CHAPTER 3

1.8K 86 11
                                    

Romans 15:13

May the God of hope fill you with joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.




*****


BRIANNA POV



"Hi Brianna!" 




Wala na. Sira na ang araw ko. Umagang umaga pa lang, may nambubwisit na agad. Tss. Hindi ko na lang sya pinansin at nagdere deretso na lang ako sa paglalakad.



"Hui, pansinin mo naman ako."



Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko, pero ang lalaking ito ay ganun din ang ginawa. Kaya halos magkasabay na kaming lumakad.



"Brianna."



Wala na. Ubos na ang pasensya ko. Tumigil ako sa paglalakad at masamang tumingin sa kanya.



"Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan mo ako.", inis kong sabi sa kanya.


"Eh gusto ko lang namang makipagkaibigan.", parang bata nyang sabi sa akin.


"Pwes, ayoko."




Maglalakad na sana ulit ako kaso nahawakan nya ako sa braso. Hindi ako agad nakapagreact dahil parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Sh*t! Ano yun?



"Please.", seryoso nyang sabi sa akin.



Napatingin ako sa mga mata nya. Those brown eyes send shiver to my spine. Ipinilig ko ang ulo ko at lumayo ng konti sa kanya.



"Fine.", maikli kong sabi sa kanya.



Ngumiti naman sya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa akin.



"I'm Akeeyan."



Inilahad nya ang kamay nya sa akin habang ako ay nanatili lang na nakatingin sa kamay nya. Nung marealize nya na wala akong balak tanggapin ang pakikipagshake hands nya ay ibinaba na nya ang kamay nya.



"Sige Brianna. Baka malate ka pa sa class mo. See you na lang when I see you."



Tumango lang ako sa kanya at tumalikod na. Nakakailang hakbang pa lang ako ng mapagpasyahan kong lumingon sa kanya. Sakto namang nakatingin pala sya sa akin.



"Nice meeting you Akeeyan."



After I said that ay nagmadali na akong pumunta sa classroom ko na may ngiti sa labi. Ewan ko ba, simula nung kulitin ako ni Akeeyan ay inis na ako sa kanya. Then ayun, bigla na lang nagbago. Tss. Weird.

THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon