EPILOGUE

89 3 6
                                    

MALIWANAG ang buwan na nakatunghay sa madilim na langit. Rinig na rinig ang paggabing hayop sa kapaligiran, nababalutan ng katahimikan ang buong kakahuyan. Nangangamoy ang kakaibang simoy dahil sa katatapos lang na ulan. Mahihinang yabag ng paa ang maririnig sa maputik na daan, kung saan patungo siya sa kaniyang pakay.

Hindi niya alintana ang masukal na daan, maging ang mga siit at dawag na kumakapit sa kaniyang suot na jacket. Hawak niya sa kabilang kamay ang ballpen at katamtamang laking notebook kung saan isinusulat niya ang bago niyang nobela na ipapasa sa gabing ito. Tatapusin niya ang pagsusulat sa natura niyang akda. Makalipas ang ilan pang lakaran ay nakarating din siya sa pinakadulong bahagi ng kanilang lupain. Dahan-dahan niyang binuksan ang tarangkahan ng lumang gate ng bahay. Marahan niyang iginala ang paningin sa paligid, kitang-kita niya ang matataas ng tabas ng damo sa kapaligiran pati ang mga tanim na bulaklak na nasa tapayan umaabot na sa mataas na bahagi ng bahay. Mabilis niyang ipinagpag sa harapan ng bahay ang maputik niyang sapatos.

Mag-a-alas-onse na ng gabi kaya hindi niya alam kung gising pa ang taong pakay niya. Marahan niyang kinatok ang pinto sa paraang maririnig ng taong nasa loob. Mayamaya, narinig niyang nagbukas ang lock ng pinto. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto kasabay ng kaniyang pagpasok. Agad niya ring isinara ito, pagkatapos ay iginala ang tingin sa paligid.
Napadako ang sulyap niya sa lalaking nakaupo sa wheel chair na malapit sa hapagkainan. Mataman itong nagtitimpla ng kape. Marahan siyang lumapit dito nang makita niyang pilit nitong inaabot ang garapon ng asukal.

Binuksan na rin niya ito saka ibinigay sa kaharap, "S-salamat, masiyado kong naipagitna kaninang umaga to."
Tumango na lang siya nang wala siyang maapuhap na sasabihin dito. Minabuti na lang niyang umupo sa kaibayong silya na katapat nito. Pinagmasdan niya ang bawat galaw nito, kung gaano na ito kakupad. Hindi na ito katulad noon. Ngayon. halos hindi na ito makagalaw nang maayos. Bukod sa may edad nay nadali pa ito ng sakit na stroke.
Marahan niyang ipinitik-pitik sa lamesa ang hawak na ballpen. Kung bibilang pa ng ilang taon ay tiyak niyang magiging alagain na ito.

Dahan-dahang inilagay nito sa lamesa ang tinimplang kape, nag-alis muna ng bara sa lalamunan bago ito magsalita. "So, kumusta ang araw mo Dexter? May susunod ka na bang plano para kay Lydhiemay?"

Marahan niyang idinantay sa labi ang kapeng ibinigay nito bago niya sinagot ang tanong.
"Meron na po pero bago iyon may tatapusin muna ako,"bigkas ni Dexter habang marahan niyang pinagsasalikop ang mga daliri, at saka ito idinantay muli sa lamesa.

Matamang pinagmasdan ng matandang lalaki ang mga kamay ni Dexter. Mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan. Marahan nitong ipinihit ang wheel chair palayo sa binata. Dahan-dahan namang tumayo si Dexter upang sundan ito. Nasa mga mata niya ang pinaghalong emosiyon, pait, awa at lungkot ngunit nanaig ang sigaw ng budhi niya. Ilang dipa na lang siya mula rito nang kusa itong napatigil. Matapos itong tumigil sa tapat ng bintana ay akma na sana niyang ilalabas ang nakatagong katana nang magsalita ang matandang lalaki.
"Alam kong darating ang araw na ito, Dexter. At nakahanda na ako sa ano mang mangyari magmula nang araw na ibinigay ko sa iyo ang katana." Dahan-dahan itong pumihit paharap kay Dexter. Nasa mga mata nito ang kalungkutang ngayon lang nakita ng binata. "Magmula nang ipinagbuntis kayo ng Mama ninyo ay lihim akong sumubaybay. Inilayo siya ng iyong abuela at abuelo nang malaman nilang bigla akong nawala sa pinaglagakan nila sa akin. Maumpluwensiya ang angkan na pinanggalingan ko, Dex. Lahat ng taong sakop ng aming lupain sa Samar ay nangingilag marinig lamang ang aming pangalan. . ." patuloy nitong pagsasalaysay.

Marahang ibinaba ni Dexter sa tabi ang hawak na katana. Hinayaan niyang magsalita ito.
Itinuloy ng matandang lalaki ang sinasabi matapos masigurong makikinig na si Dexter sa kaniya.

"Hanggang sa napag-alaman kong dito nga idinala ang Mama ninyo. Lihim kong kinausap ang may-ari ng lupa na ipagbili sa akin ito ngunit hindi nito basta ibinenta sa akin at naging matigas. . ." marahan nitong ipinihit ulit paharap sa bintana ang wheelchair.

✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon