PROLOGUE

4.3K 122 14
                                    

Philippians 2:3

Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather in humility value others above yourselves,



*****


"Rysha, anak. Ang kapatid mo, umalis sya."


Bigla akong napatayo dahil sa sinabing iyon ni mommy. Umiiyak sya habang si daddy naman ay tahimik lang pero ramdam ko ang galit nya.



"Pinuntahan nya ba si Ian?"



Marahang tumango si mommy bilang sagot sa tanong ko. Si Ian o si Brianna ang water elementalist na naging biktima ng gem ko dalawang taon na ang nakakalipas. Si Ian din ang hinahangaan ng kapatid kong si Akeeyan.


Hindi lingid sa kaalaman ko ang paghangang iyon ng aking kapatid. Ang hindi ko lang mapaniwalaan ay ang pagpunta ni Akeeyan sa elemental world para lang kay Ian.



"Rysha, hindi ko alam kung paano pauuwiin ang kapatid mo. Hindi namin sya kayang sundan sa elemental world."



Napabuntong hininga ako dahil sa sinabing iyon ni daddy.Hindi kami allowed na pumunta sa elemental world nang walang sapat na dahilan. Pero since kami ni Akeeyan ang pinakabatang psyche, magagawa naming tumawid sa portal nang hindi nauubusan ng lakas.



"Sige po, susundan ko po si Akeeyan at pauuwiin dito.", mahinahong kong sabi sa kanila.


"Sigurado ka Ry?", nag-aalalang tanong ni mommy.


"Opo, wala namang makakakilala sa akin doon."



Dahil binura ko ang mga alaala ng lahat ng elementalist about sa akin dalawang taon na ang nakakalipas.


Dalawang taon. Dalawang taon na pala ang nakakalipas simula noong mapagtagumpayan ko ang mission ko sa elemental world.



"Kaya mo na ba?"



Napatingin ako kay daddy dahil sa tanong nyang yun. Hindi kasi lingid sa kaalaman nya ang mga pinagdaanan ko noon. Ngumiti na lang ako sa kanya.


Kaya ko nga ba? Kaya ko na nga bang harapin ang mundong minsang tumanggap at nagmahal sa akin? Kaya ko na nga bang makita ulit ang mundong pinag-iwanan ko ng puso ko?


Kaya ko na nga bang harapin syang muli?



THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon