KABANATA 13

82 3 1
                                    


MAG-A-ALAS siyete na ng gabi. Nakabihis na kami para sa JS Promenaide namin. Nagla-lock na ako ng pintuan habang si Dexter at Jeyda naman ay inaalalayan si Nakame. Kabisado ko na kasi ang mga susi ng bawat pintuan ng mansyon namin.
“Ang tagal mo naman, Tosh!" Gusto ko nang maisayaw si Lydhemay.

Naiiling akong napapangiti rito. "Paano mo isasayaw ang girlfriend mo, Nakame, bali pa nga iyang isang paa mo?"

"Dont worry, Tosh, magaling yata to!" mayabang na sabi ni Nakame.
“Sige nga, Kuya Nakame, isayaw mo nga rin ako mamaya!" natatawang sabi naman ni Dada.

Napapailing na lang ako sa kanila. Ang totoo . . . ayaw ko sanang sumama sa kanila. Para sa akin, hindi ko genre ang mga ganitong okasyon. Suit and tie? Urgh! Nakakairita, sa totoo lang! Kung puwede lang sanang mag-jersey na lang at mag-short. Kaso, hindi pwede dahil dapat daw ay naka-formal attire kami.

Nagsisimula na ang program nang marating namin ang entrance ng Gymnasium.
Cotillion.
Candle light.
Reading the propecy.
Nang matapos ang mga iyon ay malalim na ang gabi at saka pa lamang nag-umpisa ang totoong party. May disco at inuman na!
Pinakiusapan kami ni Dexter na bantayan muna si Dada. May kakausapin lang daw muna ito. Ngunit sa hinahaba-haba ng oras at dahil may amats na rin ako ay nawala sa isip ko ang bilin ni Dexter. Pati si Nakame ay bigla na lang naglaho kasama ang nobya nitong si Lydhemay.

“Buti pa siya, makaka-score! Makahanap na nga rin ng bubutasan.”

Ay, tae! May amats na nga talaga ako! Kung anu-ano na lumalabas sa kissable kong lips.
Iniwan ko muna si Dada sa co-player kong si Cid, mapagkakatiwalaan naman siya.

MAINGAT ang bawat yabag na ginawa ko. Mayamaya lang ay natagpuan ko na ang pakay ko. Mabilis ang bawat galaw na ginawa ko para maisakatuparan ang matagal ko nang pinaplano. Nanatili akong nakamasid sa madilim na gilid kung saan hinihintay ko ang pagdating ng may-ari ng kotse.

Nang dumating siya ay matagumpay akong napangiti. Tamang-tama at nag-iisa ito. Lasing na lasing nga ito at tila hindi na kayang magmaneho.

“Kailangan mo ng tulong?”
Napasulyap ito sa gawi ko at tila nangingilala sa akin. Dex. . . "Dexter Lacus, anong ginagawa mo rito? Pauwi ka na rin ba?”

Napangisi ako dahil umaayon ang lahat sa aking plano. "Oo, eh, puwede ba akong makiangkas? Tutal parehas lang naman ang way natin. If you don’t mind?"

“Yeah, sure, I really dont mind.”
Agad akong umupo sa tabi nito nang pinaandar na nga nito ang makina ng kotse. "Mabuti at pumayag kang pasakayin ako.”

"Bakit naman hindi ako papayag, Dex? Tapos naman na ang kaso at naibasura naman sa korte ang kasong isinampa mo."

Napakuyom ang kamao ko. Tinitimpi ko ang umuusbong na galit na nag-uumpisa nang mamuo sa kaloob-looban ko. Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi at nilingon si Brennan. "Tama ka, Brennan, iba talaga kapag may pera ka. Kayang-kayang magpaikot ng mga tao sa isang kisapmata, ‘di ba?"

Tila nag-isip muna ito bago sagutin ang nakabitin kong tanong. Dahil sa kalasingan siguro nito ay lumabas na ang pagiging mayabang nito. Mas binilisan pa nito ang pagmamaneho."Napakatalino mo naman talaga, Dexter. Mabuti nang malaman mo ang totoo para matanggap mo na."

Isang nakakalokong ngiti ang isinukli ko sa kaniya. "Iyan ang inaakala mo, Brennan, dahil pagbabayaran mo nang malaki ang ginawa ninyong mag-ama!”
Mabilis itong napabaling sa kinauupuan ko. Malakas niyang diniinan ang brake ng kotseng minamaneho. Pero hindi gumagana ang preno ng kotse kaya unti-unting nagsalubong ang makakapal nitong kilay. Pababa ang daan kaya lalo pang bumilis ang andar ng sasakyan at nag-umpisa na itong lamunin ng pangamba.

“Anong ginawa mo, Dex?!"

“Ano ba sa tingin mo ang ginawa ko?”

Pinakatitigan ako nitong mabuti. "Gago ka, Dex, isasama kita sa kamatayan!”

Biglang nawala ang ngiti ko at sa nang-uuyam na tinig ay dahan-dahan akong nagsalita. "Alam mo ba kung paano ko malulusutan ang trahedya sa kotseng walang preno?" Tila lalo itong naguluhan sa sinabi ko. Mabilis kong inalis ang seat belt ko at nginisian siya.

"Puwes, tatalon ako sa kotseng ito at ikaw lang ang magtutuloy sa kamatayan na iyong sinasabi, Brennan!”

Mabilis kong binuksan ang pintuan at agad na tumalon. Nagpagulong-gulong ako sa madamong gilid ng daan. Narinig ko pa ang hiyaw nito bago ang pagsabog na naganap. Dahan-dahan akong bumangon at buhat sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang paglalagablab ng apoy na unti-unti nang tinutupok ang bumaligtad na kotse.

“Saan ka ngayon, Brennan? E ‘di sa impyernong pinagtapunan ko sa yo! Diyan ka nababagay. Nagkamali ka ng binanggang tao!"

Pagkatapos niyon ay mabilis na akong naglakad pabalik sa school. Habang naglalakad ay pinakiramdaman ko ang mga munting gasgas at sugat na natamo ko. Gagaling ang mga ito sa takdang panahon. Ngunit ang bawat masalimuot na alaalang nagagawa ko ay mananatiling lihim sa hanggang aking kamatayan.

Vote. Comment. Share

babz07aziole ~~~~~<3

A/N

this chapter Dedicate to you ms. KhimmythelostBaeBy :3

✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon