Jocas' POV
*time: 5pm
"Jocas! Okey na ba yang tuhod mo? Kaya mo na bang magpractice??"-Alaissa.
Well, hindi na ganun kalala yung tuhod ko.
Hindi kami nakapag practice kahapon dahil di ko pa kaya.
Teka. Wala pa akong ideya kung anong gagawin namin para sa battle of the bands -_-"Oo. Kaya ko na"-sagot ko kay Alaissa
"So nasaan si Jin? Para makapagsimula na tayo"-Alaissa
"Ewan ko dun. Hindi siya pumasok"-ako
"HUWAAT?!! BAT DI MO SINABI AGAD?! PAANO TAYO MAKAKAPRACTICE KUNG WALA YUNG PAKNER MO?! DAPAT SINABI MO KAAGAD NA ABSENT SIYA PARA HINDI NA NAMIN HININTAY ANG DISMISSAL NIYO!
DALAWANG ORAS KAMING NAGHINTAY DAHIL SA LETCHENG P.E NIYO!!"-AlaissaTinignan ko siya ng masama
"HINDI AKO NAINFORM NA NAGHIHINTAY PALA KAYO!!"-sigaw ko.
Napaatras sila.
"He-he. J-Jocas. J-Joke lang yun noh. O-Ok lang kahit naghintay k-kami. He-he-he-he :}"-Alaissa.
"Tss."-ako.
-_- tsk. Naunang umuwi sila Shaika. Wala tuloy akong kasabay -_- baka kainin ako ng bampira dyan sa tabi
"He-he-he-he... S-sige Jocas, una na kami!!!"- sabay sabay silang kumaripas ng takbo.
What the?!!!! Iniwan nila akong mag isa?!!! Dito sa gym?!! Defuck!
Oh men -_-Kinuha ko ang extrang damit ko sa bag at dumiretso sa shower room.
Hindi pa ako nakakapag shower since natapos ang P.E namin.. Natuyuan na ako ng pawis -_-
Bigla nalang kasi akong hinarangan nila AlaissaPumasok ako sa isang cubicle..
Nagsimula na akong maligoNasa kalagitnaan ako ng pagshashampoo nang makarinig ako ng ingay na parang may pumasok dito sa shower room.
Ah. Baka isa sa mga kasama ni Alaissa..
Pero umalis na sila diba? -_-Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Lumabas na ata siya Kung sino man yunNung natapos na akong maligo, tsaka lang ako natauhan.
Ako nalang mag isa dito diba?
Eh sino yung pumasok dito kanina?
M-Mumu?
Kinilabutan ako sa naiisip ko..Lumabas na ako sa shower room at mabilis na kinuha ang bag ko
Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong gym bago ko iyon nilisanWala talagang ibang tao kundi ako lang.
Habang naglalakad ako sa hallway, ramdam ko ang lamig ng hangin.
Unti unti ng dumidilim.Nakarinig ako ng yabag sa likuran ko.
Napalingon ako sa may likod ko.
Wala namang tao?
Baka guni guni ko lang yun -_-
O baka naman mumu?! O_ONapahinto ako sa paglalakad nang makita kong may nakatayo sa may dadaanan ko..
Nakaharap siya saakin pero di ko makita ang mukha niya kasi against the light yung position niya.
All i know is lalaki siya"Right timing. He's not here"-yung lalaki?
Parang kilala ko yung boses niya.
San ko ba yan narinig? -_-
Ang hilig kong magrecognize ng boses. Pero malilimutin ako minsan"S-Sino ka?"-ako.
Hindi naman ako natatakot.
Kinakabahan lang -_-vFeel ko ang pagngisi niya
"I'm your kidnapper."-yung lalaki.
Gusto kong matawa sa sinabi niya. joke lang -_-
Kidnapper? The fuck.
WAAAAAH! FREYA! SHAIKA! HELP MEEE! T_T
BINABASA MO ANG
Vampire Tale: A Love 'Till Eternity [EDITING]
مصاص دماءWhen A Human And A Daywalker Vampire Collide