THROY POV
Tumagal din kami sa Earth Kingdom ng halos isang oras ng magpasya kaming bumalik na sa academy. Ayaw ko pa mang bumalik ay wala akong nagawa dahil nagpumilit na si Rysha na umuwi. Ayoko pa syang bumalik sa academy dahil babalik na naman ang pagkalungkot nya.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi hawakan ang kamay nya. Nagulat pa nga sya at akmang bibitaw pero mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para gawin sa kanya to. Sa totoo lang ay nahihiwagaan din ako sa sarili ko kung bakit ganito ako kakomportable sa kanya. Sobrang bilis ng panahon para marealize ang talagang nararamdaman ko para sa kanya. Yung tipong parang ang tagal tagal ko na syang kilala eh samantalang kelan lang naman sya dumating sa elemental world.
“T-throy”, mahinang banggit ni Rysha.
“Alam ko na lahat Rysha.”
Napatigil sya sa paglalakad at nagtatakang humarap sa akin. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ko bago muling magsalita.
“Nagpanggap kayo ni Akeeyan para pagselosin ako.”, deretso kong sabi sa kanya.
“What?”, hindi makapaniwalang tanong nya.
Marahan naman akong tumango at hindi nakatakas sakin ang pamumula ng buong muka ni Rysha.
“Kaya pala ganun na lang ang galit sa akin ni Jhudiel.”, mahina nyang sabi na nadinig ko naman.
“Anong ginawa sayo ni Jhudiel? Sinaktan ka ba nya?”
Hindi nya ako sinagot. Tatalikuran na din nya sana ako pero hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya.
“Tell me Rysha, sinaktan ka ba ni Jhudiel? Kaya ba nasabi mong hindi ka pwedeng umuwi sa dorm mo?”, seryoso kong tanong sa kanya.
Malaman ko lang na sinaktan sya ni Jhudiel, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa babaeng yun. Oo kaibigan ko sya, pero wala syang karapatang saktan si Rysha.
“N-nagalit sya sakin dahil inagaw ko daw sya sayo. Nalaman din nya yung p-pagpapanggap namin ni Akeeyan.”
“Bakit sya magagalit?”
“Hindi naman na lingid sa kaalaman nating lahat na may gusto sya sayo.”
“Pero hindi nya dapat sabihin na inagaw mo ako sa kanya dahil in the first place, hindi ako sa kanya. Wala syang karapatan na magalit dahil magkaibigan lang kami.”
“Oo alam ko yun pero naiintindihan ko sya. Nasaktan sya.”
Muling tumulo ang mga luha ni Rysha kaya hinila ko sya palapit sa akin at mahigpit na niyakap. Pero ilang saglit lang ay may humila sa kanya at malakas syang sinampal.
“You bitch!”, galit na galit na sigaw ni Jhudiel.
Agad ko namang hinila si Rysha at itinago sa likuran ko. Masamang tingin ang ipinukol ko kay Jhudiel.
“Jhudiel, stop this nonsense!”
“Nonsense? Wow Throy! Just wow!”
All I can see in her eyes is anger and jealousy. Hindi ko alam kung may nagbago ba sa kanya but she’s totally different from Jhudiel na nakilala ko. Nagbago ba sya or ngayon ko lang talaga sya nakikilala?
“Two years. Dalawang taon akong naghirap para mapansin mo Throy. Pero sya? Wala pang isang buwan tapos nakuha na agad nya ang atensyon mo? And worst, tinanggap namin sya bilang kaibigan. Bakit? Ano bang pinakain sayo ng malanding babae na yan hah?”
“I said stop Jhudiel!”
“No! I will not stop until I said so Throy. Hindi ako papayag na sa kanya ka lang mapupunta. Who is she anyway huh? Isang babaeng bigla na lang sumulpot sa mundong ito? Isang babaeng galing sa mortal world? Eh baka nga ni hindi pa nya kayang ipagtanggol ang sarili nya dahil hindi pa nya nakokontrol ang element nya. Isang mahinang babae na kumakapit sa malakas na elementalist at anak ng myembro ng council. Ganyan ka ba kadesperada Rysha? Bakit? Anong gusto mong makamit? Pagiging top student? Pagiging famous sa academy? Ano? Anong gusto mong mangyari? Ginagamit mo lang si Throy eh.”
BINABASA MO ANG
THE CONSEQUENCE (FMG Book 2)
Short StoryYou are free to choose, but you are not free from the consequences of your choice. I choose to let go. I choose to stay away from him for the sake of two different worlds. I choose the happiness of others over my own happiness. And this is the conse...