PAPALABAS na ako ng gate nang makita ko sa may bakery si Dada. Sobrang abala ito sa pagtitinda. Si Nakame naman ay nagmamasa ng tinapay.
Dali-dali akong lumapit sa mga ito. "Nasaan si Dexter?"
Nagkatinginan naman ang mga ito at sabay pang napailing."Bakit sa amin mo naman hinahanap si Dexter?" tanong ni Nakame na patuloy pa rin sa pagmamasa.
"Oo nga, Kuya Tosh, wala ba siya sa kuwarto niya? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," sabi naman ni Dada matapos pagbentahan ang bumili.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at muling idinial ang number ni Dexter, ngunit hindi nito sinasagot ang aparato. Napailing na lang ako."Kapag umuwi si Dexter, pakisabi na ibigay niya sa akin ang passport niya dahil kakailanganin ko iyon sa paglipat natin."
"Aye, aye, sir!" tila batang saad ng mga ito.
Napapailing na lang ako sa mga ito habang natatawa. Agad akong pumara ng taxi para makahabol sa susunod na biyahe papuntang Maynila. Kailangan kong asikasuhin ang mga papeles naming magkakapatid, lalo na ang mga iniwang mana nina Lola at Lolo.
NARITO ako ngayon sa school, hindi para pumasok, kundi para may alamin at tapusin. Nakita kong paparating si Zetch sa may bukana ng Gym kaya agad akong nagtago sa malaking puno ng narra na nasa malapit lang naman.
Nagpalingon-lingon ito sa paligid. Nanatili lang akong nakamatyag mula sa likod ng malaking puno, nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ko. Hinayaan ko lang magsawa sa kaka-vibrate ang phone ko, dahil natitiyak kong si Tosh na naman ang tumatawag.
Ilang minuto na ang nakalilipas nang minabuti ko na ring sumunod kay Zetch sa loob ng Gym. Inayos ko muna ang salaming nag-uugnay sa mga mata ko. Maingat kong binuksan ang pintuan at dahan-dahang pumasok.
Nag-ingat ako na may magawang ingay kagaya ng ginagawa ko, sa tuwing pumapatay ako.
Mayamaya ay nakarinig ako ng mahinang ungol sa loob ng locker room. Parang boses ng babae at lalaki ang narinig ko. Lalo akong na-curious.Nasisigurado kong tama ang hinalang nabuo sa isipan ko. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at sa maliit na siwang ay kitang-kita ko ang paghahalikan nina Zetch at Lydhemay.
Unti-unting naghiwalay ang mga ito, inaalis na ang mga suot nilang uniporme. Dahil abala sila sa ginagawang pagroromansa sa isat isa ay inumpisahan ko nang kuhanan ang mainit nilang pagniniig .
Napailing na lang ako habang patuloy ang mga ito sa ginagawa. Kaya pala nakipag-break siya kay Nakame ay may iba na siya.
At si Zetch Zacarias pa talaga ang ipinalit nito sa kakambal ko? Napangisi na lang ako habang nagtatagis ang mga ngipin ko. Magkakalahating oras na nang matapos ang mga ito. Mabilis naman akong nagtago sa likod ng mga upuan nang makita kong palabas na si Lydhemay.Naghalikan pa ang mga ito bago nagpaalam sa isat isa.
Nang masigurado kong nakalayo na si Lydhemay ay agad akong lumabas sa kinaroroonan ko at mabilis na sinundan sa loob ng shower room si Zetch kung saan konektado rin sa loob ng locker room.
Nasa loob na ito ng banyo at naliligo. Napangisi na lang ako at dahan-dahang inilabas ang katana na nakasukbit sa may beywang ko.
"Guys, wait lang, huh? Tapusin ko lang ang paliligo ko at saka tayo mag-umpisa ng practice game. "
Mukhang naramdaman niyang may kasama siya sa loob ng locker room. Natatawa ako ngunit kasabay niyon ang panggagalaiti ko.
"Sure, enjoy ka lang, Zetch.
Mamaya maliligo ka na sa sarili mong mga dugo!" mabalasik kong sabi saka ko sinipa nang pagkalakas-lakas ang nakasarang pintuan ng shower room."A-anong ginagawa mo r-rito, Senpai Dexter? Paano ka nakapasok? M-may mga guard namang nakabantay sa paligid," nanginginig nitong saad habang mabilis niyang tinatakpan ang kahubaran gamit ang tuwalyang nakasabit sa may gilid.
Patuloy pa rin ang pagbuhos ng tubig sa shower kaya pati ako ay nabasa na rin. Mabuti na lang ay waterproof ang dala kong phone.
"Walang silbi ang mga bantay na kinuha ninyo, Zetch. "Nakangisi akong lumapit sa kaniya. Lalo namang nanlaki ang mga mata nito at napaawang ang bibig sa labis na kaba. Nanginginig rin siya, hindi ko lang alam kung dahil ba sa malamig na tubig na dumadaloy sa shower o dahil sa akin.
Magkaharap na kami ni Zetch at halos hindi na ito kumukurap. Dahan-dahan kong pinaglandas sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang pinakamaselang bahagi ng katawan ang hawak kong katana.
"Kailan pa kayo may relasyon ni Lydhemay?" marahas kong tanong rito.
Napakurap ito. "Halos isang taon na, Se-senpai De-Dexter."Sunod-sunod ang ginawa nitong paglunok. Halatang takot na takot.
Hinila ko ang tuwalyang ipinantatakip niya sa katawan. Pinag-aralan ko ang kabuuan niya at natawa ako nang malakas. "Mas guwapo naman si Nakame kumpara sa yo. Lalong mas malaki at mas mataba nang di hamak ang pagkalalaki ng kakambal ko," pabulong kong saad habang itinututok na sa kaniyang pagkalalaki ang hawak kong katana.
Parang iiyak naman ito anumang sandali. Takot na takot ito sa maaari niyang sapitin sa mga kamay ko. "Maawa ka, Se-senpai Dexter."
Tumaas ang dulo ng labi ko. "Alam kong ikaw ang nagkalat ng tungkol sa naririnig ng mga kapatid ko, dahil matalik mong kaibigan sina Cid at para na rin kayong mag-Kuya ni Brennan. Di ba tama ako?! " pasigaw kong sabi sa kaniya.
Nang hindi ito umimik ay muli ko itong binulyawan kaya sunod-sunod siyang tumango. "Dahil si Tosh ang naging captain ball ng team ng campus at hindi ikaw ay ginusto mong gumanti kaya kinarelasyon mo ang nobya ng kakambal namin at siniraan mo kami dito sa school na pag-aari ng mga magulang mo para tuluyan kaming mawala sa landas mo." Nanatili lamang itong nakatitig sa akin na tila takot na takot.
"Gusto mo bang malaman kong ano ang totoong nangyari? Tutal ay ikinalat mo naman na sa buong school na may kinalaman kami sa pagkamatay ng mga kaibigan mo. . . puwes ipararamdam ko rin sa iyo kong paano ko pinagpapatay sina Brennan, Cid at Mang Pilo!"
"Huwag, senpai, patawad!" malakas niyang sigaw habang lumuluhod sa paanan ko.
Napangisi lang ako at dahan-dahan siyang hinila pataas habang nakasabunot ang kaliwang kong palad sa buhok niya. "Patawad? Pero. . . huli na ang paghingi mo ng tawad!" Mabilis kong dinakma ang pagkalalaki nito at pinutol iyon sa pamamagitan ng hawak kong katana. Natumba ito sa sahig ng shower room habang patuloy na umaagos sa katawan niya ang tubig na nanggaling sa shower.Nag-iiyak na ito at nagsisigaw habang hawak-hawak ang naputol na pagkalalaki nito, mabilis ko itong nilapitan at isinunod ko namang pinutol ang dila niya para hindi na ito makapag-ingay. Humahalo na sa malinis na tubig ang dugo nito, unti-unti nang nanghihina.
"Tatapusin ko na ito, Zetch, para hindi ka na mahirapan pa.
Dahan-dahan kong inilayo ang katawan niya. Kasabay ng pagbaba ng hawak kong katana ay ang paggulong ng sarili nitong ulo sa basang sahig.Pinagmasdan ko muna ang wala nang buhay na katawan ni Zetch bago ako tuluyang lumabas.
Agad kong binasag ang fire drill button kaya dinig na dinig ang alarm sa buong school. Halos magtakbuhan palabas ang mga estudyante dahilan para hindi mapansin ng sino man ang pag-alis ko.
Vote. Comment. Share
babz07aziole ~~~~~~<3
BINABASA MO ANG
✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)
Mystery / ThrillerAng misteryong bumabalot sa kupas na larawan Mystery/Thriller babz07aziole Unforgettable Series... Lahat tayo ay may LIHIM na ITINATAGO, Na hindi natin kayang HARAPIN. paano kung ang LIHIM na iyon ang siyang MANGIBABAW upang manatili kang NABUBUHAY ...