
Patakbong lumabas sina Nakame at Dada, habang ang dalawa kong anak na lalaki ay sumunod sa akin upang tulungan akong isara ang Bakery Shop. Sinususian ko na ang saraduhan ng pinto nang magpatiunang pumasok si Tosh. Kasama kong naiwan si Dexter na mataman pa ring nakatitig sa akin.
Malaki ang pagkakahawig ng namayapa kong asawa sa anak kong si Dexter. Pati sa pag-uugali at galaw ay magkatulad na magkatulad sila.
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay dahil ang tila limot kong nakaraan ay kusang bumabalik.
Pinagpawisan ako ng malamig.
Mabilis kong iwinaksi ang isiping iyon at pinakatitigan si Dexter.
Muli ay inagaw ng kung ano ang aking pansin sa sinabi ni Dexter. "So, bukas, tuloy tayo, Mama? Pagdating ba natin sa Samar magkukuwento ka na rin tungkol kay Papa?"Dahil sa binuksang paksa ni Dexter ay hindi mapigil ang pagpapawis ng aking mga kamay. Alam kong matagal nang naghihintay ng sagot ang mga ito. Kaya wala akong magagawa kundi ang tumugon na lang.
"Pagdating natin sa Samar, anak, ikukuwento ko lahat ng tungkol sa inyong ama."Tulad sa batang sabik na kilalanin ang ama ay tila kumislap ang mga mata nito sa madilim na espasyo ng bahay.
"Talaga, Mama? Siya, sige, mauuna na rin akong pumasok. Mag-aayos pa pala ako ng mga dadalhin ko."Pilit akong ngumiti sa kaniya kasabay ng pagbakas ng lungkot sa aking mga mata. Kalungkutan na sanay hindi napansin ng aking anak. Hinatid ko na lamang ng tanaw ang aking panganay na anak habang bitbit ang natirang mga tinapay. Ito na lang siguro ang babaunin namin bukas.
Muling lumipad ang aking gunita sa alaala ng aking asawa at ang dahilan ng pagpunta namin sa Samar."Alam kong sa pagbabalik namin sa Samar ay unti-unting magbabago ang lahat. . ." Iyon ang huli kong isinulat sa aking pinakaingat-ingatang Diary. Pagkatapos ay maingat kung inilagay sa taguan ko ang naturang kuwaderno.
Vote. Comment. Share
babz07aziole ~~~~~~~<3
BINABASA MO ANG
✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)
Mystery / ThrillerAng misteryong bumabalot sa kupas na larawan Mystery/Thriller babz07aziole Unforgettable Series... Lahat tayo ay may LIHIM na ITINATAGO, Na hindi natin kayang HARAPIN. paano kung ang LIHIM na iyon ang siyang MANGIBABAW upang manatili kang NABUBUHAY ...