DAHAN-DAHAN bumukas ang pintuang nakapinid. Kahit napakadilim ay kitang-kita ko ang pagpasok ni Dexter. Nanginginig na ang mga tuhod at hita ko habang nasa likod ako ng pintuan, Nang tuluyang makapasok na si Dexter ay agad akong nagtatakbo palabas ng kuwartong kinaroroonan namin.
Nakita ko pa ang makahulugang ngisi niya patumbok sa aking naiwang si Touishiro. Gusto ko man siyang balikan at hilahin palabas ay hindi ko na magawa dahil kailangan kong unahin si Dada.Tiningnan ko sa silid si Dada ngunit wala siya roon. Mabilis akong nagpunta sa kusina at nakita ko naman agad ito. Nakatali ang mga paa at kamay niya sa inuupuang kahoy at walang malay. Nang tuluyan ko siyang malapitan ay agad kong inalis ang panyong nakatali sa kaniyang bunganga.
"Are you alright, Dada? May masakit ba sa yo? May ginawa bang masama sa iyo si Dexter?" puno ng pag-aalalang tanong ko. Mukhang hinang-hina si Dada sa hitsura niya ngayon. Namumutla siya at balot ng takot ang mukha.
"W-wala naman akong nararamdamang masakit bukod sa batok kong kumikirot, Kuya Nakame."Nang tuluyang matanggal ko na ang mga tali niya ay agad ko na siyang hinila. Ngunit sa pagkagulat naming dalawa ay isang tali ang natapakan namin. Sa isang kisapmata ay nagkaroon na ng apoy at mabilis na gumapang ang naglalagablab at nangangalit na apoy sa loob ng kusina. Lalo kaming nataranta pagkatapos. Halos Hindi kami makagalaw.
Dahil sa luma na ang mansyon at puro kahoy ang pundasyong ginamit dito ay natitiyak kong mabilis na tutupukin ito ng apoy. Nagtatakbo kami sa may back door ngunit nataranta ako nang mapagtantong naka-double lock iyon. Lalo akong nataranta nang madilaan na ng apoy ang kaliwa kong braso.
"Gagong Dex 'yan! Isasali pa tayo sa pagkabaliw niya! Kung gusto niyang magpakamatay. . . huwag niya tayong isali!"Nanggagalaiti kong saad. Lakad at takbo ang ginawa namin ni Dada para makaligtas. Mabilis ang ginawa naming mga hakbang papuntang sala kung saan naman naroon ang main door.
"Kuya, paano na tayo? Natatakot na ako!"nanginginig ang boses na saad ni Dada mula sa aking likuran.
Lalo kaming kinain ng takot nang mabilis nang kumakalat ang apoy sa buong mansiyon. Pilit na binubuksan ni Dada ang pintuan. Nagsisigaw na siya at maski akoy tuliro na. Pati ako ay parang gusto nang baklasin ang mga bintana, ngunit nadismaya kami dahil naka-double lock din iyon.
Narinig ko sa aking tabi ang umiiyak nang si Dada. "Hindi na tayo palalabasin ni Kuya Dexter nang buhay. Mamatay na tayo, Kuya Nakame! Masusunog tayo nang buhay!" Nag-umpisa na siyang mapaiyak.
Napatikom na lang ako ng bibig dahil pati ako ay hindi na makapag-isip. Letseng Dexter na iyan! Kung ganoon nga ang pinaplano niya ay isasama natin siya sa kamatayan! huling sabi ko. Mabilis kong hinawakan ang mga kamay ni Dada para upang hilahin siya papunta sa banda roon ngunit bigla na lamang may sumabog sa may kusina dahilan upang mawalan kami ni Dada ng malay at bumagsak sa gitna ng natutupok na mansiyon.
HINAYAAN kong makatakbo si Nakame dahil wala rin naman siyang magagawa, Naka-double lock ang lahat ng puwede nilang malabasan.
Plinano ko na lahat ng apoy na unti-unting tutupok sa mansiyon. Wala akong pakialam kung mamatay kaming lahat. Bastat walang makakaalam ng sikreto ko. Papatayin ko silang lahat kahit mga kadugo ko pa ang mga ito. Mahigpit kong hinawakan ang hawakan ng katana at mabilis na iwinasiwas kay Tosh.
Lalo akong nasabik nang marinig ko ang malakas niyang pag-aray. Tiyak na natamaan ko ito dahil naamoy ko ang masaganang dugong umaagos sa kaniya. Para akong lalong nauulol dahil may mga bumubulong sa akin na magpatuloy lang sa ginagawa.
Kitang-kita ko ang magkahalong takot at pagkamuhi sa mukha ni Tosh habang nakahawak siya sa beywang niya na siyang natamaan ko kanina.Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya ngunit nakailag siya at malakas akong itinulak kaya natumba ako at nabitawan ko ang katana.
Mabilis akong dinamba ni Tosh at ipinalo sa ulo ko ang hawak niyang lamp shade. Halos mawalan ako ng ulirat ngunit nanatili akong gising.
BINABASA MO ANG
✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)
Mystery / ThrillerAng misteryong bumabalot sa kupas na larawan Mystery/Thriller babz07aziole Unforgettable Series... Lahat tayo ay may LIHIM na ITINATAGO, Na hindi natin kayang HARAPIN. paano kung ang LIHIM na iyon ang siyang MANGIBABAW upang manatili kang NABUBUHAY ...