AKEEYAN POV
Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Bigla bigla na lang ang lahat. Nalaman ko kay kuya Throy na nag-aagaw buhay si ate Rysha ngayon dahil sa ginawa ng kaibigan nila. Inatake sya ni ate Jhudiel at hindi nila alam na may lason pala ang atake nito kaya hindi nila agad naagapan. Kumalat na sa buong katawan ni ate Rysha ang lason at ngayon nga ay nanganganib ang buhay nya. Ang hindi ko maintindihan ay bakit tumalab kay ate ang lason na yun. She is a psyche. We are psyche. Hindi dapat naaapektuhan si ate ng kahit na anong atake ng isang elementalist.
Ang isa ko pang inaalala ay si mommy. The Elemental Tree represents my mother. At sa nangyayari ngayon sa mahiwagang puno na yun, alam kong may hindi magandang nangyayari kay mommy.
Ito na ba ang consequence ng lahat ng nagawa ko? Ito na ba ang kapalit ng pagsuway ko at ang pagpili sa puso ko?
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong ibalik si ate sa Psyche world pero hindi ko magawang mabuksan ang portal. Isa pa din yun sa pinoproblema ko. Tila pinagsaraduhan na ako ng mundo ko dahil hindi ko mabuksan ang daan papunta doon. Nanganganib ang buhay ng ate ko at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag tuluyan na syang kinain ng lason na yun.
I want to blame ate Jhudiel dahil sya ang may gawa nun. But no. Dahil sa lahat ng nangyayaring ito, alam kong ako ang may kasalanan. Walang ibang dapat sisihin sa mga nangyayari kundi ako lang. Ang hirap hirap ng sitwasyon ko. Wala akong masabihan ng problema ko. Wala sina mommy dito para hingan ng payo kung ano bang dapat gawin. Walang malay si ate na sya lang tanging nakakaalam kung sino talaga ako. I'm all alone in this kind of situation.
Kung sana ay nakinig na lang ako sa pamilya ko. Dapat ay hindi ko na hinayaan na mahalin ang isang elementalist. Dapat ay mas prinotektahan ko ang puso ko para huwag na tuluyang mahulog kay Brianna. Kung sana nung una pa lang ay nakinig na ko kay ate Rysha. Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Edi sana maayos pa din kaming namumuhay sa Psyche world. Edi sana maayos din ang mga elementalist dito sa mundo nila.
Ayokong pagsisihan na minahal ko si Brianna dahil naging masaya ako pero sa lahat ng nangyayari ngayon, sana nakuntento na lang ako sa pagmamasid sa kanya. Sana hindi na ko naghangad pa na makilala sya at malapitan sya.
Ngayon ko lubusang naiintindihan si ate Rysha. Lahat ng sinabi nya sa akin ay paulit ulit na nagpplay sa utak ko. Ngayon ko narealize na tama sya pero huli na ang lahat. At sobrang nagagalit ako sa sarili ko dahil ang t*nga t*nga ko.
"Akeeyan."
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may tumawag sakin. And I know that voice.
"Lola Ehris.", umiiyak kong sambit.
Oo si Lola Ehris. Makita ko pa lang sya ay parang bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. May pag-asa pa na gumaling si ate Rysha. May pag-asa pang ituwid lahat ng pagkakamali ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumakbo papunta kay lola at yakapin sya ng napakahigpit.
"Sorry lola, sobrang laki ng pagkakamali ko. Sorry po."
Bakla mang tingnan pero wala na kong pakialam kung humahagulgol ako ngayon sa harap ni lola. I can't do anything right now except bursting into tears.
"Alam mong kahit gaano kalaki ang nagawa mong pagkakamali, maiintindihan pa din kita. Maiintindihan ka ng mommy at daddy mo. Maiintindihan ka ni ate Rysha mo."
"Si mommy La, kamusta po sya?"
"Hindi maganda ang lagay nya, silang dalawa ng daddy mo."
"Po??"
"Makinig kang mabuti Akeeyan. Ang panghihina ng magulang mo, at ang nangyari sa ate Rysha mo, parte lang yun ng pagsuway mo."
Hindi na ko nagulat sa sinabing iyon ni Lola. Pero ang iniisip ko ay parte lang yun, meaning may mas malaki pang mangyayari.
"Hindi pa ito ang pinaka consequence ng nagawa ko, tama po ba ako?"
Marahang tumango si lola Ehris na mas lalong ikinaiyak ko.
"Nakikita mo ba ang mga elementalist na yan?"
Pinagmasdan ko ang paligid ko, ang mga elementalist na nakahinto lamang dahil sa pagpapatigil ng oras ni lola Ehris.
"Kapag ipinagpatuloy mo ang pananatili dito sa mundo nila, mawawalan sila ng element."
"Lola."
"Magiging normal na lang sila at ang mundong ito ay magiging normal na lang din. At kapag nawalan na sila ng element, mawawalan na din ng gagabayan ang mga Psyche. Hence, Psyches will just vanish in thin air. At kasama ka dun Akeeyan."
"So wala po talagang pag-asa na makasama ko si Brianna. Kahit na anong gawin ko, magkakalayo at magkakalayo pa din kaming dalawa."
"Alam kong mahirap Akeeyan. Pinagdaanan namin yan, ako, ng mommy mo at ni ate Rysha mo. We chose to leave our love behind. We chose to let go."
"Pero naging maayos pa din po kayo, kayo ni lolo Aries at sina mommy at daddy. Bakit kami ni ate Rysha? Wala ba kaming karapatang sumaya katulad nyo?"
"Akeeyan, bata ka pa. Bata pa kayo ng ate mo. Madami pang maaaring mangyari kung natuto ka lang sanang makinig at maghintay."
"Lola, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Gulong gulo na ako. Ang komplikado na ng lahat."
"Akeeyan apo, alam mong mahal na mahal kita. Pero kailangan mong harapin ang parusang ipinataw sayo dahil sa mga nagawa mo."
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Kaya ako naririto ay dahil sa bagong pahina ng libro ng kasaysayan."
"Libro ng kasaysayan?"
"One mistake, everybody will suffer. The end should not be the end. Punish one or else no one will spare. Make a choice. A new beginning or a tragic ending."
"Anong ibig sabihin nun Lola?"
"Ayoko mang gawin ito Akeeyan pero kailangan. Kailangang patawan ka ng parusa dahil sa mga nagawa mo."
Ngumiti ako ng bahagya kay lola.
"Nakahanda na ako Lola sa kahit anong parusa."
Ayoko nang madagdagan pa ang mga pagkakamali ko. Kahit gaano ko pa kamahal si Brianna, kailangan ko nang itigil ito. Para sa kapakanan ng lahat. Marami nang nagsakripisyo para lang maranasan ko ang tinatawag nilang love. Naramdaman ko na kung paano mahalin ng babaeng mahal ko. Sapat na yun para itigil ko na ang kahibangan kong ito.
"Mananatili kang isang Psyche, but not just an ordinary psyche. You will be the new Gem Psyche."
****
Opps 🙊🙊 Bitin muna 😆
Thank you and God bless!
----nnaeillek
BINABASA MO ANG
THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)
KurzgeschichtenYou are free to choose, but you are not free from the consequences of your choice. I choose to let go. I choose to stay away from him for the sake of two different worlds. I choose the happiness of others over my own happiness. And this is the conse...