THROY POV
"Pare, parang ang saya saya mo ngayon ah, kabaligtaran ng panahon.", nakangiting sabi sa akin ni Aaron.
"Oo nga, sa loob ng dalawang taon, parang ngayon ka lang namin nakita na ganyan kasaya. Anong meron?", gatong naman ni Brylle.
Hindi ko na lang sila pinansin dahil kapag ginawa ko yun ay lalo lang nila akong kukulitin.
"Teka, si Akeeyan ba yun?"
Hindi ako tumingin sa itinuro ni Brylle. Hindi naman sa hindi ako interesado sa kapatid ko pero alam ko naman kasi na si Brianna ang kasama nya.
"Si Rysha ba yung buhat nya?"
"Malamang, si Rysha lang naman ang may kulay puting buhok dito."
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nung marinig ko ang pangalan ni Rysha. At tama nga yung sinabi nung dalawa. Si Rysha ang buhat buhat ni Akeeyan.
"Hoy Throy! Saan ka pupunta?"
Hindi ko na pinansin yung dalawa. Agad akong tumakbo palapit sa kapatid ko. Ano na naman ba ito Rysha? Ano na namang nangyari sayo?
"Akeeyan, anong nangyari?", nag-aalalang tanong ko sa kapatid ko.
"Nawalan sya ng malay kuya."
Kinuha ko sya sa kapatid ko at agad na dinala sa clinic. Inasikaso naman sya agad ng nurse na nakaduty doon. Masyado lang daw napagod si Rysha kaya sya nawalan ng malay.
Mugto ang mga mata ni Rysha at medyo namumula pa ang kanyang ilong. Mahahalata mo na sobra syang umiyak bago nawalan ng malay.
"Akeeyan, what happened?", seryoso kong tanong sa kapatid ko na nakatingin lang din kay Rysha.
"Hindi ko din alam kuya. Nakita ko lang din sya na buhat ni kuya Michael eh."
"Si Michael?"
"Oo. Hindi pa ba kayo nagkakausap ni ate simula nung sinabi ko sayo ang totoo?"
"Hindi pa."
Sa kabila ng mga nalaman ko, wala pa akong sapat na lakas ng loob para kausapin si Rysha. Oo, masaya akong malaman na pareho kami ng nararamdaman pero may kung ano sa puso ko na nagsasabing hindi ko sya muna dapat kausapin. Magkahalong kaba, saya, takot at lungkot ang nararamdaman ko. At hindi ko alam kung bakit. Weird.
"Bantayan mo muna sya, kausapin ko lang si Michael."
Hindi ko na hinintay pang magsalita si Akeeyan. Lumabas na ako ng clinic at agad na hinanap si Michael. Humina na din ang ulan kaya hindi naging mahirap sa akin para hanapin sya.
"Michael."
Agad kong nilapitan si Michael nung makita ko sya sa hallway.
"Throy."
"Anong nangyari kay Rysha? May ginawa ka ba sa kanya?"
BINABASA MO ANG
THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)
Short StoryYou are free to choose, but you are not free from the consequences of your choice. I choose to let go. I choose to stay away from him for the sake of two different worlds. I choose the happiness of others over my own happiness. And this is the conse...