CHAPTER 5

1.7K 85 16
                                    


Romans 5:19

For just as through the disobedience of the one man the many were made sinners, so also through the obedience of the one man the many will be made righteous.





*****


THROY POV


"Sinaktan ka ba nya?"


Yan agad ang tanong ko kay Akeeyan nung makalayo sa amin si Rysha. Sinamaan naman ako ng tingin ng kapatid ko na ipinagtaka ko.



"I told you, wala syang ginagawang masama sa akin. Ikaw pa nga ang nanakit sa kanya.", galit na sabi nya sa akin.

"Sigurado ka ba dyan? Baka tinatakot ka lang ng babaeng yun."

"Kuya, she's a nice girl. Don't be too harsh to her just because of what happened. She will never hurt me."


Hindi ko alam kung makokonsensya ba ako sa sinabing iyon ni Akeeyan. Gusto kong isipin na sinasabi lang nya yun dahil tinakot sya ni Rysha. Pero there's a part in me na totoo ang mga sinasabi nya. At nakaramdam ako ng pagkaguilty lalo na at nasugatan ko pa si Rysha.


"Saan ka pupunta?", tanong ko sa kapatid ko nung maglakad sya.

"Susundan ko si ate Rysha, gusto kong makasigurado na okay lang sya."


Galit ang kapatid ko, ramdam ko yun. At sa tagal na naming magkasama, ngayon lang ata sya nagalit sa akin ng ganito.


"Wag na, ako na lang."


Nagulat si Akeeyan sa sinabi ko, maski nga ako ay nagulat din. Pero hindi ko na lang ininda pa yun, lumapit na lang ako sa kapatid ko at tinapik ko ang balikat nya.


"Sige na, bumalik ka na sa classroom mo. Ako na ang bahala sa kanya."

"P-pero kuya ako na lang. Baka kung ano pang mangyari kapag ikaw ang sumunod sa kanya."

"Matapos mo akong konsensyahin. Akeeyan, sige na."


Nagdadalawang isip pa sya kung susundin ba nya ako o hindi. Bumuntong hininga sya bago nagsalita ulit.


"Sige kuya, but please lang, be nice to her. She's in deep pain at wag mo nang dagdagan pa yun."


Pagkasabi nya nun ay umalis na sya habang ako naman ay naiwang tulala dito. Rysha is in deep pain? How come? I mean paano naman nalaman yun ni Akeeyan. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at tinahak ang daan kung saan naglakad si Rysha. Saan na kaya nagpunta yun?


Sa paghahanap ko ay napadpad ako sa may elemental tree. Nakita ko sa isang bench ang babaeng kanina ko pang hinahanap. Nakaupo lang sya doon habang nakatingala sa mahiwagang puno. Ang mahaba nyang puting buhok ay tinatangay ng hangin. Malamlam ang mga mata nya na nakatitig lang sa mga sanga ng puno na sumasabay sa ihip ng hangin.

THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon