Chapter 34

1.6K 60 3
                                    


Jocas’ POV

Oh Cas, you okey now??” Freya asked when I came out to my room..
Tumango lang ako sakanya..
Nagulat ako nung bigla akong yakapin ni Shaika at Freya..

Hindi man namin alam ang nangyari, susuportahan ka parin namin. Nandito lang kami sa tabi mo, Cas.Alam naming may problema ka kahit hindi mo aminin. Tandaan mo na, handa kaming makinig anytime, pag gusto mo ng ilabas yan.” Sabi ni Shaika..

Hindi ako sumagot..
Parang gusto kong maiyak kaso naubusan na ata ako ng luha..
Nasagad na kagabi..
Niyakap ko nalang sila pabalik..

Just tell us pag kaya mo na. huh???” marahan akong tumango.

Kumalas na sila sa pagkakayakap nila saakin..

San punta mo?? Bakit bihis na bihis ka? 7am palang ah, at Saturday ngayon. Wala tayong pasok” sambit ni Freya.

I’ll visit mom and dad. Doon nalang ako kakainin hanggang lunch”
Sabi ko..

“Anong oras ka uuwi?? Papasok kaba sa trabaho mo mamaya?” tanong ni Shaika..

Tumango ako..

Hapon na ako makakauwi.. I’ll go ahead.” Sabi ko at lumabas na ako ng bahay…

Pumunta ako sa may garahe at pumasok sa kotse ko…
After a long time, makakapagdrive ulit ako…..
Nakita ko si Shaika na binubuksan ang gate para saakin…
I smiled at her..
Nag wave lang siya ng kamay niya…

Nagdrive na ako papunta sa Almante Mansion
May family bonding kami ng parents ko ngayon, 3 days from now, aalis ulit sila..
Siya kaya? Nakabalik na ba siya sa mundo nila?
Okey lang kaya siya dun?
Namimiss ko siya.
Nahihirapan ako sa sitwasyon ko..
I’m dead but I’m breathing.
Yung feeling na, simula nung nangyari ang gabing yun, parang pinatay ko na ang sarili ko..
Triple ang sakit na naramdaman ko nung sinaktan ko siya..

Yung totoo, may halaga pa ba ang buhay ko??
Napakawalang kwenta ko para saktan siya ng sobra.
But everything happens for a reason, right?
Kaya siguro nangyari ito, dahil hindi kami ang para sa isa’t isa..
Itinadhana kaming magtagpo, pero hindi kami ang itinakda para sa isa’t isa…
Siguro nga, we’re not meant for each other..
Wala akong pwedeng ibang gawin kundi tanggapin ang lahat.
At kung sakali mang magkita ulit kami,  sana…. Sana wala na akong nararamdaman para sakanya..
At sana sa panahong yun, masaya na siya…. Sa piling ng iba…

In-on ko ang radyo…
May Dj na nagsasalita,,

‘Hay naku!! Alam ko namang sa panahon natin ngayon, maraming sawi!’

Aray. Patama ba?

Mga listeners na brokenhearted, wag kayong masyadong magpaapekto, set them free kung yun ang tama. Pero kung pareho pa kayong lumalaban, hold on, kapit lang.
At kung tadhana naman ang humahadlang sainyo, itigil niyo MUNA. Just rest your hearts for AWHILE, baka lang naman, You have the right love at a wrong time.’

Right love at a wrong time?
Posible ba yun?

So para sa mga listeners kong sawi, eto ang kanta para sainyo.
Tandaan niyo, Selfishness won’t do you any good sometimes, consider the other’s sake.’

nagplay na ang kanta..
at kung tinamaan ka nga naman ng lintek..
I LOVE YOU GOODBYE!!
Ouch lang. title palang sapul na.

Wish I could be the one
The one who could give you love
The kind of love you really need
Wish I could say to you’

Vampire Tale: A Love 'Till Eternity [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon