Chapter 22

2.1K 64 0
                                    

Jocas' POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko....

Hmmm.. Gusto ko pang matulog...
Hindi ko pa kayang imulat ang mga mata ko...
Napuyat ako dahil sa Battle of the Bands

"Good afternoon, Blair"

Agad akong napabalikwas nang may magsalita...

"ARAY!!!"
Nagkauntugan kami ni Rasuken....
Tsk!! Bakit ba kasi ang lapit ng mukha niya saakin?!!!

Tumawa ng mahina si Lorvanh... Grrr. Naupo siya sa tabi ko.

"Tawa pa. Sige lang... Oh bakit ka huminto? Nahiya kapa" asar na sabi ko sakanya...

"Pfft! Does it hurt?" Hinimas niya ang noo ko habang nagpipigil ng tawa...

"Aaray ba ako kung hindi?" Sabi ko... Common sense.

"Badmood? Meron ka?"

Hinampas ko siya ng unan...

"Ang aga aga, Rasuken ha! Bwisitin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising! Bakit kaba nandito?" Asik ko....

"Ang aga aga? It's already 12 noon.." Napairap ako sakanya.
"Bakit kaba nandito?" Tanong ko ulit..
"Bakit ayaw mo bang nandito ako? If I'm not mistaken, Vin and Lucas told me that you were always looking for me and keep on mentioning my name."

Namula ako sa sinabi niya... May lahing chismoso pala ang mga bampira... Letcheng Lucas..

"T-Tinatanong ko kung bakit ka nandito! Andami mong sinabi!" Deym. Bakit ako nauutal?!

"You're blushing *chuckle* Well, I want to ask you for a date" he said while smiling.....
Nanlaki ang mata ko....

D-Date?!!!!
Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang pagngiti...
Bumilis ang tibok ng puso ko...
He's asking me for a date?!!!

Yiieh~

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Jocas, lunch n-------- ay sorry!!"

Agad ding sinara ni Shaika ang pinto.....
Waaaaaaaah!!!! Nahuli niyang nandito si Rasuken!!!

Nagkatinginan kami...

"Saan ka dumaan papasok dito?" Tanong ko sakanya

Tinuro niya ang bintana...
Nasapo ko ang noo ko...

"Lagot" tanging nasabi ko..

----------

Nakaupo kaming apat sa tapat ng dining table...
Magkatabi kami ni Rasuken, katapat namin si Freya at Shaika.... May mga nakahain na pagkain sa mesa... Napakatahimik ng paligid.. Walang sinuman ang nagsasalita saamin.

Ang weird ng tingin saamin ng dalawang lukaret...

"U-Uh.... A-Alam ko ang nasa isip niyo... I-It's not what you think-----"

"At ano sa tingin mo ang iniisip namin?" Taas kilay na tanong saakin ni Freya... Ooops. Maldita mode activate.

"U-Uh. Rated SPG" sagot ko..
Pulang pula ang mukha ko sa kahihiyan....
Katabi ko pa naman si Rasuken.

"Hala. Nahulaan niya" rinig kong bulong ni Shaika kay Freya... Tsk. Sabi na eh! Masyado silang green!!

"So bakit siya nasa loob ng kwarto mo?" Freya asked in serious tone...
Di ko alam ang isasagot ko... Umurong ang dila ko. Huhuhu! Ano bang dapat kong sabihin?!

Vampire Tale: A Love 'Till Eternity [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon