Chapter 4

2.8K 73 1
                                    

Chapter 4

Jocas' POV

It's been 3 months since the last time we talked.. Me and Rasuken.
Natrauma ako sa nangyari... Takot na akong lumabas ng bahay kapag gabi.

Pagkatapos ng pag uusap namin nung gabing iyon hindi na kami nagpansinan.
Or should I say iniiwasan namin ang isa't isa.. Pareho lang yun eh -_-

Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ako iniiwasan.
Ewan ko pero naiinis ako sa nangyayari -_- iniiwasan ko siya dahil masyado nang magulo ang utak ko kakaisip kung sino at ano talaga siya .... May possibility na hindi siya tao..
Pano nalang kung hindi talaga siya tao? At kailangan niya ang atay at balunbalunan ko? Edi yari na -_-

Naisip ko rin na baka bampira siya.
Pero diba bawal sa araw ang mga bampira? Natatanga na ako sa mga naiisip ko -_-
Napakamisteryoso niya talaga.. Isang linggo siyang hindi pumasok ngayon..nakakapagtaka. Ano kayang nangyari dun?
Sabog na sabog na ang utak ko kakaisip sakanya..

At bakit ko nga ba siya iniisip? -_- tsk..

Andito ako ngayon sa bar na pinapasukan ko.. Sabado ngayon kaya may trabaho ako.. Nasabi ko na diba? May part time job ako. Singer ako sa isang bar.

"Miss Jocas. Susunod kana ^_^" masayang sabi ni Lianne.
Siya ang Manager nitong bar..

Nginitian ko siya..

"Nasan na sila Trisha?"-tanong ko.
Siya yung leader ng bandang tumutugtog para sakin.

"Nasa dressing room. Nagreready na sila"-Lianne.

Tumango nalang ako...

Sa loob ng tatlong buwan mas lalo kaming naging close ni Jalex.
Kung hindi ko kasama ang dalawang baliw lagi niya akong sinasamahan.
Nalaman ko din na pinsan niya lang si Amber. Kung bakit babe ang tawag ni Bitch sakanya?
Trip trip lang daw -_- tss. Kung di ba naman siraulo yung babaeng yun.

"Jocas! Tara na sa stage!"-Trisha

"Ay! Palaka!!"-nakakagulat naman to!

"Haha! Tulala ka nanaman!"-Trisha.

"-_-v tara na. Dami mong sinasabi -_-" sabi ko.

Naunang lumabas sa stage yung mga member ng banda...
Then ako ang pinaka huling lumabas.

'WHOOOOOOOH!! JOOOOCAAAAAAS!!!!'- sigawan ng mga tao dito sa bar...

"Acoustic tayo ngayon Trisha"-bulong ko sakanya.

"Nge. Bakit? Nag eemo ka?"-Trisha.

"Che. Manahimik ka"-ako

"Good evening everyone"- masayang bati ko sa tapat ng mic.

"KYAH! YOU'RE SO GORGEOUS JOCAS!"

"BE MINE HONEY!"

"IDOL!! SING FOR US!!"

"Haha.. Chill guyz.. Ang kakantahin ko ngayon ay... Uhm... Para sa ano... Hmm.."

"AYIIIIIEEEEH!! SPECIAL SOMEONE?!" sigawan nila. Ewan ko pero feeling ko nagblush ako -_-

"Ha-ha.. N-No..Para sa... Uhm.. Sa nagpapagulo ng isip ko ... Di ko alam pero lagi ko siyang naiisip.."

"KYAH! INLOVE SIYA!"
"AKO NALANG KASI!!"
"NANDITO LANG AKO JOCAS!"

nagsigawan ulit sila pati na rin yung banda sa likod ko..

"Haha.. Osya... Music please" sabi ko.

Nagsimula ng magstrum ng gitara si Trisha.. Siya kasi ang lead guitarist.

Ilang sandali pa nagsimula na akong kumanta

Vampire Tale: A Love 'Till Eternity [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon