KABANATA 25

102 7 0
                                    


SA pagtatapos ng kuwento ay ang pagbaling ng naturang guro sa tahimik na estudyante. Tla hindi ito makapaniwala sa katatapos lang na ikwenento ng kaniyang guro.

"G-grabe naman po iyon," nauutal na bigkas ni Denver, ang estudyanteng nakakuwentuhan ng guro.

Napatango-tango lang ang guro na tila kahapon lang naganap ang nangyari sa malaking mansiyon. Akala niya ay hindi na siya makakalabas nang buhay roon ngunit talagang likas atang masuwerte siya. Apat na bangkay ang nailabas kinaumagahan, matapos maapula ng mga bombero ang apoy.

Halos sunog na sunog ang mga bangkay kaya minabuti nang ilibing agad ang mga ito.
Sa bawat pagbabaliktanaw niya sa nakaraan ay tila nararamdaman pa rin niya ang paso sa kanang braso na nagbigay ng peklat sa kaniya.
Muli ay bumalik sa kasalukuyan ang isip ng guro nang mag-umpisang magpaalam ang estudyante.

Inaayos na ng guro ang mga gamit nang muli niyang tapunan ng pansin ang larawang kinukupas na dahil sa kalumaan. Mapait na napangiti ang guro at dahan-dahan niyang linakumos ang lumang larawan. Itinapon niya iyon sa basurahan pagkatapos.

Paliko na sa may pasilyo ang guro nang masalubong niya si Denver na may kasamang babae na hula niya ay nanay ng bata. Sa tantiya niya ay magkalapit lang ang edad nila ng mommy nito.
"Hi, teacher, ito pala ang Mommy ko," panimula ni Denver. "Mommy, siya iyong sinasabi kong bagong lipat na teacher dito sa school. Itinuturo niya sa amin ang Arts and Literature. Napakabait niya, mommy! Ang taas ng ibinigay niyang grade sa pinasa kong project. Siya na ngayon ang favorite kong teacher!" pagbibida pa ni Denver. Mukhang tuwang-tuwa nga ito. Nasa grade 7 pa lang ito pero nakakitaan niya na ito ng kakaibang katangian.

"Ah, ganoon ba? Ang nice naman niyon, nakangiting sabi nito sa anak bago naglahad ng palad sa guro. Ako nga pala si Lydhemay Sanchez."

Tila biglang sumikdo ang pagkasabik sa dibdib ng naturang guro nang marinig ang pangalan ng ina ni Denver.

"Ah, if you dont mind, maam? Ang full name ninyo ay Lydhemay De Castro Sanchez, tama ba?"

Bagamat nagtataka ang mommy ni Denver ay minabuti na lang nitong sagutin ang tanong ng guro. "Y-yes, De Castro nga ang apelyido ko noong dalaga ako."

Isang matamis na ngiti ang pumaskil sa mukha ng guro. Naglahad ito ng kamay kay Lydhemay. Hindi na napansin ng huli ang kakaibang kislap sa mga mata ng nauna.

"Oh, I see. Pasensiya na at nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Mr. Montello. Mr. Shin Montello. Nice to see you again, Lydhemay."

Wakas <3 <3 <3

Vote. Comment. Share

babz07aziole~~~~~<3

A/N

Sana po naintindihan niyo ang ibig sabihin ng huling chapter kong sino ang nakaligtas, dahil aapat lamang na bangkay ang nailabas matapos ang sunog. In short bahala na kayong manghula wahahahaha salamat po sa pagbabasa.

✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon