1 Corinthians 15:57
But thanks be to God! He gives us the victory through our Lord Jesus Christ.
*****
THROY POV
Napailing na lang ako nung sinabi nung babae ang pangalan nya. Tss. Ang dami pang arte, sasabihin din pala naman nya ang pangalan nya. Pinatagal pa ang usapan eh.
Pero bakit ko nga ba naisipang itanong ang pangalan nya? Tss.
Pumasok na lang ako sa kwarto nina Lizeth at naabutan ko pa silang nagkukwentuhan habang kumakain. Nung makita naman nila ako ay natigilan sila saglit.
"Oh ayan na pala ang hinihintay mo eh.", nakangising sabi ni Michael kay Jhudiel.
Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi ni Jhudiel. Hindi na lang ako nagreact at naupo na lang ako sa tabi ni Brylle. Hindi naman sa pagmamayabang pero nahahalata kong may gusto sa akin si Jhudiel. Maski sina Michael ay napapansin yun. Hindi ko na lang ginagatungan ang mga pang aasar nila dahil baka kung anong isipin ni Jhudiel. Ayoko syang paasahin. Dahil aaminin ko, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
"Saan na kaya napadpad si Rysha? Baka naligaw na yun."
"Rysha? You know her?", gulat kong tanong kay Lizeth.
"Yeah, bago naming roommate. Bakit? Kilala mo sya?", sagot naman sa akin ni Lizeth.
"Hindi naman. Nakabanggaan ko lang sya nung papunta ako dito.", walang gana kong sabi sa kanya.
Naalala ko na naman yung sagutan namin nung babaeng yun. Tss. Kabago bago pa lang, ang tapang tapang na. Akala mo bihasa na sya sa element nya. Kung ganun ang iaasta nya dito, paniguradong marami syang makakaaway.
Kawawa sya kapag nagkataon lalo na kapag ang nakaaway nya ay mga malalakas na elementalist.
"Anong nangyari?", tanong ni Zairah.
"Wala.", maikli kong sagot.
Tumingin naman silang lahat sa akin na akala mo ay may ginawa akong masama.
"What?"
"Wala kang ginawa?", mapanghinalang tanong ni Aaron.
"Kilala ka namin Throy.", dugtong pa ni Michael.
BINABASA MO ANG
THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)
Short StoryYou are free to choose, but you are not free from the consequences of your choice. I choose to let go. I choose to stay away from him for the sake of two different worlds. I choose the happiness of others over my own happiness. And this is the conse...