CHAPTER 4

1.8K 90 17
                                    

Isaiah 41:10

So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.





*****

RYSHA POV


"Pasalamat ka dahil babae ka kaya yan lang ang inabot mo. Pero ito ang tatandaan mo, wag na wag mo nang tatangkaing saktan pa ang kapatid ko dahil hindi lang yan ang aabutin mo."


Hindi ko na nagawa pang makapagsalita hanggang sa umalis na sa harapan ko sina Throy at Akeeyan. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Bakit ipinagpipilitan ni Throy na kapatid nya si Akeeyan? Ano bang ginawa ni Akeeyan nung dumating sya sa mundong ito?

Tss. I really need to talk to him. Pasaway naman kasi itong si Throy, bigla na lang sumisingit sa usapan. Wala naman ako syempreng balak saktan ang kapatid ko. Gagamitin ko lang sana ang air element ko para maisama na sya pabalik sa mundo namin. Pero hindi ko nagawa dahil sa epal na Throy na yun.


"Rysha? What happened?"


Naputol ang pag-iisip ko nung biglang sumulpot si Michael. Nakaupo pa din pala ako at nakasandal sa puno dahil sa pagkakatulak sa akin ni Throy.


"Sinong may gawa sayo nito? Dadalhin kita sa clinic.", nag-aalalang sabi sa akin ni Michael.

"Okay lang ako Michael.", sabi ko naman sa kanya.


Inalalayan nya akong tumayo at dun ko naramdaman ang sakit ng likod ko. Masyadong malakas kasi ang pagkakatama ko sa puno.


"May mga sugat ka Rysha. Dadalhin na kita sa clinic.", pagpupumilit pa nya.

"It's my first day in class, nakakahiya naman kung hindi agad ako papasok. Okay lang ako Michael. Sige na, pumasok ka na din dahil baka malate ka pa.", pagtataboy ko sa kanya.


Knowing Michael, hindi sya titigil hangga't hindi ko sinusunod ang sinasabi nya. Pero dahil dakila akong pasaway, hindi ko sya susundin.


"Rysha."

"Sige na Michael. Bye."


Ngumiti ako sa kanya at naglakad palayo sa kanya. Hahanapin ko pa kasi ang room ko. Hindi ko kasabay sina Lizeth dahil nauna ako sa kanila. Inagahan ko talaga ang pasok para hanapin si Akeeyan kaso nga lang..tss.


"Rysha, teka lang. Ano bang section mo?"


Tumigil ako at humarap kay Michael.


"Section B.", sagot ko sa kanya.


Ngumiti naman sya sa akin at naglakad palapit. Kumunot naman ang noo ko. Nung magkatapatan na kami ay saka sya nagsalita ulit.

THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon