KABANATA 18

71 5 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na balibag ng bintanang nabuksan dahil sa lakas ng hangin na dulot ng ulan sa labas ng mansion. Inabot ko ang roba sa sabitan at mabilis na isinuot iyon. Malamig na panggabing hangin ang sumalubong sa akin. Natatalamsikan pa ang aking mukha sa lakas ng ulan sa labas.

Isasara ko na sana ang bintana nang mahagip ng mga mata ko ang naglalakad na pigura ng isang lalaki. Nakasuot ito ng jacket at natatakluban ng hood ang ulo nito. Patumbok ito sa kinatitirikan ng aming mansyon.

Dali-dali akong pumanaog para mapagbuksan ito. Madali akong nakarating sa main door dahil tumakbo ako. Pipihitin ko na ang seradura nang kusang bumukas ang pintuan. Nagulat pa ako nang lubos kong makilala ito.
"Bakit gising ka pa, Dada?" ang mabahaw na tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretsahan.

"Nagising kasi ako sa nabuksang bintana ko, Kuya Dex. Isasara ko na sana ang bintana nang makita kita sa labas habang naglalakad sa gitna ng ulan. Saan ka pala nanggaling?"

Kumibot-kibot ang labi niya na tila hindi mapakali. Nang titigan ko siya ay napansin ko ang dugong umaagos sa noo nito. "M-may sugat ka, Kuya. Halika sa living room at gamutin natin yan!nag-aalala kong sabi at hinila ito papasok.

Agad kong kinuha ang medicine box sa cabinet. Si Kuya Dexter naman ay hinubad na ang suot niyang jacket. Basang-basa ito tumutulo pa ang tubig sa jacket at katawan.

Binigyan ko siya ng tuwalya. Nagpaalam itong magpapalit lang ng damit bago ko raw gamutin.

Napansin kong naiwan niya ang jacket sa center table.

Dadamputin ko na sana iyon nang mapansin kong may mantiya ng lupa at mga nakasabit na mga tuyong dahon doon. Bigla ang pag-ahon ng kaba sa aking dibdib nang maagaw rin ng pansin ko ang mga bahid ng dugo sa naiwang jacket ni Kuya Dex.

Nawala ang pansin ko sa jacket nang marinig ko ang malalim at malamig na boses ni Kuya Dex.

"Ano ang problema, Dada?"
Napalunok ako bigla at nanginginig na sumagot dito. "Ah, kasi iyong jacket mo, Kuya Dex, sobrang dumi at may bahid pa ng dugo. Saan ka ba nagpunta sa ganitong oras?"

Matagal muna niya akong tinitigan bago nagsalita.

"Nanggaling ako sa gubat, Dada. Tiningnan ko lamang kung may nahulog na sa hukay ng pain ko para sa mga baboy ramo."
Dahil sa sinabi niya ay nag-umpisa na akong huminga nang maayos. Hilig kasi nito ang panghuhuli ng mga ligaw na hayop.

"Ay, ganoon ba, Kuya Dexter?" Gamutin na natin iyang sugat mo.

"Sige," maikli lang niyang sagot sa akin.

Nagtaka ako sa dami ng gasgas niya sa braso pero hindi ko na lang ipinahalata sa kaniya. "Eh, kumusta naman, Kuya? Bakit hindi mo nadala yong huli mo?"

"Naiwan sa hukay, Dada. Masyado kasing madulas ang lupa dahil sa lakas ng ulan kaya hindi ko na ito nakuha. Nanlaban pa kasi, eh. Nakita mo naman ang sugat ko. Saka hindi ko na rin maiuuwi iyon."

"B-bakit naman, Kuya?"

"Dahil tuluyang mapupuno ng tubig ulan ang hukay. Mabababad iyon hanggang sa mabulok na nang tuluyan. Hayaan mo, Dada, huhuli na lang ako ng iba."

"Ah, okay lang kahit huwag na, Kuya. Ayoko rin naman ng lasa ng mga baboy ramo na nahuhuli mo."

"Sabagay, maski ako, ayaw ko rin kainin ang mga iyon. Gusto ko lang silang nakikitang nahihirapan hanggang sa unti-unting namamatay sa harap ko."
Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita. bakas na bakas ang kasiyahan niya. Ipinagkibit-balikat ko na lang aking balikat at ipinagpatuloy ang paggagamot sa sugat at mga gasgas niya.

Lumipas ang ilang linggo ay pasukan na namin. Nasa school kami nang mabalitaan namin ang nangyari sa mag-amang Cid at Mang Pilo. Ipinakita pa ng isa naming kaklase ang kinuha niyang litrato ng mag-ama mula sa cellphone nito. Kalunos-lunos nga ang sinapit ng mga ito.

"Grabe, Jeyda, kung naroon lang kayo sa pinangyarihan! Ayon sa imbestigasyon ay maraming saksak na natamo si Mang Pilo habang si Cid ay nilaslas ang magkabilang pisngi. Itinapon sila sa hukay sa gubat na malapit rin sa kanila. Iyan ang nakukuha sa pagiging lango ni Cid sa bawal na gamut. Pati tuloy ang mabait niyang ama ay dinamay ng salarin."

Marami pa itong sinabi sa ngunit wala na sa kaniya ang pansin ko, nasa panganay na naming si Kuya Dex. Nakaupo lang ito habang nagsusulat. Likod lang niya ang nakikita ko pero ramdam kong alam niyang nakamasid ako.

Napasinghap pa ako nang bigla siyang napalingon sa akin at tinapunan ako ng kakaibang ngisi. Nagbigay iyon sa akin ng agam-agam. Natitiyak ko na may kinalaman si Kuya Dexter sa mga nangyari kina Cid at Mang Pilo.
Pero bakit naman gagawin ni Kuya Dexter iyon?

Ibinalik na nito sa pagsusulat ang pansin ngunit hindi nakaligtas sa aking atensiyon ang hindi nawala sa mga labi niyang kakaibang ngisi na nagdudulot sa akin ng kaba.

Naalala ko ang gabing umuwing maraming gasgas si Kuya Dex at duguan ang Jacket . . . kung saan kasabay rin ng pangyayari kila Cid at Mang Pilo. Lalong nangibabaw ang kaba sa aking dibdib nang mapagtagpi-tagpi ko ang mga pangyayari. Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ba ako o ano. Pero . . .

Sana mali lang ako ng hinala kay Kuya Dexter . . .

Vote. Comment. Share

babz07aziole~~~~~~<3

✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon