LAKAD at takbo ang ginawa ko para makauwi na ng bahay. Nabalitaan ko kasing muntik nang pinagsamantalahan si Jeyda. Naka-receive din ako ng text kay Toshiro na bilisan ko na ang pag-uwi. Mainit daw ang ulo ni Dexter.
Hindi na sana ako pauuwiin nina Tita at Lydhemay dahil lagpas hatinggabi na pero nagpumilit ako dahil nga sa nangyari kay Jeyda. Nakokonsensya ako . . . sa totoo lang. Wala ako nang muntik nang mapagsamantalahan ang bunso naming kapatid.
Bago bumaba ay umusal muna ako ng pasasalamat sa Papa ni Lydhemay. Ngumiti ito at napatango lang. Dumating ito galing abroad kaya ipinakilala na ako ni Lydhemay rito.
Sususian ko na sana ang main door ng kusa nang bumukas ito at iluwa niyon ang seryosong mukha ni Dexter. Bigla akong kinabahan. Parang may kakaiba kay Dexter ngayon.
"Sumunod ka sa akin," malamig na sabi nito at naglakad papuntang sala.
Sumunod naman ako at nakita si Tosh na nakaupo sa sofa. Agad akong tumabi sa kaniya at napansin kong nakayuko lang siya at walang kaimik-imik. "Nasaan si Dada?" tanong ko.
"Pinatulog ko na siya, Nakame. Masyadong nakaka-trauma ang nangyari sa kaniya dahil sa kapabayaan ninyong dalawa ni Tosh. . . dahil sa hindi ninyo pagtupad sa ibinilin ko!"galit na galit na sagot ni Dexter. Hindi ako nakapagsalita dahil may punto naman ito.
"Dahil doon ay parurusahan ko kayo. Walang lalabas ng bahay nang hindi nagpapaalam sa akin at hindi ninyo maaring gamitin ang mga cellphone ninyo. Maliwanag ba?"
Nagkatinginan kami ni Tosh. Bakas din sa kaniya ang hindi pagsang-ayon sa mga sinabi ng panganay naming kakambal na si Dexter."Grabe ka naman, Dex! Isang araw nga lang na hindi ko hawak ang cellphone ko, hindi na ko mapakali! pagmamaktol ni Tosh.
"Oo nga. Saka paano kami magkikita ni Lydhemay, Dex?" sabi ko naman.
Halos maningkit na ang mga mata nito sa pagtitig sa amin. Dahan-dahan itong nagsalita. "Kaya nga mas mainam na iyan ang maging kaparusahan sa inyo. Iyan ang resulta ng ginawa ninyong pag-iwan kay Dada!"
Narinig ko pa ang pagtagis ng mga ngipin ni Dex matapos magsalita. Galit na galit talaga ito."Ikaw rin naman, Dex, ah? Bat kasi napakatagal mong nawala? Saan ka ba nagpupunta? Dapat kasali ka rin dito para fair."
Muling itinuon ni Dexter ang tingin sa akin. "May tinapos lang ako kanina na dapat matagal nang tapos, Nakame," nakangising sabi nito. Kung hindi ako nagkakamali ay napansin ko ring may kakaibang kislap ang kaniyang mga mata nang sabihin iyon.
"Baka naman kalokohan din 'yang ginawa mo, Dex? Dapat kasali ka rin sa parusa mo!" pamimilit ko pa rin sa kaniya.
Umiling-iling ito." Balang-araw, magpapasalamat ka sa ginawa ko, Nakame. Tayo na lang ang magkakasama kaya sana magtulungan tayo." Dahan-dahan itong tumayo na sa palagay koy hudyat na tapos na ang usapan.
"Bibigyan ko kayo ng isang araw para ipaalam sa mga kaibigan, syota o sino pa man diyan na hindi kayo makakalabas ni makakagamit ng phone. Matulog na kayo dahil bukas ay ipapatawag tayo sa Principals Office dahil sa nangyari kay Dada."
Tumango na lang kami kahit labag iyon sa loob ko. Minsan nakakainis talaga si Dex.
Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Si Jam iyon, kalaro ko ng DOTA. Mabilis ko iyong sinagot dahil hindi naman ito tatawag kung hindi importante."Hello, bakit, Jam? Napatawag ka? Madaling araw na, ah?"
Sa mga sumunod na sinabi nito ay bigla kong nabitiwan ang phone ko. Sina Tosh at Dex naman ay awtomatikong napalingon sa akin."S-si Brennan daw, mga bro. Patay na raw! Naaksidente kani-kanina lang."
"Ano? Paano? Anong nangyari?" gulat ding tanong ni Tosh.
"So, shall we call for a celebration? Shall we, bro? Sa wakas, pinagbayaran niya na rin ang atraso niya sa iyo,"ani Dex na maluwang ang pagkakangitina at tila masayang-masaya pa sa nangyari.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Nakakagulat ang biglang pagbabago ng mood niya. Mula sa kaninang galit sa amin ni Tosh ay naging masaya ito? Pero hindi naman maganda ang balitang nasagap namin!
Nang walang makuhang sagot ay agad itong naglakad papasok sa sariling silid. Naiwan kami ni Toshiro na nagtataka pa rin at nagugulahan.Parang may kakaiba kay Dexter.
Hindi ko alam kung para saan ang kabang biglang umusbong sa sistema ko. Nagbigay rin ng kaisipan sa akin ang iniwang mga ngiti ni Dexter at ang mga salita nito.Ano ang nangyayari kay Dexter?
Vote. Comment. Share
babz07aziole ~~~~~~~<3
BINABASA MO ANG
✔️Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas Na Larawan(COMPLETE)
Mystery / ThrillerAng misteryong bumabalot sa kupas na larawan Mystery/Thriller babz07aziole Unforgettable Series... Lahat tayo ay may LIHIM na ITINATAGO, Na hindi natin kayang HARAPIN. paano kung ang LIHIM na iyon ang siyang MANGIBABAW upang manatili kang NABUBUHAY ...